Linggo, Agosto 11, 2013

SHORTS STORY

Saturday nang umaga, late na ako nagising.  May kailangan akong puntahang training.  Wala akong maisuot na pantalon.  Ano ang gagawin ko?  Hindi naman puwedeng hindi ako umattend.  I decided to go kahit walang maisuot na pantalon.  Puwede na siguro ito:



Add caption

Pagdating ko sa venue, nag-ipon pa sa labas  ang mga unang dumating.  Siyempre, habang ang ilang pastor ay nakabarong with matching cross necklace, ako naman ay parang bumibili lang ng suka sa tindahan.  Hahahahaha!  Sorry, hindi ko intensiyong mang-agaw ng eksena.  Sisihin natin ang aking lola na hindi nagpakita sa bahay para maglaba.

Nagtanong pa nga yung isa kung baha sa aking pinaggalingan.  Hahahahaha!

Habang naghihintay na magsimula ang training, yung mga higit na bata kaysa sa akin na mga pastor pero nakadamit ng matanda e nakakuwentuhan ko.  Random talks kumbaga.  In between the talks ay humihimig ako ng kantang "Separate Lives" ni Phil Collins.  Kaya halata ng katabi ko na mahilig talaga ako sa videoke.  Actually may hang-over pa ako ng pagvideoke nang Friday night.  Bitin kasi. Hahahaha!  Itinanong niya kung ano title ng kanta.  Sana raw makapag videoke rin siya.  Ang sabi ko naman surrounded ang venue namin ng mga videoke kaya hindi mahirap kung gugustuhin niya. Hahahaha!  Maya-maya binanggit niya ang kantang "Gentlemen" ng Korean na si Psy.  Alam ko raw ba?  Ang sabi ko sa kanya, "gusto mo sayawin ko pa."  And I almost danced it.   Hahahahaha!

Minsan nakakatuwa at nakakaawa ang kawalang kaalaman ng mga pastor sa nangyayari sa kanilang paligid.  Nakakaawa na yata na ang mga batang pastor ay hindi gaanong alam ang uso.  

Ewan ko kung bakit ang kulit ko that morning.  Dahil ba bitin ako sa videoke kagabi o dahil ang damit ko ang bitin?  Hahahahaha!

The training was supposed to start at 8 am pero dahil naghintayan pa, late na kaming nagsimula kaya nag-extend kami nang mahigit sa isang oras.  Panay tuloy ang tingin ko sa wall clock sa harapan at  himas sa aking legs.  Kailangang flawless ang legs kahit umiikli na ang pasensya ko.  Hahahahahaha!

Pero maya-maya hindi ko na talaga kinaya ang mga nagaganap, ok na nga sana ang napahabang lecture kaya lang ang masama, sa ibang dako na napunta ang usapan.

Kaya hindi ko na napigil ang sarili ko,  sinabi ko nang malakas sa speaker at sa kapwa ko dumalo, TAPUSIN NA NATIN  ANG TRAINING AT MAGLALABA PA AKO.  Hahahahahaha!














Walang komento:

Mag-post ng isang Komento