Lunes, Pebrero 11, 2013

TODAY IS CHOOSEDAY

Today is Tuesday,  the second day of my attempt to slim down through brisk walking.  Pero muntik nang hindi matuloy. Dahil para akong estudyante na tatayo sa harapan ng classroom at magrereport, "Today is Tuesday.  Our weather for today is rainy."   Hahahaha!   Kasi naman pagbaba ko ng bahay, umiiyak ang buong kalangitan.  Naku naman! Second day pa lang ng aking attempt e magiging epic fail pa yata.  I went back upstairs, sat on the sofa in an unlighted receiving room.  Nagsimula nang maglakbay ang aking diwa.  What should I do?  Should I go back to sleep?  Should I face the computer? At habang nag-iisip ako ay dumarating na naman ang mga isipan ko tungkol sa mga critics ko.  Ang aga naman. O kaya sa mga bagay na kailangan kong gawin.  Pero pinigilan ko nang mag-isip para hindi ako ma-stressed.   Hahahahaha! Inisip ko rin na sabayan ang hip hop sa dvd pero masyado pang strenuous ang gayong exercise sa akin.  Ilang sandali pa, kinuha ko na ang payong sa study table at lumakad papuntang   jogging area.

Di ba determined ang lolo mo na magpaka healthy kahit suungin ang sabi nilang masungit na panahon?  Inisip ko kasi na kung papatalo ako sa ulan, mabibinbin na naman ang aking overdue health regimen.  Aanhin ang payong kung walang ulan di ba?

Pero hindi madali ang aking pasya knowing a lot of people would not do what I decided to do.  Lakad ...lakad ...lakad hanggang sa ako ay lumalayo na ng lumalayo.  At damang-dama ko talaga na ako ay malayo na.  Natutukso na akong bumalik.  Bakit ganon? Kahapon parang ang bilis kong nakarating.  Pero hindi naman mahirap sagutin ang tanong.  Kahapon kasi kasama ko ang panganay ko sa paglakad.  Pati na rin ang dalawang kabataan sa aming church.  Masarap talaga kapag may kasama ka, nagiging madali ang mga bagay-bagay.  Hindi mo gaanong ramdam ang kabigatan o ang kapaligiran.

Nang dumating na ako sa kanto bago ang jogging area, tumawag ako sa kabataang kasama ko kahapon.  Tulog pa siya.  Sinabi ko sa kanya kung nasaan na ako at ang maulang panahon.  Sinabihan ko rin siya na hindi niya kailangang sumunod.  O di ba nanggising lang ako?  Hahahahaha!

Pag dating sa jogging area, walang katau-tao.  Kailangan pa bang ime-morize yan?  Di ba nga umuulan?  Ay alam ko ngayon kung bakit ako tumawag sa kabataan ko.  Hindi ko pa pala alam kung saan ang mga liku-liko sa jogging area dahil baguhan pa lang ako.  Pero, mahirap na samahan talaga nila ako.

Kaya ang resulta, mag-isa lang akong naglalakad sa gitna ng subdivision.  Naalala ko tuloy ang kantang, "I am Singing In the Rain."  Wala naman ako sa mood na kumanta kaya, hindi nagtuloy sa awit ang paglalakad ko.  Kagaya ng agam-agam ko, hindi ko na alam kung saan ako liliko.  Kaya about face ako.  Maya maya pa, may kasalubong na ako na nagjo-jogging din.  Matanda pa sa akin. Pero wala siyang payong.  At tiyak ako na nagjo-jogging talaga siya dahil nasa gitna siya ng daan.  Kung ang first runner up sa Miss Universe na si Janine Tugonon  ay may cobra walk, yung mamang kasalubong ko naman ay may cobra run.  Hahahaha!
Hindi lang pala ako nag-iisa sa aking layunin na palusugin ang katawan.  Maya-maya pa uli, dalawang mama naman ang aking nakasalubong.  After all, hindi naman pala mali ang desisyon ko.  Marami pala kaming mali.  Hahahaha!

Nang feeling ko ay about an hour na ang walking ko, balik na ako.  Medyo feel good ang spirit ko kasi I was able to brave the RAIN, my ROUTINE.  Ibig sabihin, malapit na ako sa unstopability.  Hehehehe!  Who knows, next time, magwa-walking na ako kahit walang payong na dala?  Abangan!

At dahil feeling ko nga ay may naaccomplished ako this morning, I rewarded myself with this:




Kung may  BONA kid, ako naman ay batang lumaki sa lugaw.  Nang bata pa ako, pansiteria lang at lugawan ang pinagdadalhan sa akin ng nanay sa aming lakaran.  Wala pa namang Jollibee at Mcdo noon.  Nadaanan ko ang gotohan na ito kahapon pauwi.  Hindi na ako umorder ng softdrinks.  Health conscious na kaya ako ... ngayong umaga.  Hahahaha!

Matagal ang pagserved ng order.  Kung sabagay, yun na ang impression ko pagpasok ko pa lang sa kainan. Parang tinatamad ang mga serbedor.  Gawa siguro ng maulang panahon.  At nang finally i-served yung goto, hindi ko na inisip na uminom pa ng tubig pagkatapos.  Hahahaha!  Imagine, bared hand and fingers ang pagserved ng goto.  Wala man lang bang tray?  Kasama ba sa sahog ang bacteria?Hahahahaha!  Halos humalo na ang mga daliri niya sa goto ko.  At gusto kong punasan ang kamay niya ng sahog sa goto ko na tuwalya o beef stripped.  Ewan ko kung tama ang spelling ko.  Hahahahaha!  Yung itlog naman nila ang hirap buksan.  Dikit na dikit yung shell sa laman.  Naisip ko tuloy, reward ba ito sa sarili ko o parusa? Pero naubos ko rin. Sayang naman, laman tiyan din ito at laman ng post ko.   Hahahaha!

Dala na rin siguro ng makabasag ear drum sa lakas ng  kanta kaya naisantabi ko na ang mga irritants sa gotohan.  Hindi ko alam ang title pero ganito ang ilang lyrics. "Wala, wala naman, wala namang perpektong tao.  Ano ang epekto kung mayroon kang depekto ..."  Naisip ko, OO NGA NAMAN.  Instantly, pasok na siya sa songlist ko kahit na wala akong  kahit na isang kanta sa cellphone ko.  Hahahahahaha!

Umuulan pa rin nang umuwi ako.  Not a perfect day for others.  Kung meron nga talagang perfect day.  Ang importante lang sa "bad day" na ito, may mga lessons akong natutunan dahil pinili kong may matutunan kaysa magmukmok sa kung saan man TODAY IS CHOOSEDAY:-)

Pahabol pa.  Napansin ko na hindi na rin ako takot tumawid ng kalsada.  Magbuhat kasi nang humina ang tuhod ko, natakot na akong magtatawid nang mabilis.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento