Sakay ako ng barko pauwi ng Batangas mula Calapan, Mindoro nang may mapansin ako na nagpalungkot sa akin.
May mga bahagi ng dagat na kakikitaan ng iba't ibang klase ng basura.
Minabuti ko pa naman na maglagi sa gilid ng barko at pagmasdan ang mga isla sa aking kaliwa at kanan.
Pero kung yuyuko ka ay malulungkot dahil sa nagkalat na basura.
Ang nakakalungkot pa, patuloy na nadaragdan ang basurang itinatapon sa dagat.
Katulad na lamag ng mga upos ng sigarilyo.
May limang mga nagyoyosi ang napansin ko sa aking itaas at sa aking ibaba, sa aking kanan at kaliwa ang nagtapon ng kanilang upos sa dagat.
Ang nakakainis pa, ilan sa kanila ay katabi lamang ang basurahan para pagtapunan ng kanilang upos pero pinili pa rin nila na itapon sa dagat.
Kahit pastor ako, hindi ako basta-basta naninita ng naninigarilyo. Ayaw ko kasing malimitahan lamang ang paningin natin sa kasalanan sa mga taong may bisyo.
Pero ewan ko ba, that time, iisa ang mga naobserbahan ko sa mga taong nakita kong naninigarilyo.
Na hindi lang sila insensitive sa mapanganib na usok na dala ng paninigarilyo sa kanilang katawan at sa kalusuga ng mga taong nakakalanghap ng usok mula sa kanila. Wala rin silang pakundangang gawing basura ang karagatan.
Hindi magandang bisyo ang paninigarilyo. Lalong hindi magandang bisyo ang pagtapon ng basura sa karagatan.
Gusto ko sana silang bawalan pero iniisip ko na may makaaway ako at ako ang isunod na itapon sa dagat.
Bakit kaya may mga tao na ang tingin sa sanlibutan ay isang malawak na basurahan?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento