Health Day ng preschool dito sa church today. May inimbitahan kaming dentist to check the teeth of the children. Nang bumaba uli ako sa classroom, nagle-lecture na ang dentist. Teacher introduced me to the wife of the dentist, Mommy Fely, who was also there.
I was standing while talking to Teacher Irene and to our church secretary who was in front of the computer.
One of our members, Mommy Juling Manaoat, who serves as the coordinator for our Health Day called my attention so I went near them. She was having a casual chat with Mommy Fely.
Mommy Juling: Pastor may sinasabi po sa inyo si Mommy Fely.
Mommy Fely: Kung hindi po kayo ipinakilalang pastor sa akin, aakalain kong mayroon kayong pinopormahan.
Gumanti lang ako ng ngiti sa aking narinig.
With that remark I became conscious and curious onto what they are talking about. Being a passive listener to their chat, I heard them said:
Mommy Fely: Kailangan ang pastor mabango, presentable kung manamit kasi humaharap siya lagi sa tao.
Mommy Juling: Lahat po ba ng pastor mabango?
Mommy Fely (Umiling): Hindi e.
Mommy Juling: E ang pastor po namin (sabay kumpas ng kamay mula aking ulo hanggang paa na lalong nagpaconscious sa akin)?
Mommy Fely (Tumango na nakangiti)
Needless to say, I was flattered. At least nagbubunga ang aking tiis ganda. Hahahaha! Sumagi sa isip ko ang hair polish, lotion, facial cream, mouth wash, perfume, anti fungal cream, deodorant na mga ritwal ko bago bumamba ng opisina. Minsan nga, sa dami ng kailangan kong i-apply, yung lotion, napagkakamalan kong hair polish at ang hair polish naman ay sa balat ko in-apply. Hahahahahaha! Tiis ganda talaga. Madalas sa hindi, magpupunta lang ako sa palengke e nakapanlakad pa ako. I have long known that fact and responsibility to make myself appear descent, if not, best. Nilalahukan ko pa ng killer smile. Gusto ko talagang maging killer ang smile ko kaya gusto kong magpalagay ng alambre sa ngipin ko para mai-correct ang sumasaliwang lower teeth ko. Hahahahahaha! Sad to say, hindi pa kaya ng bulsa ko. Hahahahahaha! Kaya seldom people see me na nakapambahay lang kahit pa sa loob ng aming bahay. Kulang na nga lang na pati sa pagtulog ay nakapanglakad akong damit. Hahahahahahaha! Madalas nga tanong ng aking mga anak, "Papa, saan ka pupunta?" Ang sagot ko naman, "Sa opisina." Huwag ka, ang opisina ko ay isang hagdan lang at isang ngiti ang layo sa aming bahay. Hahahahaha!
Dahil sa kuwentong ito, gusto ko tuloy i-post at pasalamatan ang miyembro ko na nagbigay sa akin nito:
Nang tanungin ko ang presyo nito sa SM San Lazaro, tumambling ako sa mahal. Parang ayaw ko na tuloy gamitin dahil nakakahinayang. Hahahahahahaha!
At siyempre pa sa aking nanay:
Hindi man ito kasing mahal ng nauna, pero base sa kakayahan ngayon ng aking ina at sa pagmamahal niya sa akin. Kasinbango na rin siya na maituturing.
I still have a lot to improve on personality development and grooming. But I am happy to say that I am learning. Sa mga sumusuporta sa aking pagpapaganda, ang masasabi ko lang, thanks to my sponsors. Hahahahahaha! Sa mga nanlalait sa gayak at istura ng kanilang mga pastor, bakit hindi kaya kayo tumulong. Kasi kung hindi kayo tumutulong, magaganda nga kayo pero ang papangit naman ng ugali niyo. Hahahahahahaha!
Hindi ako nagtagal sa classroom, umakyat tuloy ako sa parsonage upang magshave. Hahahahaha! Sinadya ko kasing hindi mag-ahit today. Nakakatamad din kasing araw-araw na magshave bukod pa sa hindi applauded ang aking shaver. Pero dahil, madalas, sa akin ang tingin ng mga tao bilang pastor, TIIS GANDA ang dapat pairalin. Hahahahahahaha!
Huwebes, Pebrero 21, 2013
Miyerkules, Pebrero 20, 2013
RELEASE
Tanghali na ako nagising today, exactly 5:59 am. These days, tanghali na sa akin ang oras na iyon. Kasi nga, I need to rise earlier dahil part of my routine is to brisk walk, to journal and to eat taho. Hahahaha!
Pero nagbabadya si ulan. Makulimlim si kalangitan. Naisip ko, magtutuLoy pa ba ako? Kaya lang, sinadya ko nang magmissed ng exercise kahapon. Mahirap naman kung masusundan na naman ngayon.
Kaya nagtuloy ako. Habang naglalakad, tinitingala ko ang madidilim na ulap. Dinadama ko ang malaming na hangin. Sinasalubong ko ang mga tao sa kanilang paglakad.
Naisip ko, kung noon nga kahit umuulan nagtuloy ako sa exercise, ngayon pa kaya. Ang kaibahan nga lang, wala akong payong na dala. Mukhang handa akong sumabak sa ulan. Hehehehe!
Nakarating na ako sa jogging area, inipit sa puno ang aking handbag na may lamang journal notebook at pen case.
Nagsimula nang umambon half way of my brisk walking. Pero nagtuloy ako sa paglakad. Sabi ko sa aking sarili, kapag lumakas ang ulan, silong na lang ako. Pero nakaisang round na ako sa umaambong umaga.
Naisip ko na namang tapusin na lang ang isang round. Pero nagtuloy pa rin ako.
Nang malapit ko na matapos ang second round, may nasalubong akong mag-ama, nakikiusap ang tatay na kung pwede ay hanggang kanto na lang niya ihatid ang papasok sa school na anak. Bagama't unti-unti nang bumibitiw ang tatay, lumalayo na ang kanilang agwat, bakas ang pag-aalala ng anak sa paglingon-lingon nito sa kanyang ama.
Kinuha ko ang handbag ko at nagsimula nang magjournal. Wala nang gaanong tao mula sa kakaunting tao kanina. Kaya nagawa kong magjournal sa waiting shed na usually ay istambayan ng mga tapos nang magjogging na magkakaibigan.
Ok naman na sa waiting shed ako kasi once na tumuloy ang ulan, may nasilungan na ako.
Panandaliang nawala na sa isip ko ang mag-amang nagpra-practice maghiwalay. May lalaki kasing tumigil sa kinauupuan ko at nagtanong ng direksiyon. Wala naman siyang nakuha sa akin kasi bago pa lang akong naglalagi sa lugar na iyon. May isa namang nagjo-jogging na lalaki na sinubukang tulungan ang lalaking may hinahanap na lugar pero nabigo rin siyang ituro kung saan eksakto ang kanyang hinahanap. Itinuro ng lalaki ang lalaking naghahanap sa guwardiya. Pero ang sabi ng lalaki ay wala pa raw ang guwardiya. Tinanghali rin kaya? Hahahahaha.
Tuloy ako sa journalling. Nang ibaling ko ang aking tingin sa paligid, nakita ko na nagsisimula nang mag-isang maglakad ang bata papasok sa eskuwela habang ang tatay ay unti-unting humakbang pasunod, tinitignan kung magtatagumpay ang anak na mag-isa.
Naisip ko, that is a interesting scene of what we call, "the power of release."
Minsan, wala si haring araw sa umaga, ang sa jogging na aking mga kasama, si mamang guwardiya na maaaring pagtanungan, ang magtataho sa kanto at si tatay na gustong sanayin si anak na hindi lahat ng oras, naroon siya.
Sabi nga sa journal ko today sa Genesis 2, kahit ang Diyos ay kailangan din magpahinga. So, puwede ring isang araw, para siyang tatay na nagsasanay sa anak na pumapasok sa eskuwela na mag-isa.
MAY PANAHONG WALA SILANG LAHAT. OK LANG YUN. BASTA BA ANG SARILI MO AY LAGING NANDIYAN PARA SA IYO.
Siya nga pala, sa main road ko nakita si magtataho. Wala raw gaanong tao sa jogging area kaya siya lumayo. Umuwi akong masaya at enjoy na enjoy ang taho.

Martes, Pebrero 19, 2013
TUMBLING
![]() |
| The Front Cover |
![]() |
| The Inside Pages |
To our dear Pastor Arnel,
Pastor, this is a thank you card for the following reasons (hehehe parang report)
1. For just being you;
2. For exerting your efforts for the church without being pushy;
3. For welcoming newcomers to the church (I am one of them);
4. For being funny when delivering your sermon and when blogging;
5. For your encouragement in times of trials and needs even if you, yourself is also facing your own trials;
6. For inspiring us all to do more to improve ourselves as you, yourself is doing by studying and now with the dissertation; and
7. etc. etc. etc. etc!
As you face a new endeavor in your career this is a simple gift for a Pastor, who truly loves the Lord!
(This member is a very private person kaya I rather withhold disclosing the name. The card is enclosed with a cash gift as a promise of help for my dissertation).
More than the love gift, I appreciate the love this member joyfully expresses to a servant of God.
With the love gift and the Seven reasons of gratitude, ano pa ang masasabi ko kundi?:
PERFECT(sabi nga ni Ate Vi) na may kasamang TUMBLING(ala Jhong Hilario)!:-)
Linggo, Pebrero 17, 2013
OVERDOSED
Mayroon mga bacteria na kaya namang i-tolerate ng katawan.
Yun bang pwede na lamang deadmahin o kaya ay ipanalangin.
Pero meron namang matindi talaga ang pamiminsala.
Hindi makuha sa deadma at panalangin.
Hindi rin mapayapa nang ngitian man din.
Mentras pinagbibigyan, lalong namimihasa.
Ako pa naman ang taong matiisin.
Mapagpakumbaba sabi ng ilan din.
Mabait at palangiti ang sabi naman ng marami.
Pero may oras na dapat lagyan ng hangganan.
Ang pagpaparaya, pagpapakumbaba.at pagdarasal.
Lalo na kung itinuturing ka nang basahan na puwedeng apak-apakan.
At pagsalitaan ng mga salitang di alintana kung ika'y masasaktan.
Nang ako ay magpastor, kinalimutan ko ang pagyaman.
Isinapuso ko ang paglilingkod at pinagsumikapang magampanan.
"Nang walang pag-iimbot at buong katapatan."
Pero may mga tao na hindi marunong kumilatis kung ano ang totoo sa puwet ng baso.
Nakakalat at nakabara sa bawat daraanan ko.
Kaya kahapon ako ay nagpasya.
Tapos na ang pagpapakumbaba, pagpaparaya at pagdarasal.
And I did what I must do.
I gave someone A DOSE OF HIS OWN MEDICINE!
At pasensiya na kung na-overdosed ka sa rami.
Hindi ka lang pala kasi bacteria kundi virus pa.
kung hindi papatayin ay lubhang nakakahawa
Sabado, Pebrero 16, 2013
ANTI-STRESS
Finances? deadlines? relationships? obligations? They are only a few of the many sources of stress.
I, myself, experience stress. And they are a lot to count.
Good thing one of my members gave me this:
My question is, how can these tablets ease out my stress?
Does it give me an instant cash?
Does it help me in the household chores?
Does it help me improve on my relationships?
Does it enable me to beat my deadlines?
The answer is, it does not. I guess, I just have to believe that it does and so it will.
But there are things that instantly make me cope up with stress even without vitamins supplement. These are:
Me: Will I able to finish my dissertation within two months?
Adviser: Nothing is impossible with God.
Member: Pastor, pwede mo akong grammarian sa iyong dissertation
Me: Thanks a lot!
Member: Pastor, pasensiya ka na kung kinukulit kita sa dissertation mo, gusto ko kasing makatulong. Baka meron kang pwedeng i-delegate sa akin para makatulong ako.
Me: Salamat talaga! Ang kaso e, ako lang ang pwedeng gumawa ng kailangan kong gawin.
Friend: Pastor ang mahal magdissertation. Magsabi ka lang at tutulungan ka namin.
Me: Salamat at hindi ko na kailangan kayong tanungin pa para sa tulong.
Me: Can you cook for our meals in the succeeding days? I have no more time to do the cooking.
Member: Ipinagluto ko na po kayo ng bopis, pinaputok na tilapia, ginataang sigarilyas, porksteak etc.
Reader( She came over to my church): Pastor, patuloy pa rin akong nagbabasa ng inyong blog. Keep on writing. Sana magblog din ang ibang pastor.
Me: Thank you very much!
Sabi nga sa Proverbs 16:24, "Pleasant words are a honeycomb, sweet to the soul and healing to the bones."

Biyernes, Pebrero 15, 2013
MULAGAT
Kulang ako sa tulog lately. Gawa ito ng pagiging puno ng schedule ko. Dagdag pa nito ang pagising ko nang sobrang aga para makapag-jogging. Today is my 6th day na nakapag-exercise ako. Nate-tempt na nga ako na skip na lang uli ang exercise para may dagdag na tulog pero ang worry ko baka sobrang tagal ko na namang makabalik sa jogging world kundi man e baka tuluyan na akong tamarin. It's been four years since I stopped jogging. At ngayon na lang uli naulit "kung kailan ngang ang aking tiyan ay mayron ng laman." Hahahahaha!
Kayo ang epekto, tirik(inaantok) ako. Ang katunayan nga habang sinusulat ko ang post na ito ay nakapikit ako sa antok. Hahahaha!
Kaninang umaga, pagkagaling sa jogging, nag-almusal ako. Pagkatapos umakyat sa kwarto at naupo sandali. At dinapuan ng antok. Sandaling nakatulog. Pero kailangang magsunog ng kilay kasi may report na kailangan nang tapusin at dissertation na kailangan nang simulan.
Naligo. Naghanda ng mga gamit paalis. Nagpunta sa barbero para magpapogi(pagbigyan niyo na ako, puwede?) Hahahahaha! Pagkatapos ay pumila na sa LRT.
When the wagon was approaching, I positioned myself so that I will secure myself a seat. In short, nakipaggitgitan ako. I was blessed to have a seat. I prayed na walang babaeng tatayo sa harapan ko para mapilitan akong tumayo para magbigay. Hahahahahahaha! At kung meron man, I prayed again na sana may kasama siyang jowa para sa bisig na lang niya kumapit. Hahahahahaha! At kung ayaw sagutin ang prayer ko at may girlaloo pa rin sa harap ko, sorry, pa rin kasi "marupok ang aking tuhod, kay daling lumimot." Hahahahahaha! Nahihirapan akong tumayo nang matagal.
Pero, inaantok pa rin talaga ako. At manaka-nakang nakakatulog during the trip.
Pero takot akong lumagpas na minsan nang nangyari sa akin. Kaya bagama't pikit ang mata ko, gising naman ang tenga ko. Hahahahaha! Sa tuwing hihinto kami sa istasyon, namumulat ako. Pagdating ng D. Jose; mulat, Carriedo; mulat, Central Terminal; mulat, UN Avenue; mulat.
Pagkalagpas sa UN, ako ay namulagat. I-announced ba naman ng driver or pilot ng LRT, "Next station, Quirino." Pagkarinig ko na kanyang announcement, nasabi ko sa sarili ko, "Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat?" Biglang nagturn ang ulo ko ng 360 degrees. Hahahahaha! Possessed? Umiikot ang ulo? Hahahahahahaha! Tinignan ko ang aking paligid, takot ako na lumagpas ako. Hinanap ko ang Quirino Highway at ang building ng Philhealth pero ang nakita ko ay ang Cathedral of Praise kaya nagduda ako.
Nakatiyak lang ako na hindi ako lumagpas nang marinig ko ang middle aged na lalaki na nakatayo, "Agad, agad? Di ba Pedro Gil muna bago Carriedo? Nalilito na ang driver."
Lito man o inaantok ang driver, ang tiyak ko, nawala ang antok ko. Hahahahahaha! Takutin ka ba naman na lumagpas ka ng babaan, sino ang hindi magigising. Hahahahahahaha!
Anyway, salamat mamang driver ginising mo pati dugo at kaluluwa ko.Hahahahahahaha!
Huwebes, Pebrero 14, 2013
VICE GANDA
Pang fifth day ko nang nagjo-jogging. At di tulad noong Tuesday, nagpasikat si Haring Araw ngayon. Wala nagbabadyang ulan. Perfect day para mag-exercise. Ngunit kagaya noong Tuesday, nag-iisa uli ako.
Actually, kagabi naisip ko nang lumiban muna sa brisk walking. Maaga kasing papasok si Amen Learn dahil may National Admission Test sila for High School. Kung hihintayin ko siyang makapasok bago ako mag-exercise, tanghali na. Pero naisip ko naman na mahirap ang lumiliban kung mababaw lang naman ang dahilan. Mahirap kasi magtuloy kapag medyo naputol ang nakaugalian.
Kasi naman, kapag nag-absent ako, malamang, lumiban na rin ako sa pag-journal ko. Yap, I coupled my day of jogging with my day of journalling. Pagkatapos ng dalawang rounds, na around 30 minutes kung lalakarin, uupo na ako at simula na sa journalling.
Hindi lang journalling ang mahihinto, pati pagbili ko ng taho. May magtataho kasi na nakahimpil sa waiting shed. Suki niya na ang mga joggers na katulad ko.
So, tatlong bagay na nagiging bisyo ko na. Pag-exercise, pag-journal at pagkain ng taho. Hehehehe!
Kaya naman ang title ng post na ito ay VICE GANDA. Misleading ba? Hindi naman. Di ba kapag sinabing bisyo ay palagiang ginagawa. Pero dahil negative ang connotation ng bisyo. Nilagyan ko naman ng word na GANDA ang VICE. Siguro naman, walang tututol na ang pag-exercise, pag-journal at pagkain ng taho ay isang magandang bisyo.
Isa pa, kahit nga si VICE GANDA nagiging bisyo na rin ng maraming tao. Bakit kamo? Lahat ng shows niya sa TV at pelikula ay pawang mga certified top raters at box-office hits. At aaminin ko, minsan din akong naloko sa mga videos niya sa youtube. Hehehehe!
Habang lumalakad ako pauwi, may na-realized ako na ikinatuwa ko. Kapag nagtuloy-tuloy na ang vice ganda ko, mas nagiging organized ang araw-araw ko. Alam mo naman ako may pagka-maARTISTa kaya madalas yung inspiration ang hinihintay para kumilos.
Siya nga pala, hindi lang pala tatlo ang nagiging bisyo ko. Sa daan kasi, napaupo ako at bumili nito.
Hindi lang pala sa bisyo ito. Kundi isang bagay na kinalakihan ko. Hehehehe!
Pero hindi ko inorder ito sa naunang kinainan ko. Sa may tabing daan ito. By the hand din ang pagserve ng lugaw rito. Wala ring tray. Pero di hamak naman na mas malinis ang kuko ng serbedora dito.
Bisyo ko na ang kumain ng lugaw. Pero kung ang magserve naman sa akin ay si DUMInador ang kuko, buti pang maging lasengero na lang ako. Hahahahaha!

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)