This is my 13th post so far.
On my 12th post, this is what I got:
|
My First Follower |
Sadya yatang may kinalaman ang number 12 sa usapin ng follower.
WALA LANG. GALING LANG NG TIMING?:-)
It is a nice feeling for a blogger to have a follower. Ibig sabihin regular na akong mayroong reader.
Actually masaya na ako na makapagsimula ulit magsulat. Pero higit ang ligaya kapag diwa ng iba ay maimulat.
Kagaya nito:
|
Confession of A Frustrated Writer
Alam kong malabo ang picture sa taas kaya isusulat ko lang uli para sa inyong lahat
kheng roces says:
Pangarap ko rin ang pangarap mo
Hindi ko na mga maalala mga tulang ginawa at naisulat ko
Sa takot na mapahiya at mapagtawanan
sinadya ko na lang iwanan at talikuran
Hindi ko na mabilang pagkakataong natutulala ako kapag nagbabasa ako ng mga Berso sa Metro
Ilang beses ko ngang nasabing "sana nandiyan mga tula ko."
Bigla ko na lang napansin kumawala na pala ang luha ko
Pagpalain ka ng Diyos kaibigan!
Hanggang sa huling huntahan
Sa facebook, ito naman ang comment ng aking pinsan:
|
|
Fan Ako ni 'Insan
Ang nakakabigla pa, gusto niya na ring maging blogger katulad ko.
Magiging teacher pa yata ako. Sa darating na May makikilala niyo ang aking estudyante. Matagal na kaming di nagkikita. Dahil lang sa blog na ito, instant reunion ang aming drama.
Nakakatuwa dahil sa halos 20 taon ko sa pagpapastor, wala pa akong alam na sumunod sa yapak ko. Pero sa pagiging blogger, araw lang ang kailangan para magkaroon ng follower.
Naalala ko tuloy ang pagsisimula ko sa blog world. Pabasa-basa lang ng iba-ibang blog. Hanggang nauwi at nagmatyag sa dalawang blog.
Naging fan din ako dahil yung mga sinulat nila ng isang buong taon, isang linggo ko lang binasa at walang lingon-lingon.
Araw-araw akong nag-aabang kung may bagong post silang isasalang. At naiinip kung ilang araw na ang blog nila ay tigang.
I must say na I am a faithful FOLLOWER o kaya ay isang STALKER.
Pero isang gabi nang ako'y patulog na, bigla akong may naalala. Ilang araw na rin pala akong absent sa aking pinapasukang site sa internet.
Na-realize ko lang na, MAY SARILI NA PALA AKONG BLOG, MAY SARILI NA PALA AKONG LAKAD...
AT SA BIYAYA NG DIYOS AY MAGBUBUO NA RIN NG ALAGAD.
Hindi na lang pala ako MAMBABASA. AKO NA PALA NGAYON ANG BINABASA.
SALAMAT SA MGA BLOG NA AKING SINUNDAN, PINATAG NIYO ANG AKING DAAN.
|
maganda po talaga ang mga blog nyo,,, cge mag post nko as follower..
TumugonBurahinsalamat sa comment. salamat din for joining me in this journey
TumugonBurahin:-)
Ang ganda
TumugonBurahingawa po kayo kanta na may pamagat na ang aming pamilya na unitary na may isang berso at apat na linya kailangan lang po talaga 😅
TumugonBurahin