Linggo, Abril 1, 2012

JUNIOR PENOY HENYO

Lunch time na naman.  Akyat na uli ako sa taas para magluto.  May sakit kasi si Diko kaya ako cook ngayon.


Tamang-tama PINOY HENYO na naman ng Eat Bulaga.  Umupo ako sa salas at nagbakasakali na may PENOY HENYO na magagawi.


Mga batang estudyante ang kalahok.  Kids edition kumbaga.


Player 1: Pagkain?


Player 2: Oo.


Player 1: Gulay?


Player 2: Oo


Player 1: Nasa bahay kubo?


Player 2: Oooooooooooooooooooooooooooooooooo!(Di ba kung maka oo, e wagas si player 2? Hahahahahahaha)


Player 1: upo? kalabasa? sibuyas? kamatis? bawang? luya?


Player 2: Hindi! hindi! hindi! hindi! hindi!
















Joey de Leon: Kantahin mo na lang ang bahay kubo at panalo na kayo.


Pero hindi yata marunong kumanta  si nene kaya ako na  lang ang kumanta. Hahahahahahahaha!


Player 1: Masarap?


Player 2: Ooooooooooooooooooooooooooooooooo!


Joey de Leon: Naku panalo na sana kayo kung kakantahin mo lang.


Player 1: Sigarilyas?


Player 2: Oooooooooooooooooooooooooooooooo!


Player 1: Patani?


Player 2: Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!


TIME'S UP!

Naku naman, isunod ba ang patani sa sigarilyas! E dapat na kasunod ay mani.  Nagkamani, este, nagkamali si Nene.  Mas mahilig yata sa patani kaysa mani. Hahahahahahaha!


O baka kaya kinabahan ang dalagita kaya naging mahirap kantahin ang bahay kubo para sa kanya? Hahahahahahaha!

Hindi talaga lahat ng akala nating maning-mani, e madali.


Si nene nga nakalimutan niya ang kanyang mani. Hahahahahahaha!


Ay sorry po, Kids' Edition pala ito.  Hahahahahahaha!

Kagaya ko, ako na ang namalengke, ako pa rin ang nagluto. Maning-mani sana  na gawain pero ang mahirap, hindi ako ang kakain. Hahahahaha!

Fasting? Hindi! Kahit  Holy Week ngayon. Hahahahahaha!

Diet ako ngayon.  Kaya bulalo ang niluto ko.  Hahahahaha!

Sana nag MANI na lang ako.  O kaya ay PATANI:-) Hahahahahaha!





















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento