Masarap talaga ang naghahalungkat dahil tiyak may masisipat. I accidentally saw this poem in my inbox. This is my farewell message to my previous church appointment three years ago before I go to my new church appointment.
Masaya ako na mabasa uli ang aking tula. Masaya rin ako na sa blog na ito ang tula ay mailathala:
ISANG TULA NG PASASALAMAT PARA SA KAPATIRAN NG MOUNT PISGAH
By Rev. Arnel R. Vasquez
Ang wika ni Pablo sa Filipos 1:3
“Nagpapasalamat ako kay Cristo
Sa tuwing kayo’y naaalala ko.”
Aking ngayong hinihiram
Ang talatang aking tinuran
Pagkat dumating ang hangganan
Pananatili sa inyong kalagitnaan.
Hindi na tayo laging magsasama
Sa mga gawain at pagsasaya
Sa mga proyekto at anibersaryo
Maging sa SM Molino
Ngunit gaya ni Pablo sa mga taga Filipo
Sa inyo ay pasalamat ako
Sadyang mabait na simbahan
Kilala sa distrito man
Mount Pisgah
Di ko kayo malilimutan
Sa inyo ko nasumpungan
Mga tapat na kapatiran
Mabubuting kaibigan
Salamat sa inyong pagdamay
At sa mga pag-alalay
Sa inyong pang-unawa
Sa lakas ko at kahinaan
Hayaan ninyo na aking sabihin
Mga gawa ninyo ay purihin
Di nyo lang alam kung gaano
Ako ay pinahanga niyo
Kaya naman pag tinanong
Ano ang aking sikreto
Sa pagpapalang natamo
Di makasagot ng sigurado
Pero alam ko ito’y dahil sa inyo
Sa iyo May Caronongan
Dakilang pianist ng ating simbahan
Bagama’t ang pagtugtog dito di pinagkakakitaan
Ang paglilingkod mo ay patuloy na laan.
Hindi lang tiklado ang iyong hinawakan
Tinanggap pati pagiging ingat-yaman
Ang hindi ko malilimutan
Sa kape ikaw ay di mapigilan
Subalit ang sa ‘yo ay kagandahan
Ang salitang pastor “timpla ko kayo” aking mariringan.
Mami-miss ko ang laging nakataas na kamay
Sa awit at sayaw ay winawagayway
At ang iyong wallet na masuwerte
Sana ay madala ko kung pupuwede
Dalangin ko sa iyong esposo negro
Sa pananampalataya magkaisa kayo
Kasama si Tetel at Kobe na mga anak mo.
Sa iyo aking Punong Layko
Walang maibibigay kundi pagsaludo
Julie Medin ay iboto bilang mabuting Kristiano.
Magmula sa panalangin, suporta at pati isusuot ko
Nakatanim lagi sa iyong ulo
Kaya naman sa kapasturan
Ang susunod kong isusuot ay inaabangan
Salamat dahil napaka sweet mo
Alam mo lahat birthday namin pati ng nanay ko
Kayo ni Judy ay maalala ko
Tuwing Obra ni Juan ang suot ko
Salamat dahil pinagkaabalahan mo
Na malaman ang aking gusto
Rosel Legaspi sa iba
Yes woman ang kapara
Wala yatang matandaan
Ako ay iyong tinanggihan
Mula sa gawain sa simbahan
Pati personal na pangangailangan
Ika’y handang tumulong kahit kailan
Kahit ikaw man din ay nangangailangan
Kahit saan ka ilagay
kahit saan ay alalay
Kahit yata ako’y mag-artista
Ikaw ang unang susuporta
Mami-miss ko ang mga texts mo
Ang mga payo kahit ako ay pastor mo
Salamat sa pag-ampon
Nakababatang kapatid na pagturing mo
Si Renee na laging kaagapay mo
Para na ring kuya ang turing ko
Salamat sa Iyo Miss Dumaguete
Kay Jake, Jaira at Renee.
Ethel Sayo, palakpak ko’y para sa ‘yo
Sa pagtuturo ng kanta
Maging ang paksa ay Biblia
Marami sa ‘yo ay napapanganga
Sa paglilingkod mo na nakakahanga
No dull moments kung ika’y kasama
Lalo na’t bibig ay bumuka na
Ang mabigat ay gumagaan
Dahil napararating nang may tawanan
Salamat dahil ang dali mong magsalita
Ng sorry at di sinasadya
Lahat yata ng problema
Yakang-yaka, kayang-kaya
Mami-miss kita Miss Kikay
Pati si Erick na madalas ay himlay
Si Karel na inyong bunso
Si Aaron naman na panganay.
Salamat sa paglead mo kay Amos
Tungo kay Jesu-Cristo.
Sa iyo Lei la-Leila,
Na kay Aiehn ay Inang Yaya,
Kapag kami ay may date ni Donna
Sa iyo agad ang aming punta.
Hanga ako sa ‘yong pasensya
Pag-ibig lalo na kay Noah
Ganoon din kay Junio Lazaro
Sa libreng pagpinta sa bahay ko
Sa mga Apple Mango at sa project ni Diko
Lahat iyon ay mami-miss ko
At ikaw Iwi kasama rito
Salamat Mr. Service ,O Julius ko
Para kaming nasa Las Paellas sa serbisyo mo
Pagiging magalang at pagrespeto
Mga katangiang iyong-iyo
Di ko akalain na kapos ang iyong pinag-aralan
Dating mo kasi ay parang congressman
Hindi mo lang alam kung gaano ako natuwa
Nang sa elementary ikaw ay makapasa
E di lalo na nang sa high school ikaw ay kinilala
At hindi ako magtataka kung bukas makalawa
Ikaw ay tataas pa dahil sa iyong pagpapakababa
Mami-miss ko kayo nila Mildred at Eman
Masakit sa aking loob na kayo ay iiwan.
Chairman Gilbert Lantano
Salamat po ang pahayag ko
Salamat sa pagnanais mo
Maitayo ang church building na ito
Kay Cathy na Mrs mo
Pag may sakit ay takbuhan ko
Anong gamot ang iinumin ko?
Dr Cathy ng mga miyembro
Mami-miss ko ang pamilya nyo
Caren, Calvin, Audwin at Carlo
At siyempre ang siyang laging bati sa akin
Na ako’y guwapo
Si Andrei Lantano
Sa iyo Loi Peralta
Na may mga mata ni Angelita
Suporta sa manggagawa ay napuna
Kaya naman pagtaas ay sunod-sunod na
Mabuhay ka sa iyong pakay
Sa manggagawa ay umalalay
Kung maari lang na habambuhay
Sa SPPR ikaw ay mailagay
Mami-miss ko kayo nila Melchor
Ameng, Pog at si Christian
Laging bukas ang tahanan
Sa manggagawa na nangangailangan.
Kay Susan tayo pati ako
Sa pagsuporta ay numero uno
Anumang okasyon
Saan man maparoon
Laging may bigay na pasalubong
Mami-miss ko ang thoughtfulness mo
Pati si Tintin, CJ at si Jun mo
At siyempre ang pagpa-pray
Kay tiffany na panga-ney.
Dalangin ko na lalo pang umasenso
Magbunga pa pagsisikap mo
Dahil tiyak ako na kasamo ako
Pati na ang mga miyembro
Sa mga ibe-bless mo.
Ay naku Mareng Genia
Dinky Soliman ng Mount Pisgah
Kung magshare ay milya-milya
Pang “Maalaala Mo Kaya” o ha?
Ngunit pagdating sa kusina
Lahat ay humahanga
Dalangin ko sa iyong suliranin
Huwag mong masyadong intindihin
Pag-ibig sa puso ay panatilihin
At si Nayjude ay palakihin
Mami-miss ko ang mga luha mo
Ang sunud-sunod na mga texts mo
Kahit pamilya’y minsa’y layo sa ‘yo
Ako laging karamay mo
Pakisabi kay Henry, Aiza at Cheche
Sa church need ni MJ ang kuya at ate.
Ang Tangin Ina ng mga Magno
Si Lou na ka-Girls’ Talk ko
Sa pamilya ay uliran
Sa iglesia ay ‘di matatawaran
Mami-miss ko ang mga sharings mo
Pati pagka-miss mo kay Antonio
At sa mga tsikiting mo
Aiza, Patricia, Ron at Rafael mo
Pati si Aaron na bunso mo
Kay Pat ay di malilimutan
Isang sermon na napakinggan
Pag-ibig daw ay patunayan
Kahit sa ‘di kaibigan
Sa mga L sisters
Loida, Lala at Lanie
At sa inyong mga pamilya
Salamat sa inyong presensiya
At suporta sa ating iglesia
Alam ko na kayo ay tutularan
Ng mga anak na inaalagaan
Sa nakikitang pagpipitagan
Sa Diyos na Makapangyarihan
Kay Bernard, Dranreb at Paulo
Pagpapala ni Cristo ang sumainyo
Si Teacher Nida na malumanay
Sa salita kilos ay siyang gabay
Sa gawain ay kaagapay
Paglilingkod ay tunay na tunay
Dalangin ko ang tagumpay
Ng MPLC sa iyong mga kamay
Gugustuhin kong magkamali ako
Sa mga iniisip at pinaplano
Kung ang kapalit nito
Pag-unlad ng paaralang ito.
Mami-miss kita Teacher Nida
Pati si Jeth na ex-President na
At si Lalie na pang District na.
Kumusta na lang kay Faith at Bless
At kay Kuya Jimmy na da best
Teresa Narag ang sikretarya
Seksi Tere ng Mount Pisgah
Papers works ang kaharap niya
Kasabay noo’y nagtuturo pa
Dalangin ko na iyong pamilya
Kay Gilbert, Geofrey at Odicia
Pagpapala ay sumagana
Birthday sa Mcdo ay matuloy na
Puwede pa rin kaming maimbita.
Salamat Gilbert sa pagkumpuni
Sa mga appliances naming napupundi
Salamat sa bolunterismo
Nang ika’y mabakante sa trabaho.
Si Gerry Boy na temple keeper
Araw-araw ay siyang sweeper
Pasensiya na kung ang mga utos
Wari ay di matapos tapos
Alam mo ba na malaking tulong ka?
Sa pamilya at sa buong iglesia
Daig mo pa ang may pamilya
Sa responsibilidad ay maasahan ka
Dalangin ko na matagpuan
Katuwang na inaasam
Laan ako na magkasal
Kahit na sa Pangasinan
Di mawawala sa pastoral prayer
Pangalang Kyle brother and sister
Bunsong anak ni Virgie at Ronel
Kapatid ni Xena At Shera Mae
Ganyan nga Virgie ang ipakita
Sa sulirani’y magpakatatag ka
Saludo sa ‘yo ang balana
Bilang ina at isang asawa
Mami-miss ko ang iyong brochure
Wala naman akong utang I am sure
Sa inyo Wakay At Sammy
a.k.a. Pasenaje family
Si Wakay sa MPLC
Sa bulaklak naman siyempre si Sammy
Sana ay patuloy na maging terno
Damit, isipan, puso, paglilingkod n’yo
Hindi ba nung ako dito ay baguhan?
Sa Linggo ng hapon may BS na pinangungunahan
Matagal na kayong hinihintay
Sa mga BS muling makaagapay
Kahit na nga di ko na masaksihan
Masaya na ding mabalitaan
Sa iyo Camille, ok lang yon ang natutunan
Ng iyong mother sa paaralang lingguhan
Kaya huwag mangambang magkamali
Matututo naman kung sakali.
