Pumunta na naman ako sa isang lamay.
One of my very first posts ay tungkol din sa isang lamay. Pakibasa na lang in case you have not read it yet.
Kumpara sa unang post tungkol sa lamay ...
Mas bata ang namatay ... . He was only 17 years old
Mas malungkot ang kanyang pagkamatay ... actually siya ay pinatay!
Siya ay binaril ng pulis dahil napagkamalang kasama sa isang amok.
Isa siya sa dumadalo sa extension ng aming Daily Vacation Church School (DVCS) tuwing summer sa Bagong Barrio, Caloocan.
Ang DVCS ay isang linggong pag-aaral ng mga bata at kabataan ng faith lessons.
Isa si James sa naging estudyante ko sa maikling pag-aaral na iyon.
Kuwento ng kanyang ina, lumabas lang siya nang gabing nangyari ang aksidente upang magpa load sa kanyang cellphone nang magpaputok ang pulis na nakikipag-inuman sa kalsada.
Bagama't nakatalikod, nakadapa ayon sa utos ng pulis at nagsasabing walang siyang kinalaman, tinuluyan pa rin ng pulis na barilin ang inosenteng teen-ager.
Ang nakakainis, ang pulis ay nakatira lamang sa Bagong Barrio at hindi naman naka-assign doon para siya magbabaril.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanyang nanay. Di ko alam kung ano ang aking sasabihin. Hindi ko rin naman alam kung handa siyang makinig nang panahong iyon.
"Pagpalagay nating masama ang anak ko, hindi naman dapat niya pinatay dahil puwede niya namang ikulong," himutok ng nanay.
"Kahit bitayin pa ang pulis na yan ay hindi sapat para itumbas sa buhay ng anak ko," sambit ng napopoot na ina. Maraming beses ko na ring narinig ang linyang ito, sa mga inang nawalan ng anak dahil sa walang awang pagpatay ng mga alagad ng batas.
"Kahit bitayin pa ang pulis na yan ay hindi sapat para itumbas sa buhay ng anak ko," sambit ng napopoot na ina. Maraming beses ko na ring narinig ang linyang ito, sa mga inang nawalan ng anak dahil sa walang awang pagpatay ng mga alagad ng batas.
Tinanong ko ang nanay kung kailan ang libing.
Ang sabi niya, hangga't hindi nabibigyang linaw ang kaso ng kanyang anak, hindi ito ililibing.
Naisip ko, pulis ang pumatay.
At walang gustong tumistigo.
At sa bagal ng hustisya sa ating bansa.
Gaano katagal kaya paglalamayan si James?
For the meantime, idadagdag na lang si James sa kaso ng mga too young, too soon, too sorry to die.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento