Huwebes, Pebrero 21, 2013

TIIS GANDA

Health Day ng preschool dito sa church today.  May inimbitahan kaming dentist to check the  teeth of the children.  Nang bumaba uli ako sa classroom, nagle-lecture na ang dentist.  Teacher introduced me to the wife of the dentist, Mommy Fely, who was also there.

I was standing while talking to Teacher Irene and to our church secretary who was in front of the computer.

One of our members, Mommy Juling Manaoat, who serves as the coordinator for our Health Day called my attention so I went near them.  She was having a casual chat with Mommy Fely.

Mommy Juling: Pastor may sinasabi po sa inyo si Mommy Fely.
Mommy Fely:  Kung hindi po kayo ipinakilalang pastor sa akin, aakalain kong mayroon kayong pinopormahan.

Gumanti lang ako ng ngiti sa aking narinig.

With that remark I became conscious and curious onto what they are talking about.  Being a passive listener to their chat, I heard them said:

Mommy Fely: Kailangan ang pastor mabango, presentable kung manamit kasi humaharap siya lagi  sa tao.
Mommy Juling: Lahat po ba ng pastor mabango?
Mommy Fely (Umiling): Hindi e.
Mommy Juling: E ang pastor po namin (sabay kumpas ng kamay mula aking ulo hanggang paa na lalong nagpaconscious sa akin)?
Mommy Fely (Tumango na nakangiti)

Needless to say, I was flattered.  At least nagbubunga ang aking tiis ganda.  Hahahaha! Sumagi sa isip ko ang hair polish, lotion, facial cream, mouth wash, perfume, anti fungal cream, deodorant na mga ritwal ko bago bumamba ng opisina.  Minsan nga, sa dami ng kailangan kong i-apply, yung lotion, napagkakamalan kong hair polish at ang hair polish naman ay sa balat ko in-apply.  Hahahahahaha! Tiis ganda talaga. Madalas sa hindi, magpupunta lang ako sa palengke e nakapanlakad pa ako. I have long known that fact and responsibility to make myself appear descent, if not, best.  Nilalahukan ko pa ng killer smile.  Gusto ko talagang maging killer ang smile ko kaya gusto kong magpalagay ng alambre sa ngipin ko para mai-correct ang sumasaliwang lower teeth ko.  Hahahahahaha! Sad to say, hindi pa kaya ng bulsa ko. Hahahahahaha!  Kaya seldom people see me na nakapambahay lang kahit pa sa loob ng aming bahay.  Kulang na nga lang na pati sa pagtulog ay nakapanglakad akong damit.  Hahahahahahaha!  Madalas nga tanong ng aking mga anak, "Papa, saan ka pupunta?" Ang sagot ko naman, "Sa opisina." Huwag ka, ang opisina ko ay isang hagdan lang at isang ngiti ang layo sa aming bahay.  Hahahahaha!

Dahil sa kuwentong ito, gusto ko tuloy i-post at pasalamatan ang miyembro ko na nagbigay sa akin nito:




Nang tanungin ko ang presyo nito sa SM San Lazaro, tumambling ako sa mahal.  Parang ayaw ko na tuloy gamitin dahil nakakahinayang.  Hahahahahahaha!


At siyempre pa sa aking nanay:



Hindi man ito kasing mahal ng nauna, pero base sa kakayahan ngayon ng aking ina at sa pagmamahal niya sa akin.  Kasinbango na rin siya na maituturing.

I still have a lot to improve on personality development and grooming.  But I am happy to say that I am learning.  Sa mga sumusuporta sa aking pagpapaganda, ang masasabi ko lang, thanks to my sponsors.  Hahahahahaha! Sa mga nanlalait sa gayak at istura ng kanilang mga pastor, bakit hindi kaya kayo tumulong.  Kasi kung hindi kayo tumutulong, magaganda nga kayo pero ang papangit naman ng ugali niyo.  Hahahahahahaha!

Hindi ako nagtagal sa classroom, umakyat tuloy ako sa parsonage upang magshave.  Hahahahaha! Sinadya ko kasing hindi mag-ahit today. Nakakatamad din kasing araw-araw na magshave bukod pa sa hindi applauded ang aking shaver. Pero dahil, madalas, sa akin ang tingin ng mga tao bilang pastor,  TIIS GANDA ang dapat pairalin.   Hahahahahahaha!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento