Because He Is Risen by Gerald Kelly
Isinalin sa
Filipino ni Rev. Arnel R. Vasquez
Dahil Siya ay buhay
Ang tagsibol ay darating
Sa lahat ng dako na sinakmal ng taglamig
At ang kalayaan ay lulundag sa ating harapan
Upang ating mapagmasdan
At ang takot ay matakpan
Dahil Siya ay buhay
Dahil Siya ay buhay
Ang aking kinabukasan ay isang epikong nobela
Na dati ay isa lamang maikling istorya
Ang hangganan ng aking buhay ay nanauli
Sa pangwalang hanggan
Ang aking pagpipilian ay walang katapusan
Sa dako ng mga planeta ang hangganan
Ng maaari kong puntahan
Dahil Siya ay Buhay
Dahil Siya ay Buhay
Ang kagalingan ay natitiyak at nauutusan
At ang lahat ng karamdaman ay magpapasakop
Sa harap ng walang hanggang pagdiriwang
Ng Kanyang kapangyarihan
Ng Kanyang kapangyarihan
Maging ang aking libingan ay mabubuksan
Kapag napanumbalik na ang aking buhay
Sapagkat ang mahina at marupok kong katawan
Ay hindi magiging batayan
Sa tunay kong kalagayan
Dahil Siya ay buhay
Dahil Siya ay buhay
Ang gutom ay magpapalaboy-laboy sa lansangan
Sa paghahanap ng masisilungan
Ang pagkagahaman ay mananatili sa kublihan
Sa pagyao ng taggutom tayong lahat ay makikipaglamay
At magsasayaw sa harap ng malamig
Na libingan ng digmaan
At ang kahirapan ay lilipas
Sa ating buong kasaysayan
Dahil Siya ay buhay
At dahil Siya ay buhay
Sisigla ang mga buto ko sa katawan
Ang mga mata ko’y makakakita ng mga posibilidad
Ang aking puso ay makaririnig ng pag-asa
Katulad ng pagbulong sa hangin
At ng awit na bumabalong sa aking damdamin
Na hindi mapipipilan
Habang binibigo ng buhay
Ang madilim na dako ng kamatayan
Katulad ng pangingilabot ng balat
Mismong kamatayan
Ay takot na hahangos sa kublihan
Dahil Siya ay buhay
Napakahusay mo talaga kaibigan! Maaari ko bang hingin ang iyong tulong kung kami'y mangangailangan ng taga-salin sa tagalog ng aming materyal?
TumugonBurahinsure by all means my friend!
TumugonBurahin