Martes, Agosto 13, 2013

PREACHER NA SI MOTHER

It was Sunday afternoon when my mother called up:

Nanay: Hindi na ako makakapunta diyan.  Malakas ang ulan baha na dito sa amin.  
Me: Opo.

Nanay: Nag-text ako sa iyo, nataggap mo ba?
Me: Nasa mga bata ang phone ko kaya hindi ko pa po nabasa.

Nanay:  Ako ang nagsermon kanina sa church?
Me: Talaga po?(Surprised ako).

Nanay: Sinabihan kasi ako ni Pastor noong Biyernes.  Magsasalita kasi siya sa Malacanang kaya wala siya kanina.  Sabi ko nga sa kanya na bakit noong Biyernes lang ako sinabihan at baka hindi ko kaya.
Me:  Kaya Biyernes na kayo sinabihan e kasi nga Viernes ang apelyido niya.

Nanay and Me shared a laughter.

Me: Eh, kumusta naman ang preaching niyo?
Mother: Ok naman.  Sabi nga ni Mrs. Silac(member ng church), kay Pastor daw e hindi siya napapaiyak kapag nagsesermon pero sa akin, naiyak siya.

Me: Dulot na nga talaga ang pagsasabi sa inyo ni Pastor.  Pero dahil naitawid niyo naman na at leader niyo naman siya na nagsasabi sa inyo, ok na yun.
Mother:  Nilapitan niya yung isang member bago ako kaya lang tumanggi.  Kailangan daw two weeks ang preparation niya.

Me: Tungkol ba saan ang preaching niyo?
Mother: Tungkol sa pananampalataya.

I wonder what made my mother's preaching moving to that member.  Hindi kaya buhay ko ang basis ng sermon ng nanay ko? Hahahahahaha!

Dahil malapit na magsimula ang evening worship namin, nagpaalam na ako sa nanay ko.  I felt proud of her.  For the first time nagawa niyang magsermon.  And I think she did it well.  Marami kasi siyang pagkukunan at paghuhugutan kung karanasan din naman ang pag-uusapan.  Bread winner siya ng kanyang pamilya mula pa noong bata.  Naging OFW sa Middle East.  Cancer Survivor etc.

Pangalawa, mana rin ako sa nanay ko, hindi rin makatanggi sa pakiusap ng tao, lalo na ng pastor o ng isang leader.

Pangatlo, mana ang nanay ko sa akin.  Dahil preacher na rin siya katulad ko.

Ayon sa nanay ko, matapos siyang magsermon ay binati siya ng isang miyembro, "Sa inyo pala nagmana si Pastor Arnel ng pagsesermon."  Agad namang sagot ng nanay ko, "Hindi! Ako ang nagmana sa anak ko." 

Sayang!  I missed the opportunity to hear her.  But next time I will.

Linggo, Agosto 11, 2013

HER FAVORITE



Siyempre natuwa naman ang lolo niya sa message na ito.  Tahimik kasing bata itong si AJ.  Hindi ko alam na pinakikinggan niya pala ako.  Hahahahaha!

Siguro, iniisip niyo kung ano ang isinagot ko no?  Eto ang sagot ko thru FB:


  • Conversation started June 27, 2011
  • Wednesday
  • Arnel Dela Rosa Vasquez

    i think my strength as a speaker are:
    1. sincerity. i see to it that my message comes from my heart. 2. creativity. i try to present my message in a way different from the usual 3. audience focused. i try to acknowledge the needs of the audience and respect their time and effort to listen 4. practical. i make it appoint that people can relate to what I am saying. 5. factual. Since I am a preacher more than a speaker. I see to it that my message is biblically sound
  • Arnel Dela Rosa Vasquez

    my weaknesses as a speaker are:
    1. weak finish/conclusion. it is the part of my message that I care the least. 2. lack illustration 3. has the tendency to overly use myself as my illustration 4.
    hindi ko makumpleto ang weaknesses. Hahahaha! ikaw na bahalang magdagdag. Hindi ko pa kasi maisip sa ngayon. I hope maging maganda ang assignment mo.
  • Audrey Tadeo

    Hahaha onaman po. Ikaw speaker e :))) hahah cge po. Thank you po ulit Pastor!

SHORTS STORY

Saturday nang umaga, late na ako nagising.  May kailangan akong puntahang training.  Wala akong maisuot na pantalon.  Ano ang gagawin ko?  Hindi naman puwedeng hindi ako umattend.  I decided to go kahit walang maisuot na pantalon.  Puwede na siguro ito:



Add caption

Pagdating ko sa venue, nag-ipon pa sa labas  ang mga unang dumating.  Siyempre, habang ang ilang pastor ay nakabarong with matching cross necklace, ako naman ay parang bumibili lang ng suka sa tindahan.  Hahahahaha!  Sorry, hindi ko intensiyong mang-agaw ng eksena.  Sisihin natin ang aking lola na hindi nagpakita sa bahay para maglaba.

Nagtanong pa nga yung isa kung baha sa aking pinaggalingan.  Hahahahaha!

Habang naghihintay na magsimula ang training, yung mga higit na bata kaysa sa akin na mga pastor pero nakadamit ng matanda e nakakuwentuhan ko.  Random talks kumbaga.  In between the talks ay humihimig ako ng kantang "Separate Lives" ni Phil Collins.  Kaya halata ng katabi ko na mahilig talaga ako sa videoke.  Actually may hang-over pa ako ng pagvideoke nang Friday night.  Bitin kasi. Hahahaha!  Itinanong niya kung ano title ng kanta.  Sana raw makapag videoke rin siya.  Ang sabi ko naman surrounded ang venue namin ng mga videoke kaya hindi mahirap kung gugustuhin niya. Hahahaha!  Maya-maya binanggit niya ang kantang "Gentlemen" ng Korean na si Psy.  Alam ko raw ba?  Ang sabi ko sa kanya, "gusto mo sayawin ko pa."  And I almost danced it.   Hahahahaha!

Minsan nakakatuwa at nakakaawa ang kawalang kaalaman ng mga pastor sa nangyayari sa kanilang paligid.  Nakakaawa na yata na ang mga batang pastor ay hindi gaanong alam ang uso.  

Ewan ko kung bakit ang kulit ko that morning.  Dahil ba bitin ako sa videoke kagabi o dahil ang damit ko ang bitin?  Hahahahaha!

The training was supposed to start at 8 am pero dahil naghintayan pa, late na kaming nagsimula kaya nag-extend kami nang mahigit sa isang oras.  Panay tuloy ang tingin ko sa wall clock sa harapan at  himas sa aking legs.  Kailangang flawless ang legs kahit umiikli na ang pasensya ko.  Hahahahahaha!

Pero maya-maya hindi ko na talaga kinaya ang mga nagaganap, ok na nga sana ang napahabang lecture kaya lang ang masama, sa ibang dako na napunta ang usapan.

Kaya hindi ko na napigil ang sarili ko,  sinabi ko nang malakas sa speaker at sa kapwa ko dumalo, TAPUSIN NA NATIN  ANG TRAINING AT MAGLALABA PA AKO.  Hahahahahaha!














Huwebes, Hulyo 25, 2013

YOUR WISH IS MY COMMAND

Habang inaalam ko kung ano talaga ang aking pangarap o patuloy itong tinutupad, tutulong muna ako sa pagtupad ng pangarap ng iba.  The conversation below tells how much happy I am to help somebody fulfills his or her dream.





Back in college, when we stage a play, I encouraged one of our classmates to do the daring role of a GRO in Japan.  It was so challenging for me as the director and for her as an actress because, beauty wise, she will not pass on the role. She was small, dark skinned with kinky hair.  An appearance that not many would consider beautiful.  Good thing, she is blessed with a believing heart.  She essayed the role and played it convincingly.  She was a revelation.  The play was a critical success.  But to me the real success was enabling a person to achieve something that he or she dare not.

Six years ago, I met a church member who I thought is a professional. I never thought that this person was not even an elementary graduate.  He was raised into a dysfunctional family that affected his schooling.  His determination brought him to a job that is for, at least, a high school graduate.  The moment I learned his lack of education, I encouraged him to take the Alternative Learning System.  I accompanied him to a nearby high school and the rest is history.  He was able to pass elementary and high school tests. He was so happy proud of his achievement that he is no longer ashamed to visit his hometown in Cotobato with pride.

To paraphrase one of my favorite authors, Zig Ziglar remark, "one can achieve one's dream by helping another person's dream achieve his."

Like I said, I am still seeking what my real dream is or perhaps, my dream after all, is helping a person fulfill his or her dream.  IF SO, I MUST SAY THAT I HAVE ACHIEVED MY DREAM. 


Martes, Hulyo 23, 2013

A LOVE STORY INSIDE THE JEEPNEY

Isang gabi, sakay ng isang jeepney habang papauwi, nagkakilala kami.  Ang lakas-lakas ng dating niya kaya sa ilang sandali ng aming pagkakakilala ay nahulog na ang loob ko sa kanya.

Sayang! Pababa na ako. Hindi ko na siya makakasama.  Ayaw ko mang bumaba pero kailangan. Mabigat ang loob ko na bumaba at humakbang papalayo.  Pero nang lingunin ko siya, nagulat ako, kasunod ko pala siyang bumaba.  Tumigil ako.  Hinawakan niya ang mga kamay ko.  Ayaw niya  akong bitawan. Ang higpit ng kapit niya sa akin.  

Isinama ko na siya sa amin.  Pag dating namin sa bahay, muli at muli ko siyang pinakinggan.  At habang siya ay aking pinakikinggan  lalo ko siyang nauunawaan, lalo ko siyang pinaniniwalaan.

Walang kapantay ang kanyang mga pangako.  Naipapantay ko siya sa mga pangako ng Diyos sa akin. Sa pag-ibig ng Diyos sa akin.

Mula noon, sa panahong wala akong magawa kundi umiyak.  Sa panahong wala akong makapitan at ramdam ko na hindi ako maunawaan, nandoon siya lagi sa aking tabi at ako ay pinatatahan.

At sa tuwing nandiyan siya, nabibigyan niya ako ng kaaliwan kahit na nga ba  siya ay

















 ISANG KANTA LANG.




Lunes, Hulyo 22, 2013

ANG PEG KO

Marami nang nag-alok sa akin ng kung anu-anong produkto ng mga agent sa mall dahil akala nila ay may credit card ako at lumalapit sa akin para makiusap na kung puwede raw ang maki-ride sila sa aking credit card.  Wala namang masama sa kanilang mga alok at paghingi ng tulong.  Ang totoo, HINDI AKO MAAPPROVE-APPROVED SA APPLICATION KO NG CREDIT CARD!:-0

Marami rin ang gustong makisakay at makisabay sa akin pagdating ng uwian.  Wala rin namang masama sa kanilang pakiusap.  Ang totoo, NAKIKISAKAY  RIN LANG AKO!:-0

Marami rin ang nag-aakala na ako ay binata pa.  ANG TOTOO AKO AY NAKADALAWANG ASAWA  at NAKALIMANG ANAK NA AKO!:-0

May mga nag-aakala na mayroon akong matatalinong anak.  Nang pumunta ako minsan sa school ng anak kong panganay, sabihan ba naman ako ng "congratulations" ng sekyu.  Akala niya yata ako ang parent ng Valedictorian.  Ang totoo, MABABAIT ANG MGA ANAK KO.:-0

Marami ang nag-aakala na bukod sa aking napangasawa ay marami akong naging girlfriends.  Ang totoo, MAY PAGKATORPE AKO at TATLO LANG PO ANG NAGING GIRLFRIENDS KO.:-0

Maraming ang nagsasabi na maganda raw ang aking asawa kahit hindi pa nila ito nakikita.  Ang totoo, TOTOO ANG KANILANG AKALA.:-0

Kung susumahin, akala ng marami, ako ay isang mayaman na may magandang asawa at matatalinong anak.  Pero marami doon ay PEG lang (mukha lang) sa ngayon.

Pero hindi ko ikinalulungkot na PEG lang ang marami dito.  At least sa mata ng maraming tao, I deserved to be rich with beautiful family and have all the best things in life.  

Kung dumating ang panahon na ang PEG ay maging FACT, at least bagay na bagay na sa akin.

Mahirap naman na, taglay mo nga ang lahat ng bagay, pero mukha ka pa ring mahirap.  Hahahahahaha!


Miyerkules, Hulyo 17, 2013

THE LONG LOST SONG



One afternoon, ten years ago, I heard a song over the radio.  It was not a familiar love song but the first time I heard it, I immediately fell in love with it.  Ika nga, "Love at first sound."  Hehehehe!

But I missed the title of the song.  And since then, I started haunting the song or should I say, the song  haunted me?

I tried guessing the title of the song but I kept on failing.  Nobody could tell  about it from all the people I asked.  I even sang the few lines that I remember just to help the people I am asking if they know the song but to no avail.  I tried to catch in youtube but I failed.  I tried consulting google but it did not help.

The saddest part is, I never heard of the song again.  My hope in finding the so elusive song diminished but my love for the song did not.

My hope came into fulfillment last year.  after ten years, somebody was able to tell me the title of the song.  At last I found the song or should I say, the song found me.  I was so happy to finally find it and so amazed that the title best describes what I did to the song for ten years, FINDING IT.  Mas lalo kong na-appreciate ang song dahil it exactly tells my longing to find it.  Hehehehe

I listened to it again and again.  The melody is so simple but the lyrics is so romantic and poetic, just like love, just like lovers.

I am making a post of this song because it is one of my favorite, if not my favorite song.  Now, please do listen to the song and tell me if it is worth finding:-) I bet you will fall in love again upon hearing this song!