Sabado, Abril 28, 2012

KANLUNGAN (The Review)

Please click the link below to watch the film.





Ito ay kuwento ng pagkakaibigan na tumagal nang apat na henerasyon.  May kanya-kanyang katangian at kapalaran, kanilang hinarap ito at pinagtagumpayan hanggang sila ay bumalik sa kanilang dating tagpuan, ang malaking puno na nagsilbing kanilang kanlungan.

Gustong ipakita ng pelikula kung paano nakatulong ang kanilang pagkakaibigan sa kanilang tagumpay sa buhay subalit nabigo ang pelikula na  gawin ang kanyang nais.

Walang makikita sa pelikula na nakatulong ang isa't isa na pagtagumpayan ang kinaharap na suliranin o problema dahil sa dakong huli ng pelikula, para ngang aksidente lang na nagkita-kita ang mga magkababata sa dating tagpuan.

Sa simula, alam mo ang gustong puntahan ng pelikula pero ang nakakalungkot hindi mo ito makikita mismo sa pelikula.

Ganunpaman, isa ito sa mga pelikula na marami ang potential actors at actressess.

They are believable sa kanilang mga roles kaya lamang ay nahila sila pababa ng hilaw na kuwento ng pelikula. The film suffered for employing so many actors.  And mind you, the length of the film is not enough to familiarize you with all the characters.  

More roles para kay Christelle Caronongan at kay Charmaine Peralta in the future.  Pero ang nagmarka nang lubos sa akin ay si Loi Peralta.  She is a natural actress.  Napakaikli ng kanyang role pero di malilimutan.  Kapuri-puri rin ang pagganap ni Dennis Lantano bilang broken hearted guy.

Malakas din ang screen presence ni MJ Borilla, only, he was under utilized in this film.

Napakalakas ng musical score ng pelikula kaya waring nagmukha  itong Music For Television (MTV) at hindi isang short film.

Basically, ang pelikula ay tungkol sa images. Suporta lamang dapat ang musical score.  Pero sa pelikulang ito, hindi mo alam kung yung image ba ang binebenta o yung background music.

Saludo naman ako sa effort ng production designer na pumili ng mga akmang lokasyon para sa pelikula.  

This movie is my third runner-up. Malaki ang chance ni Dennis Lantano sa best supporting actor award.   If I may, I will give a breakthrough performance award to  Loi Peralta.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento