Sabado, Agosto 31, 2013

THE REAL SCORE

I  was deeply hurt
I didn't see it coming
I even dismissed the signs of betrayal
Because I believe you more than myself.

I was raging in anger
I was shaking in pain
I demanded for an explanation
On why everything has gone wrong.

I was on top of my voice
My spirit hit rock bottom
But all I could hear on the other line
Were words of denial, blame and alibi.

I waited in vain
For you to run and comfort me
To hear you say you're sorry
That you didn't mean to hurt me.

I waited and waited in vain
You kept silent, afraid to speak wrong
Not knowing that it is your silence
That made it all the more wrong.

I asked for forgiveness
Should I be the one to blame
I was willing to make a new start
And set aside my bleeding heart.

I don't know you anymore.
Suddenly you became a stranger to me
In an instant truth departed from your mouth
I gave you my trust but I want it back.

I wanted you back
But you have gone too far
You just want us and ours as it is
The truth is, it no longer  me you miss.

I want you out from where you are
I realized I am the one not "in"
You already knew where you are going
And to whom you like a sharing.

I endured and held on
Everyday is like an inquisition
Sleepless nights, pointless days
Had filled my life from day to day.

I wished for your decision
But I realized It's been long
Since you had made a decision
It is me who had to decide after all.

I was beaten black and blue
Too weak to compete
Too poor to win
Too late the hero.

I surrendered the fight
It was a losing battle
I lose it before it even started
I was not prepared for the attack.

I wanted to touch your once more
And feel what was left anymore
But I was scared to find out
The sweet taste has gone.

I was almost tempted
To kneel and beg in tears
For you to choose us and ours
But begging  is not your game.

I bade goodbye
Before I lost my sanity
Before I lost any sympathy
Before sickness accompany me.

I really bade goodbye
With a last stroke of hope
That you will change your mind
But all I had was a deafening silence.

I am moving on
There is no way to go but forward
I am leaving everything behind
I am taking another shot at life.

I am trying to forgive
I am trying to forget
O God please help me
Forgive and forget.









Huwebes, Agosto 29, 2013

MINI-STRY FROM MINI-STOP?

One Sunday, isang member ko ang absent sa worship service.  Damang-dama ko agad ang kanyang pagkawala dahil dito:




This member regularly gives me these two items every Sunday.  At first, she only gives me a bottle of mineral water.  I don't know how she has known of one of my favorite brands.  The water was coupled by mentos candies later on.


This is our exchange of text messages that Sunday when she was not around:






Indeed, my Sunday will not be the same without this member because she has learned what I needed most when I preach the gospel. A bottled water that will keep me hydrated and a roll of mentos candies that will keep my breath fresh:-)  To her, it is just a MINI-STRY but to me it is all I needed when I preach the gospel and when I talk to members and guests.

Again, MINI-STRY need not be big to be significant.  Some can just  be found inside 7-11 or  MINI-STOP.



Martes, Agosto 27, 2013

CELLPHONE CONNECTION

Ano ba ang meron sa cellphone?



Ano ba ang meron sa marriage?






















Ano ba ang meron sa cellphone at na malamang wala sa marriage?


MAS MADALING I-FIX ANG CELLPHONE KAYSA MARRIAGE!

AT PARAMI NANG PARAMI ANG NASISIRANG MARRIAGES DAHIL SA MALING PAGGAMIT NG CELLPHONE!

Martes, Agosto 13, 2013

INA NG LAGING SAKLOLO

Sakay ako ng multicab, pangalawa sa nanay na nasa dulo.  Katapat niya ang kanyang anak na hindi ko matiyak kung binata ba o binatilyo.  Ang tiyak ko lang e, beybing baby ang turing sa kanya ng kanyang mommy.

Mommy: Umaayos ka ng upo.  Nakatagilid ka kasi kaya hindi ka makakilos nang maayos.

Ayos naman siyempre ang baby.

