Yan ang tinatawag na Tetris Battle. Isa ito sa mga games sa facebook ngayon. Ang mga anak ko at asawa sa larong ito ay abalang-abala. Maliban lang sa akin na sa Tetris ay deadma.
Ang totoo, hawig siya sa brick game na pinagkaabalahan ko rin noong ako ay bata pa.
Kaya ang mga anak ko ginagamit na lang ang account ko para sa laban nila. Yung energy ko ang siyang pinagagana. Pilit ang himok sa akin para ako ay makipag-Tetris Battle pero tigas ang tanggi ko na makipagduel.
Bakit nga ba hindi ko type ang Tetris Battle?
Kasi, I already have my own battle.
And these are:
Gabundok na labada |
Sana tumatakbo na lang itong kabayo na tangay-tangay ang mga plantsahin ko. |
pangatlong battle ko ito:
Bayong at Grocery Bag. Depende sa budget kung ano ang gagamitin ko. |
Katulong ko na ang anak ko sa pagluluto |
Why Father Wash the Dishes? |
Kung minsan, nag-uunahan gamitin pero nagtuturuan kung lilinisin. |
Pero kapag nasa loob ako ng opisina, eto naman ang aking pakikibaka:
How I wish ang mga mata ko ay hanggan sa likod ng ulo para lahat ito ay mabasa ko. |
Pero eto naman ay matagal-tagal ko nang hindi binabasa:
Tinimbang Ako Ngunit Sobra (The Overweight Me) |
Kapag bumaba naman ako, de-opisina ako.
Nanlumo ba kayo sa mga battles ko? Madalas, gaya ng Tetris Battle, nade-deplete din ang energy ko.
Dahil kahit na anong lakas at sipag ko, hindi ko sila matalo-talo.
Dagdag pa diyan ang mga personal battles ko. Siyempre hindi ko na i-share sa inyo. Kaya nga personal e.
At dahil hindi ko sila matalo-talo, pinili ko na lang na sila ay kaibiganin ko. :-0
Ako ngayon ay isang proud pastor na labandero, plantsadero, kusinero, janitor, palengkero, dishwasher rolled into one.
Kayo, anu-ano ag TETRIS BATTLE ng BUHAY NIYO?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento