Martes, Hulyo 23, 2013

A LOVE STORY INSIDE THE JEEPNEY

Isang gabi, sakay ng isang jeepney habang papauwi, nagkakilala kami.  Ang lakas-lakas ng dating niya kaya sa ilang sandali ng aming pagkakakilala ay nahulog na ang loob ko sa kanya.

Sayang! Pababa na ako. Hindi ko na siya makakasama.  Ayaw ko mang bumaba pero kailangan. Mabigat ang loob ko na bumaba at humakbang papalayo.  Pero nang lingunin ko siya, nagulat ako, kasunod ko pala siyang bumaba.  Tumigil ako.  Hinawakan niya ang mga kamay ko.  Ayaw niya  akong bitawan. Ang higpit ng kapit niya sa akin.  

Isinama ko na siya sa amin.  Pag dating namin sa bahay, muli at muli ko siyang pinakinggan.  At habang siya ay aking pinakikinggan  lalo ko siyang nauunawaan, lalo ko siyang pinaniniwalaan.

Walang kapantay ang kanyang mga pangako.  Naipapantay ko siya sa mga pangako ng Diyos sa akin. Sa pag-ibig ng Diyos sa akin.

Mula noon, sa panahong wala akong magawa kundi umiyak.  Sa panahong wala akong makapitan at ramdam ko na hindi ako maunawaan, nandoon siya lagi sa aking tabi at ako ay pinatatahan.

At sa tuwing nandiyan siya, nabibigyan niya ako ng kaaliwan kahit na nga ba  siya ay

















 ISANG KANTA LANG.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento