Sa aming nakaraang District Conference, sunod-sunod ang reports. Mula umaga hanggang hapon.
Nang ang mga kalalakihan ang nagreport, nasabi nila na kulang ang mga pastor sa suporta sa kanilang mga activities.
Kaya ang aming presider, ay gumawa ng ruling, sa mga activities ng mga lay organizations, ang mga church workers should not be missing.
Sumunod ang mga women sa kanilang report. Bahagi ng kanilang report ay kapareho ng tono sa ulat ng kalalakihan. Sa kanila raw mga gawain, kulang na kulang ang presensiya ng mga kapastoran
Ako ay tumayo at nagpahayag ng aking damdamin. Ang isyu kasi ng suporta ay laging nasasaling. Sa ganang akin hindi mataggap ng damdamin. Dangan kasi kapag ako ay nasabihan, suporta ay ipararating.
Ako rin ay nagmungkahi na i-divide ang bilang ng mga manggagawa, at i-assign sila sa mga gawain na kung saan sila sasama. Hindi lang kasi iisa ang organizations ng district na kailangang suportahan. Bukod pa ang mga gawain sa loob ng simbahan. Minsan nga nagkakapatong-patong, nagkakasabay-sabay ang mga schedules.
Pero inulit lamang ang ruling ng aming presider. Tapos na raw ang usapan. Wala kaming pagpipilian kundi ang sila ay suportahan.
Sa ganitong punto ako ay nalungkot. Mga problemang lumilitaw, pinag-uusapan ng pahapyaw. Walang paki kung ang isang sektor ng simbahan ay mabagsakan ng sisi na parang tinamaan ng bulalakaw.
Bakit nga ba matagal nang usapin ang pagbibigay ng suporta?
"People are changed, Not by coercion or intimidation, But by example" |
Sunday ng hapon, isang text ang aking natanggap mula sa isang member ko na supportive:
Member: Gods pm salamat sa message from God na binahagi m im very thankful lagi m ko nireremind pag my dinadala ako na kasama ko ang Dios at ikaw nandyan ka para sa amin salamat
ooOOoo
Sunday ng gabi, after ng aming worship service. Kinakamayan ko ang mga taong umuuwi. God bless you ang aking template na pagbati. Kasama nito ang firm handshake at matamis na ngiti.
Youth: Pastor, tumagos mula ulo ko hanggang paa ang sermon niyo.
Speechless ako. Tumagos naman sa puso ko ang kanyang sinabi.
At eto pa ang kanyang sinabi na tumagos pati yata sa balun-balunan ko. Hahahahahahaha!
At eto pa ang kanyang sinabi na tumagos pati yata sa balun-balunan ko. Hahahahahahaha!
Youth: Siya nga po pala, kung kailangan niyo ng suporta sa pagpapakanta, kahit acoustic lang muna, puwede po akong magpresinta.
Tuwang-tuwa ako sa kanyang suporta. Di ko kasi ito inaasahan.
Tunay nga na ang SUPORTA AY KUSANG DUMARATING, HINDI ITO IPINIPILIT O DINADAAN SA RULING NG MEETING.
GANITO ANG MAGANDANG REPORT!
Tunay nga na ang SUPORTA AY KUSANG DUMARATING, HINDI ITO IPINIPILIT O DINADAAN SA RULING NG MEETING.
GANITO ANG MAGANDANG REPORT!
Learn to lead without being possessive. Learn to be helpful without taking the credit. Learn to lead without coercion." - Lao Tzu |
aprub po ito... salamat sa paalala....
TumugonBurahinit is a reminder to all of us.
TumugonBurahin