Teen-ager ka na today. Parang kailan lang, ang liit-liit mo pa. Happy, happy birthday Anak. As this early, I would like you to know how much your Papa loves you. Sana nararamdaman mo.
Amen Learn ang ipinangalan namin sa iyo kasi kailangang nagsisimula sa letter "A." Pangalawa, isip namin ng Mama mo na ikaw na talaga ang panghuling anak namin. Di ba nga sa dulo ng prayer ay Amen ang inalalagay. Ibig sabihin, tapos ang prayer. Pero nakalimutan ko na hindi lang pala iisa ang Amen. May three-fold at seven-fold Amen pa pala. Hahahahaha! Hindi ko akalaing masusundan ka pa pala. Hehehehe! At dalawa pa,sa iba nga lang Mommy. Your second name is Learn. It is a jumbled "Arnel." Ang Mama mo ang nagbigay sa akin ng nikname na yan. Actually, it's her terms of endearment to me. Marami raw kasi siyang natutunan sa akin. Hehehehe!
Mayroong iba ang feeling ay ikaw ang aking favorite. Actually, lahat kayo ng kapatid mo ay paborito ko. Lahat kayo ay mahal ko. Iba-iba nga lang ang pangangailangan ninyo. Mas protective ako sa iyo kasi sa lahat sa inyong magkakapatid, ikaw lang ang may pinakamaikling panahon na nakasama mo ang iyong Nanay. Mahigit isang taon ka lang nang namatay siya. Natatandaan ko pa nang manggaling ako sa ospital, habang ang bangkay ng Nanay mo ay nasa morge, pagkauwi ko sa bahay, agad kitang kinarga at humagulgol ako nang pagkalakas-lakas at pagkatagal-tagal. Labis ang awa ko sa iyo Anak. Habang ikaw naman ay walang kamuwang-muwang. Protective ako sa iyo kasi, medyo malayo ang agwat mo sa naunang dalawang kuya mo. Sometimes, napagkakaisahan ka nilang dalawa. Madalas, naglalaro kang mag-isa dahil silang dalawa ang magkasama. Protective ako sa iyo dahil nakikita ko ang sarili sa iyo. You allow people to take advantage of you. You let people have their own way at your expense. Protective ako sa iyo dahil may dahilan ako. At sa akin na lang ang dahilang iyon.
I am sorry Anak kung maaga kang nawalan ng Nanay. Hindi ko gusto iyon. Lalong hindi gusto ng iyong Nanay ang mawala siya. Walang may gusto noon. Kaya lang, sa buhay, may mga nangyayari kahit hindi natin gusto. There were times when you were still young that I wished that it should have been me that died and not your mother. Isip ko kasi na mas may maibibigay na pagmamahal ang nanay kaysa sa tatay.
Nonetheless, I tried to be the best father to you. And if my best is not good enough. I ask for forgiveness.
If there is anything that I feel guilty on the way I raised you is making you feel that you don't deserve something expensive and best in life. Patawad sa sobrang pagiging praktikal ko. Kaya tuloy, kapag may gusto kang bilhin, ang tanong mo lagi, "mahal ba 'to?".
Lately, natututo ka nang magkubli sa akin. Hindi ko naman ipinagdadamdam. May mga bagay naman talagang mabuting sa atin na lang. Pero sa mga ibang bagay, please be true to me. Maaaring ikagalit ko ang katotohanan pero mas magagalit ako sa kasinungalingan. If there is anything that I would like you to become, it is to be true to yourself and to other people.
Anak, I would always stand by you. I will always be proud of what you are and what you will be. Always remember that. I LOVE YOU VERY MUCH ANAK FROM THE BOTTOM OF MY HEART!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento