Nanay: Hindi na ako makakapunta diyan. Malakas ang ulan baha na dito sa amin.
Me: Opo.
Nanay: Nag-text ako sa iyo, nataggap mo ba?
Me: Nasa mga bata ang phone ko kaya hindi ko pa po nabasa.
Nanay: Ako ang nagsermon kanina sa church?
Me: Talaga po?(Surprised ako).
Nanay: Sinabihan kasi ako ni Pastor noong Biyernes. Magsasalita kasi siya sa Malacanang kaya wala siya kanina. Sabi ko nga sa kanya na bakit noong Biyernes lang ako sinabihan at baka hindi ko kaya.
Me: Kaya Biyernes na kayo sinabihan e kasi nga Viernes ang apelyido niya.
Nanay and Me shared a laughter.
Me: Eh, kumusta naman ang preaching niyo?
Mother: Ok naman. Sabi nga ni Mrs. Silac(member ng church), kay Pastor daw e hindi siya napapaiyak kapag nagsesermon pero sa akin, naiyak siya.
Me: Dulot na nga talaga ang pagsasabi sa inyo ni Pastor. Pero dahil naitawid niyo naman na at leader niyo naman siya na nagsasabi sa inyo, ok na yun.
Mother: Nilapitan niya yung isang member bago ako kaya lang tumanggi. Kailangan daw two weeks ang preparation niya.
Me: Tungkol ba saan ang preaching niyo?
Mother: Tungkol sa pananampalataya.
I wonder what made my mother's preaching moving to that member. Hindi kaya buhay ko ang basis ng sermon ng nanay ko? Hahahahahaha!
Dahil malapit na magsimula ang evening worship namin, nagpaalam na ako sa nanay ko. I felt proud of her. For the first time nagawa niyang magsermon. And I think she did it well. Marami kasi siyang pagkukunan at paghuhugutan kung karanasan din naman ang pag-uusapan. Bread winner siya ng kanyang pamilya mula pa noong bata. Naging OFW sa Middle East. Cancer Survivor etc.
Pangalawa, mana rin ako sa nanay ko, hindi rin makatanggi sa pakiusap ng tao, lalo na ng pastor o ng isang leader.
Pangatlo, mana ang nanay ko sa akin. Dahil preacher na rin siya katulad ko.
Ayon sa nanay ko, matapos siyang magsermon ay binati siya ng isang miyembro, "Sa inyo pala nagmana si Pastor Arnel ng pagsesermon." Agad namang sagot ng nanay ko, "Hindi! Ako ang nagmana sa anak ko."
Ayon sa nanay ko, matapos siyang magsermon ay binati siya ng isang miyembro, "Sa inyo pala nagmana si Pastor Arnel ng pagsesermon." Agad namang sagot ng nanay ko, "Hindi! Ako ang nagmana sa anak ko."
Sayang! I missed the opportunity to hear her. But next time I will.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento