Natatandaan niyo pa ba ang aklat pagbasa na "Halika, Halika?"
Yung may mga hindi malilimutang linya na, "Aba suso, suso pala?"
Malaking challenge para sa lahat ng mga bata sa unang baitang ang aklat na ito.
Heaven ang feeling ko once na matapos ko ang "Halika, Halika."
It is indeed a passage to life.
Ewan ko kung available pa ang aklat na ito.
Ang alam ko, this afternoon, ginawang reading corner ng anak kong si Aiehn ang office ko.
Add caption |
At eto ang binabasa niya:
May struggle siya sa titik ng.
Aiehn: A-ko si Pe-pi-nag.
Me: Peping
Aiehn: Ba-ta-nag la-la-ki a-ko.
Me: Batang lalaki ako.
At ganon din sa huling linya.
Eto ang sunod niyang binasa:
Aiehn: A-ko si Si-mon
Me: Galing!
Aiehn: Ba-ta-ng la-la-ki ako.
Me: Yan!
Nakuha niya ring basahin ang panghuling linya. At tatawa siya sabay yakap sa libro niya.
Aiehn: Papa, paulit-ulit lang ang binabasa.
Smile lang ako.
Nagpatuloy pa siya sa pagbabasa at may mga sablay paminsan pero improving naman.
Pagkatapos ay binitiwan niya ang libro.
Aiehn (sabi sa sarili): Pagod na ako (buntong hininga). Wala na akong energy na magbasa.
Energy raw o? Natawa ako sa sinabi niya.
Siyempre, para sa ating mga adults, what he did is easy. But for a child like him, it is indeed an energy draining.
Kaya tumayo na siya. Pero may napansin ako sa puwitan niya.
Talaga pa lang nahirapan siya sa pagbabasa. Na-drained talaga ang energy ng anak ko. Hahahahahahaha!
Me: Halika sa taas at huhugasan kita at paliliguan.
That is what we call, "Reading Pains." Katulad din lang ng "Growing Pains" "Labor Pains" at iba pang pains. Ang mga bagay talaga ay pinaghihirapan bago mapagtagumpayan.
Gusto ko sana siyang kunan ng litrato pero hindi ko na itinuloy.
Wagi na nga siya sa pagbasa, ibibilad ko pa ba ang aking nakita. Hahahahahaha!
Gusto kong alalahanin ang aking nakita at basahin parang sa Halika, Halika, "Aba p __ p ___, ___ u ___ o pala. Hahahahahahahaha!
Congratulations Aiehn Deosjua! I am so happy for you baby!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento