Habang ako ay nagpaplantsa, sinabihan ako ni Amos ng ganito
"Papa, pansin ko bestfriend kayo ni (insert name)."
"Paano mo naman nasabi na mag bestfriend kami?"
"Naririnig ko kapag nag-uusap kayo."
Siguro, ini-imagine niyo kung paano kami nag-uusap ng bestfriend kong sinasabi ni Amos?
"Papa, may umaaway ba sa iyo dito sa church?"
"Paano mo naman nasabing may umaaway sa akin dito sa church?"
"Naririnig ko kayong nag-uusap ng bestfriend mo?"
Para tuloy naririnig ko si BOY ABUNDA na nagsasabing, "Magbabalik ang The Buzz." Hahahahaha!
Siguro, gusto niyong malaman kung ano pinag-uusapan namin nung sinasabi ni Amos na bestfriend ko. Sige, i-bestfriend niyo rin ako para malaman niyo. Hahahaha!
Madalas kasi kapag nag-usap ang mag bestfriend e ang topic nila ay ang kanilang best enemy. Hahahahahahahaha!
Actually, wala naman talagang label ang relationship namin sa tinutukoy ni Amos na bestfriend ko na miyembro. Siguro, sa mata ng anak ko, feeling niya bestfriend ko ang member na ito.
At sa tanong ni Amos, ay ganito ang sagot ko.
"Wala namang umaaway sa akin dito, iba lang sila magpakita ng pagmamahal kaysa sa bestfriend ko na tinutukoy mo."
"May iba, mahal ako dahil may ginagawa akong mabuti sa kanila."
"Yung iba naman, mahal ako kahit wala akong ginagawang mabuti sa kanila."
"Yung iba, mahal ako dahil pastor ako."
"Yung iba naman ay mahal ako dahil tao ako."
O DI BA PARANG DIALOGUE SA PELIKULA?
Mabuti na lang mayroong tao na mahal ako kahit ano pa ako.
BESTFRIEND ang tawag doon.
At tama si Amos, bestfriend ko nga ang taong tinutukoy niya.
Hmmm Sino kaya yun? Bff malapit na bday nyo ng another BFF ko, sana magpakita naman kayo sa akin di lang sa fb.
TumugonBurahinmember yun ng church. tatawagan ko na nga si roderick para magkita na tayo. hehehehehe
TumugonBurahin