Huwebes, Abril 5, 2012

BISITA IGLESIA

Panahon na naman ng Semana Santa.  Uso na naman ang bisita iglesia.

Pero sa amin ay hindi uso  ang bisita iglesia.  Ang uso sa  akin ay ang bisitahin ang  miyembro ng iglesia.

At naobserbahan ko na parang panata ko na rin ito.  Taun-taon ko na pala itong ginagawa.

Kasi nga ngayong mga panahon lang bakasyon ang mahal kong asawa mula sa pagtuturo.

Kaya rare chance ko lang ito na makasama siya sa pagbibisita.

Ang totoo, matagal ko nang planong bisitahin ang aming nadalaw.

Conflict sa schedule lagi ang problema.  Pero kahapon ng hapon, naghimala ang langit, available sila.

Una naming stop ay ang Balintawak Market.  May puwesto kasi sa palengke ang aming target.




Si Alfie,  Ningning and Me


Pagkatapos nang huntahan sa  puwesto, dinala kami ni Ningning sa kanilang tinutuluyan.  Doon niya kami pinagsilbihan ng:




Masarap na vegetable salad






Mapula at matamis na pakwan
hindi nga lang maganda ang pagkakakuha
ng aking camera.
Our next stop ay sa Teacher's Bliss, one pedicab drive from Balintawak.

Kahit may karga-kargang apo, kami ay malugod na inestima.  Bonggang-bongga ang chika.  Partida pa yon, may alaga pa siya.  Hahahahaha!

Dahil biglaan ang aming pagbisita, she served us Otap at Soda with matching paumanhin.  Hindi niya alam on our way to her place, Soda lang ang katapat namin.  Hahahahahahaha!
Pinauwi niya pa sa amin ang natira.

Sayang hindi kami nakapagpakuha ng picture.

Tuwang-tuwa kami sa pagdadalaw.  It was a pleasant surprise kasi na-discover ko na si Alfie, Ningning at Leony ay dati palang naging mga volunteer church workers din ng iglesia.  Si Alfie at Ningning ay naglingkod bilang mga lay preachers sa Nueva Ecija.  Habang si kapatid na Leony naman ay sa Bulacan nagpastora.  Frustrated Deaconess nga raw siya.  Kulang sa scholarship kaya di siya natuloy ng Harris Memorial College (Paaralan ito ng mga deaconess o women worker sa church).

Kaya pala ganoon na lang ang kanilang suporta sa akin.  Manggagawa rin pala silang kung maituturing.

Kung bakit sila hindi nagpatuloy sa pagiging church workers, sila na lang ang inyong tanungin. Hahahahahaha!

Pero alam niyo ba na hindi lang sa aking pagiging pastor sila ay sumusuporta?

Sila rin ang karamay ko sa aking pagiging:



















kusinero ...


Kung si Jesus ang krus ang pasan,
Isang bag naman na gulay ang aking tangan.
Kung si Jesus namatay sa Krus
Tiyak hahaba ang buhay ko dahil sa gulay



Salamat Valdez family
Sa bonggang bonggang veggies









at labandero ...


Hindi niya man daw ako matulungan sa labahan
At least sa sabon man lang ay kanya akong masuportahan
Pero hindi lang panglinis ng damit ang bigay ni Sis Leony ...













Pati panglinis ng aming sarili. Hahahahahahaha!


Thank you Olaguer family
para sa mabango ninyong gift sa aming family


Swak na swak ang aking Mahal na Araw.


Malinis na tiyan dala ng pagkaing gulay.


Malinis na damit at katawan.


Malinis na budhi na lang ang kulang.


Mamaya sa aming pananalangin amin itong huhugasan.


O BAKA KAYO, KAILANGAN NINYO RING MAGBISITA?

















2 komento:

  1. Kaibigan kong Pastor sana ako mabisita mo rin dahil nalalapit na aking kaarawan. Pakiusap isama mo na rin yung ating Direktor na kaibigan para naman isahan na lang ang ating kainan sapagkat ako'y nasa panahon ng katipiran :) Siguro nama'y sapat na aking tinuran upang iyong malaman ang aking tunay na katauhan.

    TumugonBurahin
  2. Howdie my friend? yes i have your birthday in mind. I will talk to roderick about ur birthday celebration ...in celebration pala ng mga birthdays

    TumugonBurahin