Pansin ko these days, antukin na naman ako. At kapag ganito ang nararamdaman ako, indication ito na depressed ako.
Yap, I am depressed whenever I feel dizzy all the time. May pagka Narcolpetic ako. Yun bang kahit sapat na ang tulog e nakakaramdam pa rin ng antok.
At siyempre, may pinanggagalingan ang lahat ng depression. Usually, kapag may gusto kang gawin na hindi mo magawa.
And true to me, meron ngang mga bagay na gusto kong mangyari na hindi nangyayari at ayaw mangyari ng mga tao sa paligid ko. I will blog specifically about those things some time.
What would you feel that your leadership is being challenged? Yun bang tinatawag ka nilang leader nila and yet, hindi ka naman nila agad-agad sinusunod.
Balik tayo sa mga gusto kong mangyari, yung isa ipinadaan ko pa sa proper body for approval at na-approved naman. Akala ko lang. Nakalimutan ko nga pala na pagkatapos ng aming mga meetings, may mga aftermath reactions pa iyon. At doon nabubuo ang mga pagtutol.
Isang hapon, kinausap ako ng very influential couple about my idea. Malumanay naman ang pagsasabi. At isa pa, according to her, pinagpray daw nila ang tungkol sa idea ko and negative raw ang revelation.
I tried to be calm, although it was very offensive to me. At paano naman ako makakalaban e sagot daw yun sa panalangin nila? Sino ba naman ang makalalaban sa panalangin? Kilala pa naman ang taong iyon na prayerful.
Why is it offensive? Para kasing yung idea ko ay hindi bunga ng panalangin. At para bang sila lang ang dinirinig ng Diyos o sa kanila lang nangungusap ang Diyos.
Then in the midst of our talk, nasabi niya na sa Pastor daw nagpapahayag ang Diyos kung ano ang gusto niyang maging takbo ng church. Di ba inconsistent yun to the highest level? Sa akin nagpapahayag ang Diyos pero kapag may idea ako at hindi congruent sa iniisip nilang tama o mabuti e, sasabihin sa iyo na hindi yun ang lumabas sa kanilang prayer.
What can I say about these? That I am sick and tired and about to lose my faith in the "church." That I feel so trapped. That my growth is stunted by the people who is comfortable with their traditions and opinions.
And I want out! I want to be free! I want respect for my opinion and my position. That, sadly, I encounter so much from where I am now.
But where will I go? Napakadalang lang naman ng church na nagtitiwala talaga sa kanilang leader. Others would like to lead their leaders or think that they are better than their pastors.
May God help me and lead me to a better path. Only a listening heart would understand why I feel so lost and so least.
Dahil sa mga nangyayari, I feel so inadequate. Parang sinasabi sa yo na you're no good. Minsan, gusto ko na ring mawalan ng tiwala sa sarili dahil sa mga experiences ko.
Gusto kong sabihin na, "Bakit kaya hindi na lang sila ang magpastor?" Tutal, may sarili rin naman silang pamamaraan at kagustuhan?
Inaantok na uli ako habang sinusulat ko ang post na ito. Tinatamad na naman akong gawin ang mga bagay na dapat kong gawin at mga santambak na mga gawain.
But how come I still have time to write or to blog? I am just praying that somehow, the Lord, will shed light to this feeling of mine and bring me back to a life of sanity and decency.