Mommy: Umaayos ka ng upo. Nakatagilid ka kasi kaya hindi ka makakilos nang maayos.
Ayos naman siyempre ang baby.
Mommy: Nagsisipilyo ka ba?
Baby: Opo.
Mommy: Eh bakit hindi ko nakikitang nagsisipilyo ka?
Si Mommy naman, magkasama ba sila buong araw at gusto niya na sa harap niya nagsisipilyo ang kanyang baby. Hahahaha!
Mommy: Kelan pa? Noong isang araw? Noong isang Linggo? Patingin nga ng ngipin mo?
Ipinakita naman ng binatilyo ang kanyang ngipin. Umiwas naman ako ng tingin. Imbestigador si Mommy, kailangan pa may ebidensiya.
Mommy: Tignan mo nga, ang kapal na ng tartar mo sa ngipin mo! Magsisipilyo ka kasi lagi!
Hindi ko alam kung ang feeling ni Mommy e sila lang dalawa sa loob ng multicab o kaya ay nasa bahay lang silang nag-uusap.
Gusto kong sabihin kay Mommy na ok lang ang titulo niya na "Ina ng Laging Saklolo," Ok lang na maging concern siya sa kanyang anak. Ok lang na i-guide niya ang kanyang anak. Pero minsan, kailangan niya ring maging "Ina Ng Awa." Kailangan rin niyang isipin ang kahihiyan ng kanyang anak.
Matapos niyang pagdiskitahan ang ngipin ng kanyag anak, yung paraan naman ng paghawak sa payong ang napagdiskitahan ni inay. Hahahahaha at HahahahaHAY!
Hindi kaya kasakay ko e kamag-anak ni ANABELLE RAMA? Monster Mom ang peg? Hahahahaha!
Mabuti na lang at maikli lang ang biyahe at nauna na silang bumaba. Kung hindi, gusto ko nang kantahin ito:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento