Huwebes, Hulyo 12, 2012

THE SINGING COOK

This afternoon, nagluluto na naman si Diko Amiel ng kanyang spaghetti.  Pero may bagong sahog sa kanyang pagluluto.  At batid ko ito kahit nasa kuwarto ako sa itaas.

May sahog na kanta ang kanyang specialty.  Praise and worship song ang birit niya.

If I am not mistaken, "You Are Good" ang title ng kanta.  Gamit ang netbook ko kanina, sinasabayan niya ang kanta sa youtube.

Masaya ako na masaya siyang nagluluto.  Siyempre kapag masaya ang nagluluto masarap din ang mailuluto.




Bukod pa roon, ang pagkanta niya ng kantang iyon ay nagpapahiwatig na lumalapit pa rin sa Diyos kahit paano.

Hindi kasi nagsisimba si Diko Amiel.  For no apparent reason, huminto na siyang magsimba.  At kahit ilang ulit ko siyang tanungin kung bakit, wala siyang malinaw na sagot.  All I can do is to guess.  

Marami akong ginamit na tactics to make him attend our worship service pero epic fail lahat.

Pero hindi naman siya huminto ng pagbabasa ng bible.  Madalas nga ay nagtatanong siya sa akin tungkol sa kanyang mga nababasa.

Actually, yung iniisip ko na iniisip ng miyembro ang higit na nagiging drive ko para siya mapasimba.  Imagine, anak ng pastor, hindi nagsisimba.  

Minsan tinanong ko siya uli kung kailan siya magsisimba, ang sabi naman niya malapit na.

Hindi ko lang alam kung kailan yung malapit na yun o kung kasinglapit ng aking iniisip.

Pero tuwing nakikita ko siyang binabasa ang bible at kumakanta ng praise and worship, nakakakita pa rin ako ng pag-asa.

Nagtitiwala na lang ako sa mensahe ng kanyang kinakanta,

"You are good all the time and Your love endures forever."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento