“Patay n po c Erick. kahapon inatake cya s puso, d2 nakaburol s apt. S ligtong.” Ito ang sabi sa text message na natanggap ko kaninang umaga.
“Sino ito?” ang tanong ko. Number lang kasi ang nag appear sa message niya. Obviously, wala siya sa contact list ko. Bagamat may Erick akong kilala na nakatira sa apartment sa Ligtong, Rosario, Cavite, gusto ko pa ring makasiguro na hindi nagbibiro ang nagtext sa akin. May mga tao kasi na ginagawang biro kahit ang mga bagay na hindi biro.
“Cielo po wife Erick,” ang reply niya sa tanong ko.
Hindi nga biro ang balita. Hindi ako binibiro ng sender ng text. Si Cielo nga ang asawa ni Erick.
“So sad! I don’t know what to say. Kelan ang libing? L ang tanging naisagot ko.
“Wednesday ng hapon,” ang huling text message from Cielo.
Ewan ko pero hindi biro ang pagkamatay ni Erick para sa akin. Ilang sandali ring natabunan ng pagkabigla ko ang sinasabi ng speaker sa seminar na ina-attend-an ko.
Sino ba ang hindi malulungkot? Biruin mo, 37 years old lang si Erick. Wala pa silang anak ni Cielo. Malaki pa ang potential niya bilang isang public school teacher. Anybody would think that his untimely death is destiny's BIG JOKE!
Bumalik sa alaala ko ang pinagsamahan namin ni Erick. Magkasabayan kaming pumasok sa pagpapastor. Nakalimutan ko na kung saan sa Cavite siya na-assigned habang ako ay ipinadala sa Tanza.
Sa kanila ako tumuloy tuwing weekend na nagpupunta ako sa mission work ko. Sa Rosario, Cavite kasi nakatira sila Erick.
My stay with them was a pleasant experience dahil si Mama Aida, his mother, and him treated me as part of their family. By the way, isang anak lang si Erick.
I still remember kung paano pinahubad sa akin ni Mama Aida ang gusot kong polo para plantsahin niya bago ako pumunta sa Tanza. Well, Mama Aida was indeed a loving mom to Erick and somehow to me. He took care of Erick up to the tiniest detail. Saksi ako kung paano maayos na plantsahin ni Mama Aida ang mga tshirts ni Erick na pare-pareho ang design, magkakaiba lang ng kulay. Mama Aida took the job of a mother SERIOUSLY.
Bumalik din sa alaala ko na hindi sila nagbibiro nang sabihin nilang pupunta sila sa graduation ko sa PUP. Biruin mo, mula Cavite papuntang Tondo ay nilakbay nila marating lang ang sa amin. Sino ba naman ang makakalimot sa ganoong pagpapadama ng pagmamahal? Daig ko pa noon ang mga touch screen gadgets sa sobrang touched sa display of affection nila Mama Aida at Erick. Kahit wala akong award, yung kanilang presensiya ay sapat na award na para sa akin. Kahit walang naihanda ang nanay ko sa graduation ko, ang treat Mama Aida at Erick sa McDo ang pinakamasarap na nakain ko.
Ngayon ko na lang uli naalala ang mga bagay na ito. Naghahanap lang siguro ng dahilan ang nararamdaman ko. Hindi kasi biro ang magkaroon ka ng ganitong mga kaibigan at pangalawang pamilya.
Pagkatapos ng mission ko sa Tanza noong 1992, medyo dumalang na ang aming pagkikita. Sa Manila na ako nagpatuloy magpastor habang si Erick naman ay nag-iba na ng denomination at tumigil na rin sa pagpapastor.
Pero sa mahahalagang okasyon ng buhay ko, seryoso pa rin sila sa pagdalo. Ninang ko si Mama Aida sa unang kasal ko. Abay naman si Erick. Nang binyagan ang anak kong si Amen Learn, isa si Erick sa mga naging kumpare ko.
Mas dumalang pa ang aming pagkikita pagkatapos noon. Iba na ang kanilang tinutuluyan nang sumunod ko silang nadalaw. Sa ospital naman sa Cavite City nang huli kong madalaw at makitang buhay ang Mama Aida.
Labas masok na si Mama Aida sa ospital. Hindi na biro ang kanyang kalagayan. At ang hindi ko mapaniwalaan ay ang paglobo ng katawan ni Erick. Kasabay ng kanyang pagdagdag ng timbang ay ang seryosong kalagayan. Paminsan-minsan rin siyang naoospital dahil sa sakit niya sa puso.
Labas masok na si Mama Aida sa ospital. Hindi na biro ang kanyang kalagayan. At ang hindi ko mapaniwalaan ay ang paglobo ng katawan ni Erick. Kasabay ng kanyang pagdagdag ng timbang ay ang seryosong kalagayan. Paminsan-minsan rin siyang naoospital dahil sa sakit niya sa puso.
Ilang araw lang matapos kong dalawin si Mama Aida sa ospital, nagtext si Erick. Seryoso. Sabi niya,”kuya pa rin kita kahit mas mukha na akong matanda sa iyo ha?” At kahit walang halong biro ang text niya. Napatawa pa rin ako. Touched (screen) na naman kasi ako. Sino ba namang hindi? Biruin mo, may adoptive brother ako!
Oktubre lang noong isang taon nang dumalaw ako sa lamay ni Mama Aida. Ilang buwan lang ang nakaraan, si Erick naman ang pinaglalamayan. Biro ba ng tadhana ito? Kung biro ito, HINDI ITO MAGANDANG BIRO!
Nagdadalamhati ako sa buong maghapon na ito. Hindi ko alam kung ano pang pakikiramay ang gagawin ko. Ang naisip ko lang ay ito:
Ang tanggalin ang picture sa profile ko sa facebook. Wala kasi akong picture na malungkot. Parang lahat nagbibiro. At ang pangalawang ginawa ko ay ipagsigawan sa buong mundo ang pagdadalamhati ko.
Sa kabila ng kalungkutan ko, napasaya rin ako ng itinuturing kong kapatid. Walang halong biro. Biruin mo, dahil sa kanya, nasundan ang entry ko sa halos makalimutan ko nang blog na ito.
Namatay na si Erick. Pero nabuhay naman uli ang blog ko. At pwera biro, tuloy-tuloy na to.
PAALAM SA IYO KAPATID KO! PARA SA IYO ANG BLOG KO SA ARAW NA ITO.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento