Marami nang nag-alok sa akin ng kung anu-anong produkto ng mga agent sa mall dahil akala nila ay may credit card ako at lumalapit sa akin para makiusap na kung puwede raw ang maki-ride sila sa aking credit card. Wala namang masama sa kanilang mga alok at paghingi ng tulong. Ang totoo, HINDI AKO MAAPPROVE-APPROVED SA APPLICATION KO NG CREDIT CARD!:-0
Marami rin ang gustong makisakay at makisabay sa akin pagdating ng uwian. Wala rin namang masama sa kanilang pakiusap. Ang totoo, NAKIKISAKAY RIN LANG AKO!:-0
Marami rin ang nag-aakala na ako ay binata pa. ANG TOTOO AKO AY NAKADALAWANG ASAWA at NAKALIMANG ANAK NA AKO!:-0
May mga nag-aakala na mayroon akong matatalinong anak. Nang pumunta ako minsan sa school ng anak kong panganay, sabihan ba naman ako ng "congratulations" ng sekyu. Akala niya yata ako ang parent ng Valedictorian. Ang totoo, MABABAIT ANG MGA ANAK KO.:-0
Marami ang nag-aakala na bukod sa aking napangasawa ay marami akong naging girlfriends. Ang totoo, MAY PAGKATORPE AKO at TATLO LANG PO ANG NAGING GIRLFRIENDS KO.:-0
Maraming ang nagsasabi na maganda raw ang aking asawa kahit hindi pa nila ito nakikita. Ang totoo, TOTOO ANG KANILANG AKALA.:-0
Kung susumahin, akala ng marami, ako ay isang mayaman na may magandang asawa at matatalinong anak. Pero marami doon ay PEG lang (mukha lang) sa ngayon.
Pero hindi ko ikinalulungkot na PEG lang ang marami dito. At least sa mata ng maraming tao, I deserved to be rich with beautiful family and have all the best things in life.
Kung dumating ang panahon na ang PEG ay maging FACT, at least bagay na bagay na sa akin.
Mahirap naman na, taglay mo nga ang lahat ng bagay, pero mukha ka pa ring mahirap. Hahahahahaha!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento