Huwebes, Pebrero 14, 2013

VICE GANDA

Pang fifth day ko nang nagjo-jogging. At di tulad noong Tuesday, nagpasikat si Haring Araw ngayon.  Wala nagbabadyang ulan.  Perfect day para mag-exercise.  Ngunit kagaya noong Tuesday, nag-iisa uli ako.

Actually, kagabi naisip ko nang lumiban muna sa brisk walking.  Maaga kasing papasok si Amen Learn dahil may National Admission Test sila for High School.  Kung hihintayin ko siyang makapasok bago ako mag-exercise, tanghali na.  Pero naisip ko naman na mahirap ang lumiliban kung mababaw lang naman ang dahilan.  Mahirap kasi magtuloy kapag medyo naputol ang nakaugalian.

Kasi naman, kapag nag-absent ako, malamang, lumiban na rin ako sa pag-journal ko. Yap, I coupled my day of jogging with my day of journalling.  Pagkatapos ng dalawang rounds, na around 30 minutes kung lalakarin, uupo na ako at simula na sa journalling.




Hindi lang journalling ang mahihinto, pati pagbili ko ng taho.  May magtataho kasi na nakahimpil sa waiting shed. Suki niya na ang mga joggers na katulad ko.




So, tatlong bagay na nagiging bisyo ko na.  Pag-exercise, pag-journal at pagkain ng taho.  Hehehehe!

Kaya naman ang title ng post na ito ay VICE GANDA.  Misleading ba?  Hindi naman.  Di ba kapag sinabing bisyo ay palagiang ginagawa.  Pero dahil negative ang connotation ng bisyo.  Nilagyan ko naman ng word na GANDA ang VICE.  Siguro naman, walang tututol na ang pag-exercise, pag-journal at pagkain ng taho ay isang magandang bisyo.

Isa pa, kahit nga si VICE GANDA nagiging bisyo na  rin ng maraming tao. Bakit kamo?  Lahat ng shows niya sa TV at pelikula ay pawang mga certified top raters at box-office hits.   At aaminin ko, minsan din akong naloko sa mga videos niya sa youtube.  Hehehehe!

Habang lumalakad ako pauwi, may na-realized ako na ikinatuwa ko.  Kapag nagtuloy-tuloy na ang vice ganda ko, mas nagiging organized ang araw-araw ko.  Alam mo naman ako may pagka-maARTISTa kaya madalas yung inspiration ang hinihintay para kumilos.

Siya nga pala, hindi lang pala tatlo ang nagiging bisyo ko.  Sa daan kasi, napaupo ako at bumili nito.



Hindi lang pala sa bisyo ito. Kundi isang bagay na kinalakihan ko.  Hehehehe!

Pero hindi ko inorder ito sa naunang kinainan ko.  Sa may tabing daan ito.  By the hand din ang pagserve ng lugaw rito.  Wala ring tray.   Pero di hamak naman na mas malinis  ang kuko ng serbedora dito.

Bisyo ko na ang kumain ng lugaw.  Pero kung ang  magserve naman sa akin ay si DUMInador ang kuko, buti pang maging lasengero na lang ako. Hahahahaha!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento