Miyerkules, Marso 21, 2012

ANGRY BIRD

Pagkaalis ni Amen Learn papuntang school, nagprepare na ako para magdevotion. Ginising ko na si kuya Amos para maghanda na rin sa papasok.

Gawi ko na gamiting ang aking audio bible sa aking cellphone.  Mas nagigising kasi ako kapag pinakikinggan ang Bible kesa sa binabasa.  Lalo na kapag kulang ako sa tulog.

So tinapat ko ang aking cellphone sa tenga at humiga ako.  Ayaw kasing gumana ng earphone ko pati na ang isip ko.  

Pinilit kong gisingin ang sarili sa pakikinig pero parang mas naging masarap siyang pampatulog.  At ang aking devotion ay nauwi sa isang paanaginip.

Tungkol sa dalawang kaklase ko noon sa seminaryo ang panaginip ko. Nasa isang okasyon daw kami pare-pareho.

Yung isa ay sumakabilang iglesia.  Hindi na siya sa United Methodist Church nagpapastor.

Yung pangalawa naman ay sumakabilang bahay daw! Hindi na talaga siya nagpastor.

Dahil hindi na kami madalas nagkikita, sa panaginip ko ay pilit kong inaabot sila, pero sila naman daw ay deadma.  Nang maubos ang aking pasensiya, walk-out ang aking drama.  Sila naman  daw ang humabol sa akin pero ako naman ang hindi pumapansin.

Bago nito ay may nauna na akong panaginip  Nakikipagsigawan daw ako sa miyembro  at galit na galit.  "Buti na lang hindi totoo" ang nasabi ko pagkagising.  Pero magaan ang naging pakiramdam ko.  Ewan ko lang kung ito ay dahil sa kahit paano ay naipahayag ko ang damdamin ko o pasalamat dahil hindi naman talaga totoo.

Bakit kaya panay tungkol sa pagkagalit ang aking mga panaginip?

Sabi nila,  kabalitaran ng katotohaanan ang panaginip .  Pero sa Biblia, ang Diyos ay dumadalaw sa tao sa pamamagitan ng panaginip.  Hindi kaya ang panaginip ay nilalaman ng mga damdamin na pilit nating itinatago.

Kung ganon, ayon sa aking mga panaginip, sinasabihan kaya ako ng Diyos na mag-express ng galit?

Balik tayo sa reality.  Let's go to a time when I really got angry.

February 20 nang magkita-kita kaming magkakabatch sa seminary, higit isang oras nila akong pinaghintay.  Tiyak ako na may katwiran akong magalit pero nagtatalo ang isip ko kung ipahahayag ko ba ang aking galit.

"Pare, paalis pa lang kami rito." text ng kabatchmate ko.

Isang matipid na "ok" ang reply ko.

Pero gaya ng maraming Filipino, hindi naman talaga ako ok.
Ang totoo, I was fuming mad kasi I tried to beat the time.  Halos tumakbo ako papaalis ng bahay para lamang hindi mahuli kahit na nga uncooperative ang mga tuhod ko.

Actually, hindi naman ako sa mga tao galit kasi these people are my well meaning friends.  Dalawa sa kanila are coming from the far north pa kaya understandable naman kung ma-late sila.

Galit lang ako sa sitwasyon.

Naisip ko ring bumalik na lang ng bahay.  Hindi naman din magandang katwiran.  Tiyak maghapon nila akong pag-uusapan.

Kaya habang sila ay hinihintay, nagbreakfast na lang ako sa McDo.  Pagkatapos ay naglaro na lang ako ng Angry Birds. Inisip ko na lang na sila si piggy para ako makaganti.

Sa wakas dumating rin sila.  Tumawid na lang daw ako sa kabila at naroon sila sa Dunkin Donuts. Matapos umakyat sa mataas na hagdan ng LRT with my vulnerable knees, donuts lang ang aking nakita, wala sila. Yun pala mga nasa sasakyan na sila.

Papunta kasi kami ng Olongapo.   Chill, chill ang sabi ko sa sarili ko..

Pero pagpasok ko sa aming sasakyan, nayanig yata ito nang ang pinto ay aking sarhan.  BLAAAAAAAG!

Natahimik  ang lahat sa loob ng sasakyan.  They couldn't believe that I was the one.  Para silang nakakita ng ganito:













Add caption




Mula sa aking likuran, binati ako ng aking kasamahan, "Pare, marunong ka pa lang magalit? Tatlong taon tayo sa seminaryo pero ngayon lang kita nakitang nagalit."

Kasi naman, lagi lang akong nakangiti at madalang kung humindi.

Gusto kong sabihin na, "Tumigil kayo mga piggy! Nagmomoment pa ang angry!"

O kaya ay ...

Humarap ako sa kanila at ipinakita ang aking sash, "Mr. Congeniality." Merong  nga lang "former." sa unahan(Joke)

Pero nanahimik lang ako.

Last Sunday naman sa aming meeting, para akong may bombang pasabog! Daig ko pa ang exclusibo at explosibo ni Boy Abunda.  Nauwi rin sa katahimikan ang usapan.  Hahahahahahaha!

Nagmemenopause na ba ako? Hahahahahahahaha!

OO, KAYA NGA KUWARENTA ANG NAME NG BLOG MO. Joke!

O nagiging tao lang ako? Nagiging totoo lang ako sa nararamdaman ko?

Minsan kasi, sa kagustuhan nating maging banal, pati tunay nating damdamin ay ating sinasakal.

Sabi nga sa Bible, "Ang katotohanan ang magpapalaya sa atin."

Kaya magulo ang mundo, maraming nagsisinungaling na tao.

Sabi naman sa pahayagan na aking binasa.  Lahat daw tayo ay makaSALaNan. Itanong  niyo na lang sa mga kongresista at kay Corona kung bakit may pulang letra.

Minsan isang miyembro ang sa akin ay humingi ng payo.  Hirap ng buhay ang ikinukwento.  Galit ang namumuo sa damdamin.  Hindi niya lang tiyak kung pati ang Diyos ay dapat sisihin.

Ang sagot ko naman ay puwede kang magalit sa Diyos kung ito ang tunay na nararamdaman.  Kasi nga di ba, kapag galit ka sa isang tao, doon mo lang siya higit na napagmamasdan.  Parang lahat ng kilos ng taong ito sa iyo ay may kahulugan.

Ganoon din sa Diyos, minsan kailangan niya tayong galitin para Siya ay ating mapansin.  Kahit hindi nangangahulugang tama nga ang ating nararamdaman.

Kaya pasensiya kung nag-eexpress lang ako.  Kahit  galit pa ang ipinahahayag  ko.  Kahit si  "Former" Mr. Congeniality na lang ako.

Isa lang ang maasahan niyo ....  totoo lahat ang mababasa niyo rito sa blog ko(pipilitin ko).

Ito siguro ang dahilan kung bakit patok na patok ang "Angry Birds." Sa mga panahong ito, kailangan kasi natin ng anger management.

Bago ko gawin ang post na ito, natapos ko na uli ang devotion ko.

Matapos basahin ang tatlong kabanata, at sandamamak na talata.  Matapos mapilipit ang dila sa mga pangalang nakakatuwa.  Matapos akong makatulog, ito lang ang sa devotion ay aking natutunan ....


Ang Diyos ay nakikinig sa daing (galit) ng mga tao.


My Journal






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento