Sabado, Abril 28, 2012

RETRATO(The Review)

Please click the link below to watch the film





Dalawang magkapatid na pinaglayo nang sila ay bata pa nang pagtig-isahan sila ng naghiwalay na mga magulang.  Buhat noon ay hindi na sila tumigil sa pananalangin at paghahangad na magkita silang muli.  Ang dalawang kopya ng retrato na naiwan sa dalawang magkapatid ang siyang naging daan sa pagkikita nilang muli.

Kumpara sa tatlong pelikula, ang Retrato ang pinakamatagumpay na nailahad ang nais niyang ilahad.  Ito ang may pinakamagandang "content" na siyang malaking bahagi ng batayan ng isang magandang pelikula.

Sa lahat, ito ang pelikulang-pelikula talaga ang dating.  Papuri sa cinematographer ng pelikula.

May ilang bagay din namang hindi napagtuunan ng pansin ang pelikulang ito.  Subalit napakaliit lamang nito para maapektuhan ang buong merito ng pelikula.

Sa aspeto ng editing.  Sa bilis ng editing ay may tauhan na nagmukhang multo dahil sa bilis ng pagpasok at paglabas niya sa eksena.  

Sa aspeto ng production design.  Si Gilbert Lantano na isang duktor ay makikitang nakapaa habang nasa loob ng ospital at bumibisita sa pasyente.  Obvious na obvious tuloy na sa bahay lamang kinunan ang eksena.  

Dinala ng pelikula ang mga acting ng mga pangunahing tauhan subalit sa dakong huli, lalo na sa eksena kung saan ang dalawang magkapatid ay nagkita na, kitang-kita ang inhibitions ng mga artista. Kulang na kulang ang naipamalas na emosyon.  Sayang ang eksenang iyon.

Bumawi naman ang pelikula sa mga supporting casts nito.

Epektibo bilang ina si Naomi Salvio.  Puwede siyang ilaban bilang best supporting actress.

Mahahabag ka naman kay Bryan bilang batang kapatid na lalaki.  Pasado rin ang pagganap ni Bless Borromeo.

Maikli ngunit mga markado ng pagganap ang naipamalas nila Jake Legaspi, Caren Lantano at Ralph Magno. 

This my best film in the festival.  Most of the acting awards should belong to this film.

2 komento:

  1. salamat Ptr Arnel sa magandang komento at puna sa aming grupo ("retrato"). Sa aming paggawa ng proyektong ito ay malaking realization sa aming lahat, ang mga taong di mo nakakausap ay nakasama mo, may mga ibang miyembro sa loob ng church na pwedeng-pwede mo makasama sa paglilingkod at pamumuno!!!! May mga miyembro na napakaraming talento na ibinigay ng ating Panginoon!!! grabe!!! Muli ang papuri ay sa ating Panginoon!!! Mabuhay ang Mt. Pisgah!!!

    TumugonBurahin
  2. Walang anuman. I am so proud of you all from Mt. Pisgah ...you don't stop testing the waters. You have expressed your Christianity way beyond the conventions. And that is what I really love in your church. More and better short films to come. Congratulations!

    TumugonBurahin