Sakaling Wakay may gusto kang ipagawa
E-mail mo lang at ipaunawa
Huwag lang rush pag binigay
Para naman walang sablay
Wilma Mendoza ng Paliparan
Isa sa mga kaanib na kailan lang
Subalit paanyaya ay inaabangan
Dahil tiyak na ito ay tsibugan
Salamat dahil sa kabila ng katahimikan
Ang suporta mo naman ay maipagsisigawan
Dalangin ko na lalo pang yumaman
Para laging busog ang aming tiyan
Mapalad si Jaime dahil sa ‘yo
Si AJ at Jaz sa pag-aalaga mo
Ikaw ay isang dakilang halimbawa
Ng isang mabuting katiwala
Kami sa ‘yo ay hangang-hanga.
Sila ang tahimik na pamilya
Dong, Andrew, bunso at Nerissa
Oo nga’t madalang magsalita,
Puspos naman kung gumawa
Si Andrew na working student
Nakakasabay ko pa pauwi sa jeep
Antok, pagod sa kanyang work
Just to finish schooling and then find work
Tiyak ko na ang pagsisikap ay magbubunga
Magtatagumpay ang inyong pamilya
Family Alvaran
Pasasalamat ang pakinggan
El Cid, Janet, Erika, Yani, Erin at siyempre si Tokwa
Sa pagpapakita ng suporta hindi lang iisa o dalawa
Dalangin ko na pagpalain ang inyong mga balakin
Ang inyong pamilya ay pag-isahin sa puso at sa damdamin
Sa iyo Erika salamat sa mga medalya
Alam mo ba na ang karangalan mo ay karangalan din ng iglesia?
Kaya sa muling pagsipa, ang Diyos ang mapagpala
Maebel aking kapatid
Pasasalamat ang aking hatid
Sa iyong nais na makapagdala
Sa simbahan ng mga kaluluwa
Si Arsenio at si Cynthia
Ang kanilang buong pamilya
Sayo sila ay umaasa ng gabay at pananampalataya
Ang pag-iikapu ay ipagpatuloy
Upang pagpapala ay tuloy-tuloy
Huwag kalimutan ang Sunday School
Dahil sharing mo ay cool na cool
Salamat kay Liza at Marlon
Sa kanilang pagtugon sa hamon
Na Bible Study ay simulan
Sa Harriet’s Foodhaus na tindahan
Alam ko na ang Diyos sa inyo ay magpapala
Dahil pilit na nagtitiwala sa Kanya na ating Bathala
Dalangin ko na magsimba bago kayo ay magtinda
At makikita ang pagpapala mula sa kamay ng Maylikha
Ate Harriette, Kuya Bry, ang Diyos sa inyo ay gumabay.
Si Ms. Rationale
Wala akong masabi
Alinmang gawain ang planuhin
Layunin nito ay paplantsahin
Bilib ako sa work ethic
Ni Shiela Salvio na click na click
Kahit na nga nagnonose bleed
Kami sa iyong pag-e-english.
Alam naming marami pa
Ang mararating sa paglilingkod
Dahil sa ideas mo na walang kapagud-pagod
Salamat sa mga tikets kahit buong choir ang i-gets
Ma-expose lamang at ma-enhance ang creative side na malupet
Kaya naman kahit kay Pacey lalo na kay Eli
Kitang-kita ang tatak, mukha talagang pang CCP
Sakaling bumalik muli
At the Mount Newsletter na kapuri-puri
Sana wag akong kalimutan
Pahingi ng isang copy
Mommy Enero at Mommy Lydia
Mga matatanda ng iglesia
Sa amin ay mga gabay kayo
Salamat sa ginintuang payo
Mami-miss ko ang pagsutsot
Upang bata ay wag malikot
Mga pagkaing masasarap
Ang siyang laging tinatanggap
Si Raul na laging kasama
Pagpalain sa tulong niya
Dalangin ko patuloy na paglago
Kay Jesu-Cristo na mga turo
Sa iyo Erick Salvio
Sadyang malupet mga jokes mo
Stand Up Comedian katapat mo
Sa mga adlib na binibitiwan mo
Ngunit kung paglalaanan pa
Mga gawain sa iglesia
Marami ang magsasaya
Pati langit ay tatawa
Salamat sa inyong awit
Sa pandinig ko ay sweet na sweet
Pati mga cute na back-up dancers
Kelly, Kaleb at Arwel
Sayang at di nakasama
Si Elaine at si Nanay Nita
Salamat din kay Frank at Veron
Sa inyong panalangin at imbitasyon
Sa inyong tahanan at sa hapunan
Na masaya nating pinagsaluhan
Kay Irene at James
Mami-miss kayo ni Amen.
Ganundin ang paanyaya ni Tina
Na sa kanila ay bumisita
Salamat sa despedida
Para sa aming pamilya
Laging tandaan ang pagpunta sa Baguio
Di ko malilimutan ang iyong patotoo
Kay Bong, Hannah at Aleyna
Pagpapala ang sa inyo’y sumagana
Mula sa Pangasinan
Ngayo’y malapit sa Paliparan
Isang pamilya ang nakakasama
Sa mga gawai’y aktibo na
Si Jeth at Jay kasama si Shane
Sakay ng kanilang motorcycle
Ngayon ay kasama na kahit sa gawain ng pagkanta
At alam ko na papayag pa kahit pagsayawin pa
My brother is not a pig
Because my brother is brother Joe
A man of faith and service
To our church and community
Salamat sa iyong silindro
Saliw sa mga panalangin ko
Dalangin ko ang iyong paggaling
Sa sakit ay hinihiling
Sonia at Art Legaspi
Sa inyo ako ay haping hapi
Sa tulong at paniniwala
Sa walang sawang pagtitiwala
Sa inyong pagsasama
Nawa ay tumatag pa
Upang si Angel at Samantha
Magabayan ng mama’t papa
Sa pamilya ng Cefre, Villamor at Vicente
Sa Francisco, Coloma, Javier, Roque
Dalisay at sa Tambasakan
Kahit na nga panahong magkasama
Ay maikli lamang sa tuwi-tuwina
Batid naming sa panalangin
Kami’y inyong aalalahanin
Ibig ko ring pasalamatan
Ang Pastor ninyo sa kabataan
Pastor Gilmartin one word
Faithful Servant of our Lord
Salamat sa iyong suporta
Paggalang at respeto na ipinadama
Katangiang batid ko na
Magdadala ng pagpapala
Sa mga mensaheng kapuri-puri
Wala akong masasabi sadyang truly
Mami-miss ko ito palagi
Pahinging kopya kung maaari.
Hindi sapat aking tula
Maging aking mga luha
Upang lubos na pasalamatan
Ang inyong mga kabutihan
Ngunit di man maisa-isa
May makaligtaan man na pangalan
Sa Diyos ito’y di mawawaglit
Pagpapala ang kapalit
Ngayon ako’y paalis na
Bitbit buo kong pamilya
Salamat sa ‘yo Mount Pisgah
Sa walang sawang pagsuporta
Nagdaang anim na taon
Sa saya at mga hamon
Pagtitiwala sa Panginoon
Ang inyong itinugon
Kaya kahit sa alaala
Na lamang tayo magsasama
Ako ay maligaya
Sa aking mga pagkukulang
Wala itong personalan
Sadyang di lang napigilan
Ang aking mga kahinaan
Kung sa inyo ay may di nagawa
Sa bagong pastor ay magtiwala
At sa Diyos at Kanyang biyaya
Makasusumpong ng aruga
Paalam Mount Pisgah
Mount Pisgah sa iyo’y paalam
Hindi ko alam pano tapusin
Ano pa ang sasabihin?
“I love you all” nawa’y sapat na
Sige goodbye paalam na.