Biyernes, Marso 2, 2012
EARSBLEED AKO!
Laman siya ng balita ngayon. Siya si Atty. Vitaliano Aguirre II. Member ng prosecution team ng Corona Impeachment Trial. Matagal-tagal na rin ang paglilitis kay Chief Justice pero kamakalawa, si Aguirre ang nagisa.
Sukat ba namang magtakip ng kanyang dalawang tenga habang naglilitanya ang hypertensive na Senadora Mirriam.Santiago.
"Earsbleed" na itong abogado ng prosecutors sa nakatitilig na boses ni Santiago.
Ilang Senador ang nagsabi na "kabastusan" ang kanyang ginawa. "guilty" ang kanilang hatol kay Aguirre. May ilan din naman na "innocent" ang apela.
Sa pula man tayo o sa puti, alam ko na minsan gusto rin natin magtakip ng tenga. MAG ALA AGUIRRE.
Ako man ay nag a-ala-Aguirre kung minsan. Hindi man literal na nagtatakip ako ng tenga sa mga bagay na ayaw kong marinig, nagsasara naman ang puso at isipan ko kapag hindi ko na gusto ang sinasabi ng kausap ko.
Kahit na nga isa sa mga katangian ko ang matiyagang makinig at ang kagustuhang makinig, may mga bagay na "Earsbleed" din ako. Ang tanong, sinu-sino ba ang mga Miriam ng buhay ko? Sa pakikisalamuha ko sa mga tao, ilan dito ang maituturing na:
1. Mga HURADO. Sila yung mga taon na kung magsalita ay laging may "finality." "Talaga namang ganon yan e. Hindi na magbabago yan." Ito ang bukambibig ng mga feeling hurado. Pero sa totoo lang, "waley" naman ang kanilang sample dahil sa entablado ng SHOWTIME, sila ang dapat iboto na "Burado."
2. Mga SANTO-SANTITO. Sila yung mga tao na mainit ang mga mata sa mga naninigarilyo. nagsusugal. nambababae, naglalasing at iba pang bisyo. Ito ang mga taong iniisip nila na pupunta sa impiyerno. Ang hindi nila alam, hindi lang sa panlabas ang bisyo dahil may mga tao rin na ang hilig ay paninira sa ibang tao, pag-iiisip ng hindi maganda sa kanilang kapwa, pagtatanim ng sama ng loob at pagkainggit. Kung tutuusin, mas masama ang epekto ng mga tagong bisyong ito. Ang sarap sabihin sa mga taong ito na, "IKAW NA! DA BEST KA!"
3. Mga ADELENTADO. Sila yung mga tao na sagot ng sagot kahit hindi sila ang tinatanong. Payo nang payo kahit wala namang humihingi sa kanila nito. Bakit kaya, di na lang sila sumama sa FACE TO FACE at maging official na "Sawsawero?"
4. Mga BANGKERO. Sila yung mga taon na laging bangka sa usapan. Malulunod ka sa dami ng kuwento. At madalas siya ang hero. Puwede silang isama sa dabarkads ng EAT BULAGA at makipagpaligsahan kila Tito, Vic and Joey at magyabang na "Wala kayong lahat sa lolo ko!"
Ilan lamang sila sa maraming nagpapadugo ng tenga ko.
Dito ko muna tatapusin ang blog na ito bago ito magmukhang litanya.
Baka sa akin naman kayo magtakip ng tenga.
Saka na lang uli kung may part two pa ito.
Siya nga pala, baka may idaragdag kayo sa listahan ko? I-share niyo naman sa akin at pakikinggan ko kayo. Promise. Ma-highblood man si Miriam :-).
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento