Lunes, Marso 5, 2012

NANG MABAGO ANG AKING PERSPEKTIBO

Tuwing dumadalaw ang nanay ko sa amin, naglalaan ako ng oras para kami magkakuwentuhan at magkumustahan.

Kumusta na ang tatay, ang lola ang madalas na bungad ko sa kanya?  Kasama ko ring kinukumusta ang kapatid kong  bunso at pangalawa.  Paminsan-minsan, naitatanong ko rin ang dalawang  pamangkin ko.

At siyempre pa, yung maliit na negosyo na pinagkakakitaan ng mga magulang ko.  Dating mananahi sa pabrika ang nanay ko samantalang jeepney driver naman ang tatay ko.  Nagkaroon ng cancer si nanay at kailangan niya nang tumigil sa trabaho habang ibinenta na ni tatay ang kanyang lumang jeepney.

Minsan nagagawi ang aming usapan tungkol sa gobyerno ganundin sa mga artista na tao.

Madalas, pareho naman kami ng mga perspektibo at pagtingin sa mga isyu.


Si nanay at ako


Isang hapon, dumalaw sa amin ang aking nanay.  Habang nasa gitna kami ng usapan, tumayo ako dahil may kailangan akong bilhin sa labas.

Sa labas ng pinto, nanibago ako.  Bakit yata biglang lumabo ng paningin ko?

Ginalaw ko ang salamin sa mata ko.  Inalis ko pa sa mata ko baka magbago.

Pero malabo pa rin.  Ano nangyari sa salamin ko? O baka naman lumabo na ang mga mata ko?
Pati pang reading ng salamin ko e bigla ring nagbago.

Muli, tinanggal ko ang salamin ko at matamang tiningnan ito. Naku, puro gasgas na pala at may maliit na lamat pa.  Kailangan ko nang magpalit ng salamin siguro.  

Gamit ang aking panyo, umasang sa punas ay lilinaw ang salamin ko.  Pero bigo ako.

Nang bumalik ako sa bahay, agad tanong ng nanay ko, "Sinuot mo ba ang salamin ko?"

Like mother, like son's eyeglass?

Natawa ako at naisip, kaya pala naiba ang aking perspektibo, salamin pala ng nanay ko ang naisuot ko.

Doon ko na-realize ang kaibahan ng grado ng salamin namin ng nanay ko. Alam ko naman talaga na magkaiba kami ng grado pero kung gaano, nalaman ko lang  noong aksidenteng salamin niya ang 
maisuot ko.

Naisip ko, lahat ng tao ay waring nakasuot ng salamin  kahit hindi naman talaga nakasalamin.  Matanda man o bata, lalaki man o babae.  Nanay man o anak na lalaki ay may kanya-kanyang grado, may kanya-kanyang perspektibo at pagtingin sa mga isyu.





in the eyeglass of a child










Dog Wearing an Eyeglasses
malabo na ang mata ni bantay












Pare-parehong tao pero iba-iba ng grado?



Bumalik sa akin ang mga panahong iisa ang aming komento sa kung ano ang kuwento.  Talaga bang pareho kami ng perspektibo ng nanay ko o pinipilit lang naming magkapareho?

Sa tingin ko, malalaman mo lang kung ano ang paningin ng isang tao  sa mga bagay-bagay kapag salamin niya ang suot mo.  At dahil hindi tayo magkakapareho ng grado, iba-iba rin ang pananaw natin sa isyu.  Nagkakagulo lang kapag ipinipilit ng isang tao ang kanyang perspektibo at iniisip na ang pananaw ng iba ay di dapat sineseryoso.

Kahit nga ang bulag e nakasalamin din kahit hindi naman nakakita, yung nga lang, shaded ang kanila.  Pero sa totoo lang, baka mas malalim ang kanilang pagtingin kaysa sa atin kahit pa tayo ay doble vista.



Ang saya-saya ng bulag na ito!








Ok na sa akin ngayon kung paminsan, minsan e magkaiba kami ng perspektibo ng nanay ko.  After all, magkaiba naman kami talaga ng grado. Ano sa tingin niyo?


"SALAMIN, SALAMIN, SABIHIN SA AKIN, ANO ANG  DAPAT AT TAMANG PAGTINGIN?"

















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento