Linggo, Pebrero 17, 2013

OVERDOSED



Mayroon mga bacteria na kaya namang i-tolerate ng katawan.

Yun bang pwede na lamang deadmahin o kaya ay ipanalangin.

Pero meron namang matindi talaga ang pamiminsala.

Hindi makuha sa deadma at panalangin.

Hindi rin mapayapa nang ngitian man din.

Mentras pinagbibigyan, lalong  namimihasa.

Ako pa naman ang taong matiisin.

Mapagpakumbaba sabi ng ilan din.

Mabait at palangiti ang sabi naman ng marami.

Pero may oras na dapat lagyan ng hangganan.

Ang pagpaparaya, pagpapakumbaba.at pagdarasal.

Lalo na kung itinuturing ka nang basahan na puwedeng apak-apakan.

At pagsalitaan ng mga salitang di alintana kung ika'y masasaktan.

Nang ako ay magpastor, kinalimutan ko ang pagyaman.

Isinapuso ko ang paglilingkod at pinagsumikapang magampanan.

"Nang walang pag-iimbot at buong katapatan."

Pero may mga tao na hindi marunong kumilatis kung ano ang totoo sa puwet ng baso.

Nakakalat at nakabara sa bawat daraanan ko.

Kaya kahapon ako ay nagpasya.

Tapos na ang pagpapakumbaba, pagpaparaya at pagdarasal.

And I did what I must do.

I gave someone A DOSE OF HIS OWN MEDICINE!

At pasensiya na kung na-overdosed ka sa rami.

Hindi ka lang pala kasi bacteria kundi virus pa.

kung hindi papatayin ay lubhang nakakahawa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento