Sabado, Mayo 5, 2012

NEW ERA(THE TIE THAT BINDS)

"I am looking forward to reading your blog, " ang bahagi ng reply  ni Rafael sa text ko nang maghiwalay kami matapos ang aming pagkikita.

Ito naman ang reply sa akin ni E(initial lang) nang sabihin ko sa kanya na yung iniisip kong title ng post ko about our meeting ay naconfirmed ng text niya, "Wag na plss.  Wag mo na ipost.  Sau na lang."

I am torn between two (former?) friends' wishes.  Hehehehehe! 

Pero dahil blog ko ito kaya isusulat ko kung ano ang gusto ko.  Hahahaha!  Hindi ko na lang i-publish sa facebook para naman mapagbigyan si E.  

Very private itong kaibigan ko.  Professor kasi ng kilalang university.  

Ganito ang nangyari kung bakit kami nagkita-kitang muli.

Through facebook, I looked for them and found them.

Si E ang una kong na-meet nang personal after naming magkatuntunan sa FB.  Naging ninong pa nga siya ng bunso ko.

Si Rafael naman ay matagal nang nagtratrabaho sa British Insurance Company sa  Saudi.  At dahil magkaiba ang aming timezone, minsan lang kami nagkausap.

Ang huli kong nabasa sa FB niya ay nasa Pinas siya.

Ibinalita ko iyon kay E at sa aming pag-uusap ay nagpasya siyang magmeet kaming tatlo ni Rafael.  Ilang mga messages pa at nai-set na ang date ng meeting.

I realized na hindi pala sila friends sa FB.  At wala palang friends sa FB si Rafael sa kanyang highschool classmates maliban sa akin na dalawang taon niya lang namang nakasama.  Kung bakit ay siyang abangan niyo sa aking kuwento.  Hahahahahaha!

Actually, first two years ko lang silang nakabarkada dahil nagtransfer na ako sa ibang school nang ako ay mag third year.

Sa loob ng dalawang taong iyon, nagpaligsahan kami kung sino ang pinakamagaling, pinakamatalino at pinakamalakas mang-inis sa isa't isa. Hulaan niyo kung sino ang pikon.  Hahahahaha!

Palagi kaming sumasali sa kung anu-anong contests sa school: declamation, oratorical, drama etc.  Magkakasama rin kami sa journalism class.

Magkasama rin kaming maglakwatsa papuntang Rizal Avenue nang walang pera at lakad lang mula Tondo.  

Pati pag-attend ng mga spiritual retreat, pinagsamahan din namin.

Bumuo kami ng grupo dahil uso naman ang grupo-grupo sa high school.  Ours was called "NEW ERA." Mga initials ng name namin ang word na ERA.  That is the proof of our closeness.

Honestly, ako ang poor third ng grupo pag dating sa academic.

Hindi ko alam kung magkasabay kami dumating ni Rafael sa mall na aming meeting place.  Pumunta ako sa McDo para doon kami magkita-kita pero nang dumating si Rafael ay niyaya niya ako na umakyat sa taas.  Talaga naman ang choice ko ng venue ay nagpapakilala kung ano meron ako.  Hahahahahaha!

Actually, dahil hindi pa araw ng suweldo, P75 lang ang pera sa bulsa ko.  Lakasan lang ng pananampalataya ang pakikipagkita sa kanila. Hahahahahahaha!

Parang hindi tumanda si Rafael.  Yes, he gained a little weight but the total look barely changed.  Ang kaibahan niya lang ngayon ay   amoy mayaman talaga siya.  Gusto ko na nga tanungin kung ano ang pabango niya.  Hahahahaha!

On my part, wala namang effort to make myself appear successful  dahil sa world's  standard my effort would have  been an epic fail. hahahahahaha!

Excited at masaya lang ako na magkita-kita  kami uli.

We ate in Shabu-Shabu.  The conversation went to recollection of the good old days.









The food was special but the conversation was superficial.  We went up to a level higher, both the place and the talk.



At the Coffee Bean, I broke the ice and asked that E released his resentment to Rafael.  You see E was running for the top honors during our high school days.  He was on the top during the first two years but when I left, somebody overtook him until he had to settle for the second best.  What was worst, he felt that everybody, including Rafael, was against him and  was in favor of  their class valedictorian.

"Feeling ko mag-isa lang ako that time.  Maski ang marami sa mga teachers natin ay harapan na sinabi na mas gusto nila si Roman kaysa sa akin," ang pagbabalik alaala ni E.

"Ako nga ang nawalan ng kaibigan nang umalis si Arnel," ang drama naman ni Rafael.

Lumabas sa usapan na ako ang nagdudugtong sa kanilang dalawa at sa aming grupo.  Actually, apat pa silang naiwan sa grupo pero hindi pa rin sapat para patuloy na mabuo. Worse, nabuwag pa.

Hindi na maalala ni Rafael ang isa pa naming kasama sa grupo.  At yuon ang hindi namin maintindihan sa kanya.  Perhaps because of  one incident na ginawa sa kanya ng dalawa naming kaklase.  Hinamak daw siya. And perhaps, it is the thing that blocks his memory about his high school life. It is the reason why for him, college life was better.

Sa bandang huli, Rafael asked for forgiveness for his insensitivity to E's feelings.

Sa totoo lang, hearing somebody asked for forgiveness is one of the things that melts my heart.

By that time, unti-unti nang nabubuo uli ang friendship namin.

Na-extend pa nga ang aming usapan.

Next question.  I asked both of them if they are happy?

Rafael aswered, "I am happy professionally! But personally, I am not. I am still looking for someone to settle down with."

E said that he will be happy as soon as he found his match and his catch (a life partner and richer life).

Both of them are still single at 42.  Hehehehehehe!

I told them I am happy with who I am right now and with what I have.  I am happy having a family.

Kaya, sa isip ko, eto  ang score:

Rafael: Matalino  (PLM graduate)
E: Mas matalino (UP graduate)
Arnel: Pinakamasaya (PUP graduate)

E: Mayaman ( Professor)
Rafael: Mas mayaman (British Insurance Company)
Arnel: Pinakamasaya (Pastor)

E: Well travelled
Rafael: Well travelled (tie sila)
Arnel: Pinakamasaya

After the 1 1/2 hour extension ng aming date, we decided to call it a day.

And it was a happy day for the three of us

Si Rafael, mabango pa siya sa kanyang pabango dahil sa kanyang honesty and openess.

Si E, tumaas ang kanyang pagkatao kahit maliit siya physically dahil sa kanyang pagpapatawad.

Si Arnel, nagniningning ang kanyang imaginary sash, "Mr. Congeniality once again." hahahahahaha!

Next year, when Rafael goes back home, we will be at his place in Imus.

Perhaps a year after that, sa condo naman ni E.

What about my place?  I have no permanent place.  hehehehehe!

Bago kami maghiwa-hiwalay, ang bilin ni Rafael kay E, "add mo na ako sa FB."  Di ba ang saya? Before kasi, naka-super private siya sa FB.  Kung bakit ko siya na-traced, hindi ko rin alam.  

I am praying that this is the start of the new "New ERA."

Bahala na kayo kung sino sa tingin ninyo ang wagi sa aming tatlo.  Eto na naman ako sa aming paligsahan.  hehehehehe. Joke lang.

Ang masasabi ko lang ay tatlong beses kong narinig sa kanilang mga bibig at maging sa text ni Professor E na:

"Tnx u Arnel.  You are really the tie that binds."

With that remark, should there be any doubt to think that I am the happiest friend that night?



















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento