Isang hapong nag-iisip ako ng ise-sermon.
Pasok ang anak kong si Amen Learn sa aking opisina. Question ang answer na naman ang pakay niya.
Amen Learn: Papa, kung hindi nagkasala si Adan at Eba, e di sa damit ay wala tayong problema.
Me: Siguro!
Sa totoo lang siya ang problema ko sa damit, sa sobrang dalas niyang magbihis.
Amen Learn: E di wala ring mga kalamidad. Hindi rin puputok ang mga bulkan.
Me: Puwedeng wala. Puwede pa ring meron!
Ang alam ko kapag hindi pa siya tumigil sa pang-iistorbo, baka mauna pa akong pumutok sa bulkan.
Amen Learn: E sino ang dapat nating sisihin?
Me: Kahit naman sisihin natin si Eba't Adan, hindi na rin maitatama ang kasalanan. (Sa isip ko: Pero kapag hindi ko natapos ang sermon ko, ikaw ang sisihin ko)
O di ba may sariling dialogue sa isip ko? Hahahahahaha!
Bigla akong napatigil at napaisip. Kung imperfect nga ang mundo. Bakit marami pa ring feeling Gregorio Perfecto?
At dahil malayo pa tayo sa perfection, bakit wala tayong puwang sa ating mga kakulangan?
Marami ang hindi makapag-asawa at nagsasawa sa pag-aasawa sa paghahanap nito:
Sa paghahanap ng asawa. Gamitin ang dalawang mata. Kapag ikaw ay kasal na, Ipikit na ang isa. |
Marami ang hindi naging misyonero dahil hindi kabisado ito:
Hindi nga magawang dalhin,
umaasa pang kakabisaduhin
Maraming simbahan ang hindi lumalago naghihintay nito:
Sad to say, kinuha na agad siya ni Lord, Sobra kasi siyang napagod |
A rin ang grade ko, A for Average |
At ito raw ang dahilan kung bakit kakaunti ang ating kuwento
Storytelling hints at a fundamental human unease,
hints at human imperfection. Where there is
perfection there is no story to tell. -Ben Okri
|
Malayo pa tayo sa perfection. We are in FAR-fection!
Kaya, tama lang na ito ang ating panoorin
Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon, tayo ang bida. Kung minsan, kontrabida rin tayo sa iba.
Pero kahit tayo ay IMBA(lance), may perfect din tayong magagawa. Katulad nito:
We are imperfect people (except when we smile) |
Eto na naman si Mr. Pekpekto sa loob-loob ko.
Sa isang banda, naisip ko. Paano kung lahat tayo ay perpekto? E di pare-pareho na lang tayo. At kung pare-pareho na lang tayo, that makes us all average.
Tama ba ang naisip ko?
Imperfect ang timing ni Amen na makipagkuwentuhan.
Kaya ang mga sagot ko ay walang katiyakan.
Umiral na naman ang pagiging imperpekto ko.
Tumayo si Amen at akmang lalabas. Na-realize ko, hindi ako naging magandang kausap.
Kaya nilapitan ko siya at ibinigay ang tanging isang bagay na perpekto kong maibibigay:
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
A perfect and big hug |
ooohhhhhhh.... yes.... perfect nga po..
TumugonBurahinsalamat for taking time to comment. you must be a voracious reader too.
TumugonBurahinnapatawa naman ako di nga lang katulad ng pinoy genio na nawala antok ko sa katatawa hahaha.. pero umiral din ang pusong mamon ko bigla akong na-touch sa huli at napaluha... It's true a BIG HUG is a perfect action that we can give... masaya man ito or malungkot !!! nice Pastor ^_^.
TumugonBurahini am a perfectionist myself. many things i was not able to do because of the fear of failure. now i have learned to embrace even my weaknessess. dinadaan ko na lang sa sweet smile at big hug.hehehehe! thanks for this engagement
TumugonBurahinwow. napag-isip ako dun.hehe
TumugonBurahinaspiring/perspiring din akong maging writer, (dream ko lang) but got no guts to do it becuase of fear of failure parang ikaw lang din noong una. Pero ngayon and dami mo nang taga subaybay at taga hanga , yesss. ikaw nahhh... ikaw nahhh.... The Prim and Proper,Ultimate Heartrob of UMC. ahahhaha.. Miss you my pren....
TumugonBurahinnaku, dapat may blog din ang reyna! sayang naman ay kanyang gift at ganda kung hindi ma-share sa balana. hahahahahahaha! hindi na natuloy ang get together natin
TumugonBurahinmatagal tagal na ata kong di nkapgbasa pastor :) nd i want to commend this one :) an imperfect but perfect reflection :) Bless God more sa inyo pong mga writings pas. :))
TumugonBurahinthank you for the commendation! thank you for you taking time to read this post. it means a lot to me
TumugonBurahin