Huwebes, Pebrero 14, 2013

VALENTINES MODE

Matapos magjogging kaninang umaga, naglakad na kami ni Arthur pauwi.  Si Daviss naman ay umuwi sakay ng kanyang motor.  Si Amos ay nagjogging sa kanyang higaan. Hahahahaha!

Arthur: Pas(short for Pastor)Valentines na.
Me: Bumati ka na ba?
Arthur: Hindi pa Pas.  Wala akong load.
Me(Smile):

Dahil natanaw ko na wala nang bigas sa aming lalagyan kahapon, huminto kami sa tindahan upag bumili.

Arthur(Bumulong): Pas, babatiin ko ang tindera ng "Happy Valentines."
Me(Smile Uli)

Pagkaabot ng tindera ng bigas, biglang bati si Arthur

Arthur: Happy Valentines!
Seller(Smile)



Nagdecide kaming dalawa na batiin ng "Happy Valentines" ang aming mga nakakasalubong.  Pero ang ilan sa aming binati ay parang mga walang ka-VALENTINE. Hahahahahaha!

Sa paglakad naming papasok ng mall, bumati si Arthur sa isang mukhang dalaga.  Pero deadma lang si Ate.  Ako naman ang bumati sa isang mukhang DALANA.  Aba, deadma rin ang peg ni Nanay.  Hahahahaha!

Madadaanan namin ang tila  mag-asawa.

Arthur: Pas, wag mong batiin yan, baka sapakin tayo ng lalaki.

Ilang babae pa ang aming nakasalubong, pero deadma uli ang mga drama.

Malapit na sa entrance ng mall, may dalagang nakatayo at nagtetext.  Binati siya ni Arthur, huminto sa pagtext ang babae at nangiti.

Ako naman ang bumati, si mamang guard ang nakarinig.

Me: Happy Valentines!
Guard: Ha *&p)%$&)

Di niyo naintindihan ang sagot ni guard no?  Ako rin hindi e.  Nabigla yata sa bati ko at di niya alam kung ano isasagot niya. Hahahahahaha!

Tuloy ang batian.  Tuloy din ang deadmahan.  Isang babaeng estudyante ang binati ko.

Me: Happy Valentines!

Tuloy-tuloy lang ang babae:

Me: Deadma na naman?
Arthur: Pas, nakaheadphone, hindi ka dinig non.

Oo nga naman.

May nakasabay kami na babae na lumalakad.

Arthur: Happy Valentines!
Walking Girl (Smile) Happy Valentines!

Tapos ay inunahan namin siya sa paglakad.  Bati lang naman ang ibinibigay namin, hindi alalay. Hahahaha!

Next target, ang babaeng crew ng McDonalds.  Pero naunahan niya kaming pumasok ng store kaya hindi namin siya nabati. Hehehehe!  Sayang, baka ang iganti sa aming "Happy Valentines" e "Happy Meal" Hahahahahaha!

Nakalabas na kami ng mall.

Si Ateng Mestisa, feel na feel ang pagkasuplada.

Arthur: Pas, mas marami na ang gumanti ng bati sa akin kaysa sa yo ha?

Gawin bang career ang pagbati?  Contest pwede rin.

Sumakay naman ako sa hamon.  Binati ko ang aleng nagtitinda ng fake na headphone.

Me:  Happy Valentines!
Aleng Tindera(Smile with her face lightened up): Thank you! Same to you!

Nang kami ay pumasok na sa gate, sabay naming binati ni Arthur, ang tindera ng candies.

Arthur and Me:  Happy VALENTIMES! Oo, Valentimes.  Di ba dalawa nga kami kaya dapat ValentTIMES? Marami.  Hahahahahahaha!

Beck-beck:  Happy Valentines Pastor!

Arthur:  And daya si Pastor lang ang binati.
Me(Laughing)

Ginawa ni Arthur, nagmadaling batiin ang mga parents ng aming pupils sa aming preschool na nasa waiting area.

Arthur: HAPPY VALENTINES!

Panalo raw siya.  Papayag ba kayo na manalo siya?

Me: Happy Valentines sa inyo aking mga readers?

Siguro naman hindi kayo magde-deadma.













Walang komento:

Mag-post ng isang Komento