Lunes, Marso 11, 2013

KUNG PUWEDE LANG SANA

Kung puwede lang sana na mabasa ko ang laman ng iyong isipan,

Kung puwede lang sana na maramdaman ko ang bigat ng iyong pinagdaraanan,

Kung puwede lang sana na akuin ko ang iyong nararanasan,

Buong puso kong gagawin upang lungkot mo ay mabawasan.

Kung puwede lang sana ibalik ang nakaraan para higit kitang maalagaan, madinig at maunawaan,

Kung puwede lang sana bawiin ang mga salitang binitiwan at mga parusang ipinaramdam

Buburahin ko lahat iyon hanggang wala nang bakas na maiwan.


photo taken from the Internet


Kung puwede lang sana ako ang mangarap para sa iyo.

Kung puwede lang sana mapasa sa akin ang karamdaman mo.

Kung puwede lang sana malaman tunay na kaligayahan mo.

Kung puwede lang sana oras-oras nasa tabi mo.

Kung puwede lang sana habang panahon kayakap mo.

Matiyaga akong magbabantay para sa kapakanan mo.

Pero hindi lahat ay  puwede kong gawin, gaano naman ang pagnanais, sadyang imposible man din.

Kaya, puwede ba, sa mga bagay na hindi ko puwedeng gawin, tulungan mo ako na lumaban para sa iyo?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento