Biyernes, Hulyo 6, 2012

DOUBLE CELEBRATION

Pagkatapos ng activity sa church kagabi, umakyat na ako at nadatnan na nakatutok sa "Wiltime, Bigtime" ang mga anak ko.  Napanood na rin ako.

Mga "beki" ang mga contestants.  Isa na siya rito. 





Ang kalaban niya ay isang pagkaganda-gandang transgender na nagpasex reassignment na sa ibang bansa.  Sayang hindi ko siya nakunan ng aking camera.  Hindi ko naman kasi alam kung bloggable ba agad ang pinapanood ko.  Back to the said transgender, kung hindi niya sasabihin o aaminin, mukha talaga siyang babae. At mas maganda pa siya sa karaniwang mga babae. Pati boses niya ay boses babae.

Pero ibang klase itong si "Dowry." Yan ang name niya.

Siya ay tinatawag na "baklang bato."  Ang tipo ng bakla na wala anumang traced ng pagkababae.





Hindi lang siya baklang bato, sa iba siya ay baklang "bobo".  Taga Sultan Kudarat si Dowry.  Ayon sa kanya, hindi siya nakapag-aral kaya hindi niya alam bumasa at sumulat.

Isa lang ang intensiyon niya kaya siya sumali sa Wiltime, Bigtime, ang makapag-aral at matutong isulat ang kanyang pangalan.




Hindi lang siya isang baklang bato na baklang bobo.  Isa rin siyang baklang ang pagsasalita ay may punto.  Siguro alam niyo kung ano ang tinutukoy ko. At hindi naman kaila sa atin ang pananaw sa mga taong ang letter "I" ay nagiging letter "E" at vice versa.

Matapos niyang kumanta, P15k ang natanggap niya kay Willie.  Tatlong doble kaysa sa beki na maganda.  

Ang sabi niya sa natanggap na pera, may pambaon na raw siya pagpasok sa eskuwela.

Baklang Bato
Baklang Bobo
Baklang B _ s _ _a

Kung tayo siya, marahil isusumpa natin ang ating araw ng kapanganakan. Marahil sasabihin natin wala namang dahilan para magdiwang.

Pero hindi si Dowry, alam niyang i-celebrate ang kanyang birthday dahil alam niya kung kailan ang kanyang birthday. At alam niya na pasalamatan ang kanyang buhay at magsikap na paunlarin ang kanyang buhay.

Nang tanungin kasi siya ni Willie Revillame kung kailan ang birthday niya ...

Sumagot siya.

Tumawa naman ang anak ko sa sagot niya.

August 22 ang birthday niya.

Tama si Dowry, hindi na bale na di mo matutunan ang maraming bagay sa buhay.  Huwag lang makalimutan ang araw  na niregaluhan ka ng buhay!

Siya nga pala, August 22 rin ang birthday ko.


AT MEDYO MALAPIT NA BIRTHDAY NAMIN! DOUBLE CELEBRATION ITO.  Hehehehehehehe!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento