Martes, Hulyo 17, 2012

MANTSA

One day, I decided to wear this again





Matagal ko nang hindi sinusuot ang polong ito kasi ...



May mantsa siya

Pero dahil wala akong maipang terno sa pants kong navy blue, napilitan akong isuot siya.

At dahil may mantsa ang polo, ganito ang mga naisip kong gawin:


  • takpan siya ng braso  para hindi mahalata ng tao.
  • palabasing basa lang iyan ng pawis
  • magdahilang hindi alam na may mantsa pala ang suot.  Siyempre kasama ang acting na parang nagulat oras na mapuna ng tao.  Best Actor yata ako.  Hahahahahaha!
Pero, sa isang banda, naisip ko, kung ang buhay ko nga puro mantsa e naipagpapatuloy ko pa, e yun pa kayang damit lang.

Kaya ang suma, sinuot ko  siya nang wala nang alintana.

Mabuti naman, dahil noong araw na iyon, wala namang nakapansin sa polo ko na may mantsa.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento