Habang nakahiga kami sa kama, biglang nagsalita ang anak kong si Aiehn.
Aiehn: Si Mommy kapag kumakanta, umuulan.
Me: Hahahahahahahahahahaha!
Aiehn: Si Papa kapag kumakanta, umuulan.
Donna: Hahahahahahahahahahahaha!
Gusto ko lang ipaalam sa inyo na kung nag-uuulan man ngayon ay hindi ako kumakanta o si Donna.
Umuulan these days dahil nagdu-duet kami.Hahahahahahahaha!
Hay naku! kapag humirit talaga ang bata, mababasa ka. Hahahaha!
Bakit kasi nakaugalian nang isipin na bad ang weather kapag umuulan?
Pero ang nami-missed ko talaga ay ang maligo sa ulan.
Para bang para na lang sa batang katulad ni Aiehn ang maligo sa ulan.
Ang sarap kaya ng malamig na ulan sa katawan.
Kaya one of these days, maliligo talaga ako sa ulan.
At sasabayan ko na rin ng kantahan. Hahahahahahahaha!
"Anyone who says sunshine bring happiness has never danced in the rain."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento