As I have shared to you in my previous post, nagpahinga na ang aming washing machine. Gusto niya na raw magpahinga kasi marami na rin naman siyang diprensiya. At kahit ayaw ko pa dahil mahirap nang wala siya, e wala akong magawa nang araw na tuluyang bumigay siya.
Talking Washing Machine? Hahahahaha!
Kaya, sa kanyang pagkawala, balik uli ako sa pag handwash ng labada. At siyempre pa hindi lang sa kamay mahirap kundi pati sa likod ang maglaba ng walang washing machine. Huhuhu!
Gusto ko nang umawit ng "Maglaba Ay Di Biro." OO naman, hindi naman kasi ako nagtatanim kaya pagbigyan niyo na.
Hay naku, sana hindi na lang nagkasala sila Adan at Eba para wala na tayong nilalabang damit ngayon.
O kaya naman ay kaibigan ko na lang si Gloria Labandera para naipasama ko sa kanya ang mga labahan ko. Hahahahahahaha!
Pero dahil nasira ang 'di dapat masira, e inilibing ko na ang aming washing machine. Huhuhuhuhu!
At habang nagkukusot ako ng labada at lumuluha (joke) ay sumumpa ako sa sarili na "bukas luluhod ang mga batya." Hahahahahahaha!
Promise ko sa sarili ko na sa susunod na suweldo ay isisingit kong bilhin ang washing machine.
At dumating nga ang araw na aking pinakahihintay kaya eto na siya:
How I wish branded siya pero hindi. May brand naman siya pero masakit sa mata ng mga brand conscious. Hahahahahahaha!
How I wish twin tub siya pero hindi. Magpray na lang daw ako na laging sunny day para mabilis matuyo ang mga damit o kaya ay tapatan ko na lang daw ng electric fan kung umuulan. Hahahahahahaha!
O kaya mas maganda kung automatic siya. Choosy pa ako?
At isa pang o kaya yung washing machine na tao na lang ang papasok at pag labas mo ay nakabihis ka na. Hahahahahahahaha!
At kaya nga puro wishes ang sinasabi ko e dahil malayo naman talaga siya sa gusto ko. Hahahahahahahaha!
For the meatime, siya ang best buddy ko sa laundry life ko.
Kaya sisimulan ko nang magpiga, hindi lang ng damit kundi ...
Pati ng akingbudget. Hahahahahahahaha!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento