Miyerkules, Pebrero 20, 2013

RELEASE

Tanghali na ako nagising today, exactly 5:59 am.  These days, tanghali na sa akin ang oras na iyon.  Kasi nga, I need to rise earlier dahil part of my routine is to brisk walk, to journal and to eat taho.  Hahahaha!

Pero nagbabadya si ulan.  Makulimlim si kalangitan.  Naisip ko, magtutuLoy pa ba ako? Kaya lang, sinadya ko nang magmissed ng exercise kahapon. Mahirap naman kung masusundan na naman ngayon.

Kaya nagtuloy ako.  Habang naglalakad, tinitingala ko ang madidilim na ulap.  Dinadama ko ang malaming na hangin.  Sinasalubong ko ang mga tao sa kanilang paglakad.

Naisip ko, kung noon nga kahit umuulan nagtuloy ako sa exercise, ngayon pa kaya.  Ang kaibahan nga lang, wala akong payong na dala.  Mukhang handa akong sumabak sa ulan.  Hehehehe!

Nakarating na ako sa jogging area, inipit sa puno ang aking handbag na may lamang journal notebook at pen case.

Nagsimula nang umambon half way of my brisk walking.  Pero nagtuloy ako sa paglakad.  Sabi ko sa aking sarili, kapag lumakas ang ulan, silong na lang ako. Pero nakaisang round na ako sa umaambong umaga.

Naisip ko na namang tapusin na lang ang isang round. Pero nagtuloy pa rin ako.

Nang malapit ko na matapos ang second round, may nasalubong akong mag-ama, nakikiusap ang tatay na kung pwede ay hanggang kanto na lang niya ihatid ang papasok sa school na anak.  Bagama't unti-unti nang bumibitiw ang tatay, lumalayo na ang kanilang agwat, bakas ang pag-aalala ng anak sa paglingon-lingon nito sa kanyang ama.

Kinuha ko ang handbag ko at nagsimula nang magjournal.  Wala nang gaanong tao mula sa kakaunting tao kanina.  Kaya nagawa kong magjournal sa waiting shed na usually ay istambayan ng mga tapos nang magjogging na magkakaibigan.

Ok naman na sa waiting shed ako kasi once na tumuloy ang ulan, may nasilungan na ako.

Panandaliang nawala na sa isip ko ang mag-amang nagpra-practice maghiwalay.  May lalaki kasing tumigil sa kinauupuan ko at nagtanong ng direksiyon.  Wala naman siyang nakuha sa akin kasi bago pa lang akong naglalagi sa lugar na iyon. May isa namang nagjo-jogging na lalaki na sinubukang tulungan ang lalaking may hinahanap na lugar pero nabigo rin siyang ituro kung saan eksakto ang kanyang hinahanap.  Itinuro ng lalaki ang lalaking naghahanap sa guwardiya.  Pero ang sabi ng lalaki ay wala pa raw ang guwardiya.  Tinanghali rin kaya? Hahahahaha.

Tuloy ako sa journalling.  Nang ibaling ko ang aking tingin sa paligid, nakita ko na nagsisimula nang mag-isang maglakad ang bata papasok sa eskuwela habang ang tatay ay unti-unting humakbang pasunod, tinitignan kung magtatagumpay ang anak na mag-isa.

Naisip ko, that is a interesting scene of what we call, "the power of release."





Minsan, wala si haring araw sa umaga, ang sa jogging na aking mga kasama, si mamang guwardiya na maaaring pagtanungan, ang magtataho sa kanto at si tatay na gustong sanayin si anak na hindi lahat ng oras, naroon siya.

Sabi nga sa journal ko today sa Genesis 2, kahit ang Diyos ay kailangan din magpahinga.  So, puwede ring isang araw, para siyang tatay na nagsasanay sa anak na pumapasok sa eskuwela na mag-isa.

MAY PANAHONG WALA SILANG LAHAT. OK LANG YUN.  BASTA BA ANG SARILI MO AY LAGING NANDIYAN PARA SA IYO.

Siya nga pala, sa main road ko nakita si magtataho.  Wala raw gaanong tao sa jogging area kaya siya lumayo.  Umuwi akong masaya at enjoy na enjoy ang taho.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento