Isang hapon, sa kakaisip ng isusulat para sa children's camp on Tuesday, bumaba ako para bumili ng merienda. At ito ang nabili ko:
Bago kayo umawit ng jingle ng KFC, uunahan ko na kayo na yung sando bag lang ang KFC diyan. Hahahahahaha!
Natuwa lang yung pinagbilhan ko ng totoo kong merienda kaya inilabas niya ang tinatago niyang KFC plastic bag at siyang binigay sa akin. Marami kasi akong binili sa paninda niya. Eight pieces.
Yap, marami na yon para sa uri ng kanyang paninda.
Ano nga ba ang tinutukoy ko?
Natuwa lang yung pinagbilhan ko ng totoo kong merienda kaya inilabas niya ang tinatago niyang KFC plastic bag at siyang binigay sa akin. Marami kasi akong binili sa paninda niya. Eight pieces.
Yap, marami na yon para sa uri ng kanyang paninda.
Ano nga ba ang tinutukoy ko?
Nilupak |
Isa ito sa paborito kong merienda noong bata ako. Kaya tuwing makakakain ako nito, paminsan-minsan na lang ngayon, ay bumabalik ang diwa ko noong nasa Tondo pa kami kung saan tuwing hapon ay may ale na may sunong na bilao at sumisigaw ng
NILUPAKKKKKKKKKKKKKKKKKK!
NILUPAKKKKKKKKKKKKKKKKKK!
Tuwing kumakain ako nito, bumabalik ako sa aking pagkabata kung saan ang laro namin ay "hide and seek, ligtasan, patintero at luksong tinik." Panahong kung saan nakikinood pa kami sa black and white tv ng kapitbahay.
Pag panik ko sa bahay, excited sila nang makita ang balot ng KFC! Humingi na agad ang aking panganay pero sabi ko sandali lang. Ang akin namang asawa ay nagsabi na, hindi ko binili yun kundi may nagbigay lang. She is right to think that somebody might gave the snack to me because seldom would I spend for a KFC snack. KFC for eight people is a bit of luxury. Wala pa nga kaming dinner e. Hahahahahaha!
Siguro yung iba sa inyo, hindi rin pamilyar sa "nilupak" for some reasons. Well, it is made of boiled and mashed cassava or saba, sweetened and buttered.
Nag-evolved naman na siya kahit nga archaic siya kung ituturing sa ngayon. It comes now with circular shape, stuffed with sweetened coconut. Yummy! Dati kasi sa dahon lang siya inilalagay na parang inapakan. Kaya nga siguro tinawag na nilupak, sounds like "apak." Hahahahahahaha!
I guess, I was able to bring happiness to the lady sidewalk vendor because in that instance, she felt that there is still a reason for her business. That, nilupak is still attractive to a buyer like me.
She gave me my change and a sweet smile on her face.
So what happened to my kids whose excitement suddenly died down when they realized that it was a "fake" KFC meal?
Good only for two bites |
Busog pa raw sila. Hahahahahahaha!
My eldest said that he does not want to hurt me so he finished his share.
My eldest said that he does not want to hurt me so he finished his share.
My wife is eating it slowly or compulsary? lol!
I ate mine like a pro!
They still prefer the finger licking good fried chicken.
Pero ako, lagi pa rin akong hihinto at bibili kapag may nadaanan akong nilupak.
Lagi ko pa ring babalikan ang mukha ng aking kabataan.
BECAUSE EATING "NILUPAK" IS LIKE HAVING MY LITTLE PIECE OF HAPPINESS!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento