Kulang ako sa tulog lately. Gawa ito ng pagiging puno ng schedule ko. Dagdag pa nito ang pagising ko nang sobrang aga para makapag-jogging. Today is my 6th day na nakapag-exercise ako. Nate-tempt na nga ako na skip na lang uli ang exercise para may dagdag na tulog pero ang worry ko baka sobrang tagal ko na namang makabalik sa jogging world kundi man e baka tuluyan na akong tamarin. It's been four years since I stopped jogging. At ngayon na lang uli naulit "kung kailan ngang ang aking tiyan ay mayron ng laman." Hahahahaha!
Kayo ang epekto, tirik(inaantok) ako. Ang katunayan nga habang sinusulat ko ang post na ito ay nakapikit ako sa antok. Hahahaha!
Kaninang umaga, pagkagaling sa jogging, nag-almusal ako. Pagkatapos umakyat sa kwarto at naupo sandali. At dinapuan ng antok. Sandaling nakatulog. Pero kailangang magsunog ng kilay kasi may report na kailangan nang tapusin at dissertation na kailangan nang simulan.
Naligo. Naghanda ng mga gamit paalis. Nagpunta sa barbero para magpapogi(pagbigyan niyo na ako, puwede?) Hahahahaha! Pagkatapos ay pumila na sa LRT.
When the wagon was approaching, I positioned myself so that I will secure myself a seat. In short, nakipaggitgitan ako. I was blessed to have a seat. I prayed na walang babaeng tatayo sa harapan ko para mapilitan akong tumayo para magbigay. Hahahahahahaha! At kung meron man, I prayed again na sana may kasama siyang jowa para sa bisig na lang niya kumapit. Hahahahahaha! At kung ayaw sagutin ang prayer ko at may girlaloo pa rin sa harap ko, sorry, pa rin kasi "marupok ang aking tuhod, kay daling lumimot." Hahahahahaha! Nahihirapan akong tumayo nang matagal.
Pero, inaantok pa rin talaga ako. At manaka-nakang nakakatulog during the trip.
Pero takot akong lumagpas na minsan nang nangyari sa akin. Kaya bagama't pikit ang mata ko, gising naman ang tenga ko. Hahahahaha! Sa tuwing hihinto kami sa istasyon, namumulat ako. Pagdating ng D. Jose; mulat, Carriedo; mulat, Central Terminal; mulat, UN Avenue; mulat.
Pagkalagpas sa UN, ako ay namulagat. I-announced ba naman ng driver or pilot ng LRT, "Next station, Quirino." Pagkarinig ko na kanyang announcement, nasabi ko sa sarili ko, "Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat?" Biglang nagturn ang ulo ko ng 360 degrees. Hahahahaha! Possessed? Umiikot ang ulo? Hahahahahahaha! Tinignan ko ang aking paligid, takot ako na lumagpas ako. Hinanap ko ang Quirino Highway at ang building ng Philhealth pero ang nakita ko ay ang Cathedral of Praise kaya nagduda ako.
Nakatiyak lang ako na hindi ako lumagpas nang marinig ko ang middle aged na lalaki na nakatayo, "Agad, agad? Di ba Pedro Gil muna bago Carriedo? Nalilito na ang driver."
Lito man o inaantok ang driver, ang tiyak ko, nawala ang antok ko. Hahahahahaha! Takutin ka ba naman na lumagpas ka ng babaan, sino ang hindi magigising. Hahahahahahaha!
Anyway, salamat mamang driver ginising mo pati dugo at kaluluwa ko.Hahahahahahaha!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento