Linggo, Marso 11, 2012

KASALAN SAKA NA

SA ISANG KASALAN AKO'Y NAIMBITA.  SIYEMPRE KUNG ANO ANG AKING IREREGALO ANG UNANG PROBLEMA.




This is the wedding invitation






PERO AKO AY WARING NAKAHINGA, NANG ANG KASALAN AY NAKANSELA.


UMATRAS SI BABAE, YAON ANG SABI.  WARING "RUN AWAY BRIDE" ANG KAPARI.
Run Delilah Run





NAAWA NAMAN AKO SA PAMILYA NG LALAKI.  HINDI LANG BUTAS  ANG BULSA SA NAGING GASTOS SA PAGHAHANDA, MABIGAT PA ANG DIBDIB SA TINDI NG SAMA NG LOOB.




Parang ganito ang nangyayari sa nanay.




AT NA-GUILTY  DAHIL REGALO LANG ANG AKING PROBLEMA,  HABANG SILA KAHIHIYAN ANG DINADALA.




SA ISANG BANDA NAISIP KO, MABUTI NA RIN HANGGA'T MAAGA AY UMATRAS SILA PARA MAY PANAHON NA MAKALAYA PA.  DI TULAD KUNG SILA AY TALI NA.


ANG TAWAG DIYAN AY KASALAN SAKA NA(WEDDING AT CANA RAW ITO SA ENGLISH BIRO NG ILAN)






PERO TEKA .........


PAANO NAMAN KAYA KUNG SA GANITONG KASALAN KAYO AY MAIMBITA?
































SAME SEX MARRIAGE
ANO ANG GAGAWIN NIYO?




  • SA REGALO AY MAMOMROBLEMA?






  • SISIGAW  NANG "ITIGIL ANG KASAL?"






  • IIYAK  NA GINAGAWA  NG INA O AMA?






  • SISIGAW NG "MABUHAY ANG KASAL!" 






  • NONE OF THE ABOVE





DAHIL GANITO ANG MAS GUSTO NIYONG GAWIN:
















































Terrified Kid Running for His Life
Run Ninong Run









Biyernes, Marso 9, 2012

GRIEVE IF YOU MUST



Image Detail


"Death leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal." - From a headstone in Ireland

Huwebes, Marso 8, 2012

TETRIS BATTLE

Pamilyar ba kayo sa larong ito?




Yan ang tinatawag na Tetris Battle.  Isa ito sa mga games sa facebook ngayon.  Ang mga anak ko at asawa sa larong ito ay abalang-abala.  Maliban lang sa akin na sa Tetris ay deadma.

Ang totoo, hawig siya sa brick game na pinagkaabalahan ko rin noong ako ay bata pa.

Kaya ang mga anak ko ginagamit na lang ang account ko para sa laban nila. Yung energy ko ang siyang pinagagana. Pilit  ang himok sa akin para ako ay makipag-Tetris Battle pero tigas ang tanggi ko na makipagduel.

Bakit nga ba hindi ko type ang Tetris Battle?

Kasi, I already have my own battle.

And these are:

Gabundok na labada




eto pa ang isa ...



Sana tumatakbo na lang itong kabayo na tangay-tangay
ang mga plantsahin ko.







pangatlong battle ko ito:



Bayong at Grocery Bag. Depende sa budget kung ano
ang gagamitin ko.









Kung minsan battle ko rin ito:

Katulong ko na ang anak ko sa pagluluto












at ito:

Why Father Wash the Dishes?



Pero sa battle na ito, talagang nag-iisa lang ako

Kung minsan, nag-uunahan 
gamitin pero nagtuturuan 
kung lilinisin.

Yan ang mga battles ko kapag nasa loob ako ng bahay.


Pero kapag nasa loob ako ng opisina, eto naman ang aking pakikibaka:


How I wish ang mga mata ko ay hanggan sa
likod ng ulo para lahat ito ay mabasa ko.

Pero eto naman ay matagal-tagal ko nang hindi binabasa:


                                                                                 



Human Com...
Tinimbang Ako Ngunit Sobra
(The Overweight Me)






Sa madaling salita, kapag nasa taas(bahay) ako, katulong ang labas ko.



Kapag bumaba naman ako, de-opisina ako.



Nanlumo ba kayo sa mga battles ko?  Madalas, gaya ng Tetris Battle, nade-deplete din ang energy ko.


Dahil kahit na anong lakas at sipag ko, hindi ko sila matalo-talo.


Dagdag pa diyan ang mga personal battles ko.  Siyempre hindi ko na i-share sa inyo. Kaya nga personal e.


At dahil hindi ko sila matalo-talo, pinili ko na lang na sila ay kaibiganin ko. :-0


Ako ngayon ay isang proud pastor na labandero, plantsadero, kusinero, janitor, palengkero, dishwasher rolled into one.

Kayo, anu-ano ag  TETRIS BATTLE ng  BUHAY NIYO?







Miyerkules, Marso 7, 2012

Lunes, Marso 5, 2012

NANG MABAGO ANG AKING PERSPEKTIBO

Tuwing dumadalaw ang nanay ko sa amin, naglalaan ako ng oras para kami magkakuwentuhan at magkumustahan.

Kumusta na ang tatay, ang lola ang madalas na bungad ko sa kanya?  Kasama ko ring kinukumusta ang kapatid kong  bunso at pangalawa.  Paminsan-minsan, naitatanong ko rin ang dalawang  pamangkin ko.

At siyempre pa, yung maliit na negosyo na pinagkakakitaan ng mga magulang ko.  Dating mananahi sa pabrika ang nanay ko samantalang jeepney driver naman ang tatay ko.  Nagkaroon ng cancer si nanay at kailangan niya nang tumigil sa trabaho habang ibinenta na ni tatay ang kanyang lumang jeepney.

Minsan nagagawi ang aming usapan tungkol sa gobyerno ganundin sa mga artista na tao.

Madalas, pareho naman kami ng mga perspektibo at pagtingin sa mga isyu.


Si nanay at ako


Isang hapon, dumalaw sa amin ang aking nanay.  Habang nasa gitna kami ng usapan, tumayo ako dahil may kailangan akong bilhin sa labas.

Sa labas ng pinto, nanibago ako.  Bakit yata biglang lumabo ng paningin ko?

Ginalaw ko ang salamin sa mata ko.  Inalis ko pa sa mata ko baka magbago.

Pero malabo pa rin.  Ano nangyari sa salamin ko? O baka naman lumabo na ang mga mata ko?
Pati pang reading ng salamin ko e bigla ring nagbago.

Muli, tinanggal ko ang salamin ko at matamang tiningnan ito. Naku, puro gasgas na pala at may maliit na lamat pa.  Kailangan ko nang magpalit ng salamin siguro.  

Gamit ang aking panyo, umasang sa punas ay lilinaw ang salamin ko.  Pero bigo ako.

Nang bumalik ako sa bahay, agad tanong ng nanay ko, "Sinuot mo ba ang salamin ko?"

Like mother, like son's eyeglass?

Natawa ako at naisip, kaya pala naiba ang aking perspektibo, salamin pala ng nanay ko ang naisuot ko.

Doon ko na-realize ang kaibahan ng grado ng salamin namin ng nanay ko. Alam ko naman talaga na magkaiba kami ng grado pero kung gaano, nalaman ko lang  noong aksidenteng salamin niya ang 
maisuot ko.

Naisip ko, lahat ng tao ay waring nakasuot ng salamin  kahit hindi naman talaga nakasalamin.  Matanda man o bata, lalaki man o babae.  Nanay man o anak na lalaki ay may kanya-kanyang grado, may kanya-kanyang perspektibo at pagtingin sa mga isyu.





in the eyeglass of a child










Dog Wearing an Eyeglasses
malabo na ang mata ni bantay












Pare-parehong tao pero iba-iba ng grado?



Bumalik sa akin ang mga panahong iisa ang aming komento sa kung ano ang kuwento.  Talaga bang pareho kami ng perspektibo ng nanay ko o pinipilit lang naming magkapareho?

Sa tingin ko, malalaman mo lang kung ano ang paningin ng isang tao  sa mga bagay-bagay kapag salamin niya ang suot mo.  At dahil hindi tayo magkakapareho ng grado, iba-iba rin ang pananaw natin sa isyu.  Nagkakagulo lang kapag ipinipilit ng isang tao ang kanyang perspektibo at iniisip na ang pananaw ng iba ay di dapat sineseryoso.

Kahit nga ang bulag e nakasalamin din kahit hindi naman nakakita, yung nga lang, shaded ang kanila.  Pero sa totoo lang, baka mas malalim ang kanilang pagtingin kaysa sa atin kahit pa tayo ay doble vista.



Ang saya-saya ng bulag na ito!








Ok na sa akin ngayon kung paminsan, minsan e magkaiba kami ng perspektibo ng nanay ko.  After all, magkaiba naman kami talaga ng grado. Ano sa tingin niyo?


"SALAMIN, SALAMIN, SABIHIN SA AKIN, ANO ANG  DAPAT AT TAMANG PAGTINGIN?"

















Biyernes, Marso 2, 2012

EARSBLEED AKO!





Photo is loading. Please wait...

Laman siya ng balita ngayon. Siya si Atty. Vitaliano Aguirre II.  Member ng prosecution team ng Corona Impeachment Trial. Matagal-tagal na rin ang paglilitis kay Chief Justice pero kamakalawa, si Aguirre ang nagisa.

Sukat ba namang magtakip ng kanyang dalawang tenga habang naglilitanya ang hypertensive na Senadora Mirriam.Santiago.

"Earsbleed" na itong abogado ng prosecutors sa nakatitilig na boses ni Santiago.

Ilang Senador ang nagsabi na "kabastusan" ang kanyang ginawa. "guilty" ang kanilang hatol kay Aguirre.   May ilan din naman na "innocent" ang apela.

Sa pula man tayo o sa puti, alam ko na minsan gusto rin natin magtakip ng tenga.  MAG ALA AGUIRRE.

Ako man ay nag a-ala-Aguirre kung minsan.  Hindi man literal na nagtatakip ako ng tenga sa mga bagay na ayaw kong marinig, nagsasara naman ang puso at isipan ko kapag hindi ko na gusto ang sinasabi ng kausap ko.

Kahit na nga isa sa mga katangian ko ang matiyagang makinig at ang kagustuhang makinig, may mga bagay na "Earsbleed" din ako. Ang tanong, sinu-sino ba ang mga Miriam ng buhay ko?  Sa pakikisalamuha ko sa mga tao, ilan dito ang maituturing na:

1.  Mga HURADO.  Sila yung mga taon na kung magsalita ay laging may "finality."  "Talaga namang ganon yan e.  Hindi na magbabago yan." Ito ang bukambibig ng mga feeling hurado. Pero sa totoo lang, "waley" naman ang kanilang sample dahil sa entablado ng SHOWTIME,   sila ang dapat iboto na  "Burado."

2.  Mga SANTO-SANTITO.  Sila yung mga tao na mainit ang mga mata sa mga  naninigarilyo. nagsusugal. nambababae, naglalasing  at iba pang bisyo.  Ito ang mga taong iniisip  nila na pupunta sa impiyerno.  Ang hindi nila alam, hindi lang sa panlabas ang bisyo dahil may mga tao rin na ang hilig ay paninira sa ibang tao, pag-iiisip ng hindi maganda sa kanilang kapwa, pagtatanim ng sama ng loob at pagkainggit.  Kung tutuusin, mas masama ang epekto ng mga tagong bisyong ito. Ang sarap sabihin sa mga taong ito na,  "IKAW NA! DA BEST KA!"

3. Mga ADELENTADO.  Sila yung mga tao na sagot ng sagot  kahit hindi sila ang tinatanong.  Payo nang payo kahit wala namang humihingi sa kanila nito.  Bakit kaya, di na lang sila sumama sa FACE TO FACE at maging official na "Sawsawero?"

4.  Mga BANGKERO.  Sila yung mga taon na laging bangka sa usapan.  Malulunod ka sa dami ng kuwento.  At madalas siya ang hero.  Puwede silang isama  sa dabarkads ng EAT BULAGA  at makipagpaligsahan kila Tito, Vic and Joey at magyabang na "Wala kayong lahat sa lolo ko!"

Ilan lamang sila sa maraming nagpapadugo ng tenga ko.

Dito ko muna tatapusin ang blog na ito bago ito magmukhang litanya.

Baka sa akin naman kayo magtakip  ng tenga.


Saka na lang uli kung may part two pa ito.

Siya nga pala, baka may idaragdag kayo sa listahan ko? I-share niyo naman sa akin at pakikinggan ko kayo.  Promise. Ma-highblood man si Miriam :-).





Huwebes, Marso 1, 2012

A FRIEND'S DEATH, A BLOG'S REBIRTH ('DI BIRO)

“Patay n po c Erick. kahapon inatake cya s puso, d2 nakaburol s apt. S  ligtong.” Ito ang sabi sa text message na natanggap ko kaninang umaga. 

“Sino ito?” ang tanong ko.  Number lang kasi ang nag appear sa message niya.  Obviously, wala siya sa contact list ko.  Bagamat may Erick akong kilala na nakatira sa apartment sa Ligtong, Rosario, Cavite, gusto ko pa ring makasiguro na hindi nagbibiro ang nagtext sa akin.  May mga tao kasi na ginagawang biro kahit ang mga bagay na hindi biro.

“Cielo po wife Erick,” ang reply niya sa tanong ko.

Hindi nga biro ang balita.  Hindi ako binibiro ng sender ng text. Si Cielo nga ang asawa ni Erick.

“So sad! I don’t know what to say. Kelan ang libing? L  ang tanging naisagot ko.

“Wednesday ng hapon,” ang huling text message from Cielo.

Ewan ko pero hindi biro ang pagkamatay ni Erick para sa akin.  Ilang sandali ring natabunan ng pagkabigla ko ang sinasabi ng speaker sa seminar na ina-attend-an ko.

Sino ba ang hindi malulungkot? Biruin mo, 37 years old lang si Erick.  Wala pa silang anak ni Cielo.  Malaki pa ang potential niya bilang isang public school teacher.  Anybody would think that his untimely death is destiny's BIG JOKE!

Bumalik sa alaala ko ang pinagsamahan namin ni Erick.   Magkasabayan kaming pumasok sa pagpapastor.  Nakalimutan ko na kung saan sa Cavite siya na-assigned habang ako ay ipinadala sa Tanza.

Sa kanila ako tumuloy tuwing weekend na nagpupunta ako sa mission work ko. Sa Rosario, Cavite kasi nakatira sila Erick.

My stay with them was a pleasant experience dahil si Mama Aida, his mother, and him treated me as part of their family.  By the way, isang anak lang si Erick.

I still remember kung paano pinahubad sa akin ni Mama Aida ang gusot kong polo para plantsahin niya bago ako pumunta sa Tanza.  Well, Mama Aida was indeed a loving mom to Erick and somehow to me.  He took care of Erick up to the tiniest detail.  Saksi ako kung paano maayos na plantsahin ni Mama Aida ang mga tshirts ni Erick na pare-pareho ang design, magkakaiba lang ng kulay.  Mama Aida took the job of a mother SERIOUSLY. 

Bumalik din sa alaala ko na hindi sila nagbibiro nang sabihin nilang pupunta sila sa graduation ko sa PUP.  Biruin mo, mula Cavite papuntang Tondo ay nilakbay nila marating lang ang sa amin.  Sino ba naman ang makakalimot sa ganoong pagpapadama ng pagmamahal?  Daig ko pa noon ang mga touch screen gadgets sa sobrang touched  sa display of affection nila Mama Aida at Erick.  Kahit wala akong award, yung kanilang presensiya ay sapat na award na para sa akin.  Kahit walang  naihanda ang nanay ko sa  graduation ko, ang treat Mama Aida at Erick sa McDo ang pinakamasarap na nakain ko.

Ngayon ko na lang uli naalala ang mga bagay na ito.  Naghahanap lang siguro ng dahilan ang nararamdaman ko.  Hindi kasi biro ang magkaroon ka ng ganitong mga kaibigan at pangalawang pamilya.

Pagkatapos ng mission ko sa Tanza noong 1992, medyo dumalang na ang aming pagkikita.  Sa Manila na ako nagpatuloy magpastor habang si Erick naman ay nag-iba na ng denomination at tumigil na rin sa pagpapastor.

Pero sa mahahalagang okasyon ng buhay ko, seryoso pa rin sila sa pagdalo.  Ninang ko si Mama Aida sa unang kasal ko.  Abay naman si Erick.  Nang binyagan ang anak kong si Amen Learn, isa si Erick sa mga naging kumpare ko.

Mas dumalang pa ang aming pagkikita pagkatapos noon.  Iba na ang kanilang tinutuluyan nang sumunod ko silang nadalaw. Sa ospital naman sa Cavite City nang huli kong madalaw at makitang buhay ang Mama Aida.

Labas masok na si Mama Aida sa ospital.  Hindi na biro ang kanyang kalagayan.  At ang hindi ko mapaniwalaan ay ang paglobo ng katawan ni Erick.  Kasabay ng kanyang pagdagdag ng timbang ay ang seryosong kalagayan.  Paminsan-minsan rin siyang naoospital dahil sa sakit niya sa puso.

Ilang araw lang matapos kong dalawin si Mama Aida sa ospital, nagtext si Erick.  Seryoso.  Sabi niya,”kuya pa rin kita kahit mas mukha na akong matanda sa iyo ha?”  At kahit walang halong biro ang text niya.  Napatawa pa rin ako.  Touched (screen) na naman kasi ako.  Sino ba namang hindi? Biruin mo, may adoptive brother ako!

Oktubre lang noong isang taon  nang dumalaw ako sa lamay ni Mama Aida.  Ilang buwan lang ang nakaraan, si Erick naman ang pinaglalamayan.  Biro ba ng tadhana ito?  Kung biro ito, HINDI ITO MAGANDANG BIRO!

Nagdadalamhati ako sa buong maghapon na ito.  Hindi ko alam kung ano pang pakikiramay ang gagawin ko.  Ang naisip ko lang ay ito:




Ang tanggalin ang picture sa profile ko sa facebook.  Wala kasi akong picture na malungkot.  Parang  lahat nagbibiro.  At ang pangalawang ginawa ko ay ipagsigawan sa buong mundo ang pagdadalamhati ko.

Sa kabila ng kalungkutan ko, napasaya rin ako ng itinuturing kong kapatid.  Walang halong biro.  Biruin mo, dahil sa kanya, nasundan ang entry ko sa halos makalimutan  ko nang blog na ito. 

Namatay na si Erick.  Pero nabuhay naman uli ang blog ko.  At pwera biro, tuloy-tuloy na to.

PAALAM SA IYO KAPATID KO! PARA SA IYO ANG BLOG KO SA ARAW NA ITO.