Please click the link below to watch the film.
Ang buhay ay isang paglalakbay na humahantong sa kapaguran kung wala si Kristo na pinagmumulan ng kapahingahan at kaligayahan. Ito ang mensahe ng maikling pelikula na La Calle De Vida.
Among the four films, ito ang pinakacreative sa manner ng kanyang paglalahad ng kuwento. Hinahamon ng pelikula na mag-isip ang manonood sa tunay na mensahe nito.
Pinupuri natin ang mga bagitong direktor ng pelikulang ito na lumabas sa nakagawian ng paraan ng paglalahad ng kuwento. Mayaman sa simbolismo ang pelikula. Sa totoo lang, ang pelikulang ito ang may pinakainteresting na poster para sa akin. This is the film that I reviewed first. But sorry, the film was not able to sustain its vision.
Mula sa pagiging bata, binatilyo at binata ng mga tauhan sa pelikula, matagumpay na naipakita ng pelikula ang gustong iparating na mensahe. Subalit ang mga sumunod na eksena ang siyang nakaapekto sa maganda na sanang daloy ng istorya. Tinapos na lamang sana ang pelikula sa eksena na binuhat ng gumanap na Kristo ang college boy papunta sa simbahan at sabay silang tumakbo pagkatapos.

Nag-iwan lamang ng kalituhan at mga tanong ang mga sumusunod na eksena. Bakit tumakbo na naman siya sa huli? Hindi ba't natagpuan niya si Kristo nang siya ay nasa kolehiyo pa? Siya ba ay bumalik uli sa dating buhay kung kaya kailangan uli ng eksena na parang nagkaroon muli siya ng realization?
Acting wise, Si AJ Magno at Pacey Salvio ang may pinakamahabang exposure. Halata na camera concious pa ang dalawa sa ilang eksena sa pelikula.

May problema sa continuity aspect ang pelikula. Kulang ang effort ng produksiyon na ipakita ang pagbabagu-bago ng panahon sa mga eksena. Kapansin-pansin ang parehong damit at itsura ng mga gumanap na mga magulang mula ng toddler self papunta sa elementary self. Malibang hindi tumatanda ang mga tao sa pelikula at paborito nila ang mga damit na iyon e pupuwede na.
Nagbibigay kalituhan ang mga triple roles ng mga kabataang lalaki sa pelikula. From bully to youth sa church to bad friends. Hindi na lang sana ipinakita ang kanilang mga mukha sa ilang mga eksena para hindi malito ang mga manonood sa iba't ibang papel na kanilang ginampanan.
Sa apat na pelikula, ang La Calle De Vida ang masasabi kong second runner-up. Pero come awards night, maari pa itong tumaas.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento