Linggo, Hulyo 8, 2012

SI NINOY AQUINO AT ANG AKING PAYO

Pagkatapos ng worship service namin kaninang umaga, isa sa mga kumamay sa akin ay yung babae na  nakipagappointment sa akin for counselling last Sunday ng 9 am this morning.  Hindi ko na rin masyadong pinansin ang dahilan niya kung bakit hindi siya nakapunta sa nasabing oras dahil marami akong kinakamayan na mga miyembro na lumalabas.  Sinabihan ko siya na maghintay sandali.  Tumayo siya sa gilid.  Pagkatapos makipagkamayan ay naupo pa ako sa meeting ng mga young adult at nakipagkuwentuhan sa isang kababaihan ng church.  Sa gitna ng aking pakikipagkuwentuhan ay naalala ko ang babaeng kausap ko.  Mabuti naman at nandoon pa siya.  Nawala na siya sa isip ko talaga. Paano naman 5 am pa lang gising na ako.  Hahahahahahaha!

Sa choir room kami nag-usap.  Problemang mag-asawa ang kanyang inihinga sa akin.  Mahaba-haba rin ang kanyang litanya.  May patak ng luha pang kasama.  Naramdaman ko nang nag-aalburuto ang aking mga bituka.  Lunch time na kaya. Habang pinakikinggan ko siya, sinusubukan ko namang i-counselling ang aking tiyan.  Hahahahahaha!

Hindi maalis sa isip ko ang emergency meeting  at seminar na susunod na mga gawain.  Hindi na ako makakapaglunch sa isip ko.  Pero alam kong mabigat ang loob ng counselee kaya pinilit kong isantabi ang galit ng mga bituka ko.

Maya-maya pa, pumasok na ang kanyang anak. Kanya itong pinalalabas pero ayaw nang papigil ang bata kaya wala na siyang magawa.

After I listened, I asked her of her plans now.  Panandaliang naglakbay ang aking isip.  Hindi ko nakuha ang kanyang sagot.

Pero ang payo ko sa kanya ay huwag pabayaan ang sarili at ibaling sa anak ang kandili.  May ilan pa akong sinabi.

Nagtapos kami sa panalangin.  Pero nagpatuloy siya sa pagbibigay ng pakimkim.

Tinanggihan ko.  Katwiran ko mas kailangan niya.  Pero mapilit siya.  At pinarealized niya sa akin na malaking kagaanan ang aking naiparating.

NAWALA TULOY ANG GUTOM KO.  Hahahahahahahahaha!

Parang puwede pang sa counselee ay makinig ako.  Hahahahahaha!

Ewan ko pero wala akong matandaan sa nakaraan na pagkatapos ng counseling session ako ay nabayaran.

Madalas, "Thank you Pastor" lang ang aking natitikman. Hahahaha!


Kaya, paging sa lahat ng may suliranin, bukas ang aking opisina for counseling 24/7.  Hahahahahahahahaha!

Hindi naman ibig sabihin na ibig kong maging bayaran.

Naibabahagi ko lamang na maramdaman mong may saysay ang ginawa mo kapag name-meet mo si Ninoy Aquino.  




Ang kaibahan ko lang kay Ninoy Aquino, e, naka-smile ako. :-)




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento