Lunes, Hulyo 2, 2012

HAPON NOON NANG BISITAHIN AKO NI SANTA

Marahil may magtataas ng kilay sa title ng post na ito.  Pero bago po kayo magsimula ng argumento, ipinauuna ko na po na hindi ako naniniwala kay Santa Claus.

Pero pinaniniwalaan ko na may mga taong  mga ala-Santa Claus ang espiritu.

Habang nakaupo kaming mag-aama sa living room at nag-iisip kung ano ang bibilhin para iluto sa pananghalian, bigla na lamang dumating si Santa.  Hindi ko man namalayan ang kanyang pagdating at pagkatok.

Pero kung si Santa naman ang darating, kahit pa hindi na siya kumatok o sipain ang aming pinto, with open arms ko pa rin siyang tatanggapin.  Hahahahahahaha!

Una niyang kinumusta kung nakapaglaba na ba ako, sabi ko kaninang umaga.  Tuyo na raw ba ang mga sinampay ko, sunod niyang tanong.  Hindi ko pa tinitignan ang sagot ko naman.

Pagkatapos ay kinumusta niya ang kabibili ko lang na washing machine.  Yes, mga kapatid, aware si Santa sa talent ko sa paglalaba.  Hahahahahaha!  At suportado niya ako sa aking passion na ito.  Hahahahahaha!  Tinanong niya kung may dryer ang nabili ko pero mukhang alam naman na niya ang sagot kasi dumudukot na siya sa kanyang pitaka habang nag-uusap kami.

Tinanong niya kung magkano ang bili ko sa washing machine.  Ang sabi ko ay $3 million.  Hahahahahahaha!  Kasi nga talking washing machine ang nabili ko katulad nang nasirang kong washing machine.  Hahahahahahahaha!



Pambili ko raw ng dryer


At siyempre,  may supot rin na ibinigay si Santa na may mga lamang na ganito


 at ganito pa








Oh My God!  Gusto kong tumambling  at pagkatapos ay umawit ng "Thank you, thank you ang babait ninyo, Thank you!"  Hahahahahahahahahahaha!

Gusto ko pang sundan ang awit ng, "At magbuhat ngayon kahit hindi pasko ay magbigayan."

Ay gawin na nating Christmas medley, "Araw-araw ay pasko." Hahahahahaha!

Nakakatouched talaga kapag kahit hindi pasko o walang okasyon ay may nagmamagandang loob sa iyo.  Hindi lang nagbibigay dahil kailangang magbigay o dahil nahihiyang hindi magbigay.

Nagpaalam na si Santa at kabilin-bilinan na unbloggable raw ang pagbisita niya.

Pero sa lahat naman ng kablog-blog e ito yun.  Biruin mo, kulang 1k na lang ang pera ko at malayo pa ang suweldo, biglang may magreregalo.

Ang totoo, may nakaschedule akong blog bago ito pero next time na lang sila.  Hahahahahahahaha!  Kahit my internet connection sucks again in my place, takbo ako para i-load ang aking broadbond makapagblog lang.

Kaya sige po My Santa, hindi ko na lang po ibo-blog ang inyong pangalan, pero ang inyong kabutihan, sorry po, hindi ko puwedeng hindi pasalamatan. 

Ang sabi ng mga anak ko na nakakita rin kay Santa, ang saya-saya ko raw.  Tinanong ko naman sila.  Ang sagot nila, masaya rin sila.

Sino ba namang hindi? Ikaw ba naman ang dalawin ni Santa sa buwan ng Hulyo, di ba panalong-panalo?  HOHOHOHOHOHOHO!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento