Huwebes, Hulyo 12, 2012

TAKAL

Pansin ko nagiging blog na about Ayan ang blog kong ito.  Bloggable naman kasi talaga.

Kasi kanina, pagkarating niya rito sa parsonage, binigyan na siya ni Diko Amiel ng isang bowl ng luto niyang spaghetti at isang mug ng juice.  Mukhang gutom si Ayan dahil parang konti lang sa kanya ang maraming serving ni Diko Amiel.  Madami naman talaga kapag nagserve si Diko kasi tinutulad niya sa katawan niya.  Hahahahahahaha!

Pero mukhang kailangan pa ni Ayan kaya binulungan ko si Diko na dagdagan pa ng konti.  

"Papa, ok na yun.," giit ni Diko. 
Hindi na ako nakipagtalo.

Maya-maya nagpaalam na si Ayan.

Pagkalabas na pagkalabas ni Ayan, pinagsabihan na ako ni Diko.

"Papa, huwag mong hayaan na si Kuya Ayan ang kukuha ng pagkain niya kasi dati sinandok niya lahat ang sinangag sa kawali at hindi na kami natirhan," ang turo sa akin ni Diko.

"Kita mo nga yung toasted bread sa center table nung humingi siya ay  inubos niya lahat," dagdag pa niya.  May nakabukas na kasing pack ng toasted bread sa center table nang dumating si Ayan.

Hirit naman ni Kuya Amos, "Papa, sa mental, ganon ang ginagawa nila.  Naka-takal na agad sa kanila ang pagkain."

Alam niya kasi na naconfined si Ayan sa Mandaluyong.



image taken from the internet


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!," ang tawa kong pagkalakas-lakas.  Feeling ko tuloy pasyente ako sa mental health.

Akala tuloy ng dalawa hindi ako naniniwala sa sinasabi nila.

"Naniniwala naman ako sa inyo," ang sabi ko sa kanila.

Natawa ako kasi feeling ko lang, yung aming parsonage (tawag sa bahay ng pastor) ay nagiging isa nang orphanage na maaari pang maging INSTITUTION FOR MENTAL HEALTH.  Hahahahahahahahahaha!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento