" UNTI-UNTI SIYANG NALIWANAGAN.
LIWANAG NA TUMATAMA MAGING SA AKIN MAN.
ANIMO SIYA AY ISANG BAGONG BUWAN
HABANG AKO NAMAN AY TALA,
SA KALANGITAN."
Maya-maya, bumungad ang papa ni Erick na akala ko ay namatay na (paumanhin po). Ipinakilala ko ang sarili ko at ipinaalala ang mga panahong sa kanila ay tumutuloy ako. Madalang din kasi siyang umuwi ng bahay ng mga panahong iyon kaya naintindihan ko noong humingi siya ng pasensiya na hindi niya ako matandaan.
Umupo siya sa harap ko. Tumayo naman si Cielo upang kumuha ng puwede kong makain o mainom.
"Pastor, sa iyong palagay, bakit ang agang kinuha ng Diyos si Erick?" ang bungad niya.
Add caption |
"Hindi ko rin po alam e. Pero hindi naman po sa haba ng buhay yan di ba? Madami naman pong na-blessed sa buhay ni Erick," ang alo ko. Pero ang totoo, ako man ay nanghihinayang para kay Erick.
Katulad ni Cielo, nagkuwento rin ang papa ni Erick kung gaano siya kabuting tao. Si Erick ay magaling sa English at Math pero hindi marunong makipag-away. Si Erick ay mataas ang pinag-aralan pero mababa ang kalooban. Si Erick ay hindi pulitiko pero malapit siya sa tao.
Patuloy kami sa pag-uusap nang biglang siyang makabuo ng kuwento, "Alam ko na kung bakit maagang kinuha ng Diyos si Erick! Natapos na ni Erick ang misyon niya na alagaan ang kayang Mama (October 2011 nang mamatay ang nanay ni Erick). Nabuhay si Erick para sa kanyang Mama at si Cielo naman ay nabuhay para kay Erick."
Add caption |
(May iba pang dahilan kung bakit hindi maalagaan ng papa ni Erick ang kanyang mama sa pagkakasakit nito na pinili ko na lang wag nang isama post kong ito).
At sa sunod na sinabi niya ay nabigla ako. "Sana may isang writer para magawan ito ng libro. Magaling kasi ang writer na magbuo ng kuwento." Napa "wow" ako sa narinig ko. Ang taas ng respeto ng taong ito sa isang manunulat.
Ngayon ko lang nakausap ang papa ni Erick pero sa kanyang tinuran, parang akong nahubaran hanggang malantad ang kaluluwa ko. Sapul na sapul niya ang kabiguan at matagal nang pagdududa sa sarili ko. Feeling ko, hindi na si Erick ang pinaglalamayan sa usapan, kundi ang pangarap ko,
Hinihintay ko na lang tumayo ang taong kausap ko at sabihing, "Ikaw ang tinutukoy ko."
Gusto kong umamin sa harap niya at sabihing, "Kaharap niyo po ang isang taong gustong magkuwento at sumulat ng libro. Kaya lang po ay duwag ako. Kinulong ko na lang po sa loob ko ang aking mga kuwento. Lagi ko pong sinasabi na mahal ko ang pagsulat pero mga kuwento at akda ko naman ay salat na salat."
Ikinubli ko na lang ng ngiti ang aking mga nararamdaman sa harap ng isang taong parang propetang nanggaling sa kung saan. Nang sandaling yaon, bumulong na lang ako sa buwan. Nagpasalamat na sinasabing, "wala na ako sa karimlan."
Ewan ko, pero nang gabing iyon, feeling ko, para akong nanalo ng jockpot sa lotto. Parang si Pacquiao ay naka knock-out. Parang akong preso na nakalaya sa bilangguan. Para akong sanggol na isinilang. Para akong babaeng nanganak ng maraming libro at kuwento. Parang narinig kong tumutula si Balagtas, "O pag-ibig na makapangyarihan, hahamakin ang lahat MASULAT ka lamang!"
Muli akong tumingin kay Erick. Sabi ko sa kanya, "Bro, hindi lang pala ito lamay mo, kundi simula ng bagong buhay ko. Paalam na sa iyo. Paalam na rin sa takot ko."
Every writer I know has trouble writing. ~Joseph Heller
Pangarap ko rin ang pangarap mo...
TumugonBurahinhindi ko na nga maalaala mg atulang ginawa at naisulat ko...
Sa takot na mapahiya at mapagtawanan,
sinadya ko na lang iwanan at talikuran.
Hindi ko na mabilang pagkakataong natutulala ako kapag nababasa ko ang mga Berso sa Metro...
Ilang beses ko ng ngang nasabing "sana nandyan mga tula ko..."
Bigla ko na lang napansin, kumawala na pala ang luha ko.
Pagpalain ka ng Diyos kaibigan!
Hanggang sa muling huntahan!
Hi Kheng! thank you for your comment.Don't imprisoned the poet in you. God gave you that gift. You may not reach the whole world but definitely there are people who will appreciate your gift. I just tried it and I never regret it. Start blogging and let's start sharing!
Burahin