Mommy: Nagsisipilyo ka ba?
Baby: Opo.

Mommy:  Eh bakit hindi ko nakikitang nagsisipilyo ka?

Si Mommy naman, magkasama ba sila buong araw at gusto niya na sa harap niya nagsisipilyo ang kanyang baby.  Hahahaha!

Mommy:  Kelan pa?  Noong isang araw?  Noong isang Linggo? Patingin nga ng ngipin mo?

Ipinakita naman ng binatilyo ang kanyang ngipin. Umiwas naman ako ng tingin.  Imbestigador si Mommy, kailangan pa may ebidensiya.

Mommy: Tignan mo nga, ang kapal na ng tartar mo sa ngipin mo!  Magsisipilyo ka kasi lagi!

Hindi ko alam kung ang feeling ni Mommy e sila lang dalawa sa loob ng multicab o kaya ay nasa bahay lang silang nag-uusap.

Gusto kong sabihin kay Mommy na ok lang ang titulo niya na "Ina ng Laging Saklolo," Ok lang na maging concern siya sa kanyang anak.  Ok lang na i-guide niya ang kanyang anak.  Pero minsan, kailangan niya ring maging "Ina Ng Awa."  Kailangan rin niyang isipin ang kahihiyan ng kanyang anak.

Matapos niyang pagdiskitahan ang ngipin ng kanyag anak, yung paraan naman ng paghawak sa payong ang napagdiskitahan ni inay.  Hahahahaha at HahahahaHAY!

Hindi kaya kasakay ko e kamag-anak ni ANABELLE RAMA?  Monster Mom ang peg?  Hahahahaha!

Mabuti na lang at maikli lang ang biyahe at  nauna na silang bumaba.  Kung hindi, gusto ko nang kantahin ito:










PREACHER NA SI MOTHER

It was Sunday afternoon when my mother called up:

Nanay: Hindi na ako makakapunta diyan.  Malakas ang ulan baha na dito sa amin.  
Me: Opo.

Nanay: Nag-text ako sa iyo, nataggap mo ba?
Me: Nasa mga bata ang phone ko kaya hindi ko pa po nabasa.

Nanay:  Ako ang nagsermon kanina sa church?
Me: Talaga po?(Surprised ako).

Nanay: Sinabihan kasi ako ni Pastor noong Biyernes.  Magsasalita kasi siya sa Malacanang kaya wala siya kanina.  Sabi ko nga sa kanya na bakit noong Biyernes lang ako sinabihan at baka hindi ko kaya.
Me:  Kaya Biyernes na kayo sinabihan e kasi nga Viernes ang apelyido niya.

Nanay and Me shared a laughter.

Me: Eh, kumusta naman ang preaching niyo?
Mother: Ok naman.  Sabi nga ni Mrs. Silac(member ng church), kay Pastor daw e hindi siya napapaiyak kapag nagsesermon pero sa akin, naiyak siya.

Me: Dulot na nga talaga ang pagsasabi sa inyo ni Pastor.  Pero dahil naitawid niyo naman na at leader niyo naman siya na nagsasabi sa inyo, ok na yun.
Mother:  Nilapitan niya yung isang member bago ako kaya lang tumanggi.  Kailangan daw two weeks ang preparation niya.

Me: Tungkol ba saan ang preaching niyo?
Mother: Tungkol sa pananampalataya.

I wonder what made my mother's preaching moving to that member.  Hindi kaya buhay ko ang basis ng sermon ng nanay ko? Hahahahahaha!

Dahil malapit na magsimula ang evening worship namin, nagpaalam na ako sa nanay ko.  I felt proud of her.  For the first time nagawa niyang magsermon.  And I think she did it well.  Marami kasi siyang pagkukunan at paghuhugutan kung karanasan din naman ang pag-uusapan.  Bread winner siya ng kanyang pamilya mula pa noong bata.  Naging OFW sa Middle East.  Cancer Survivor etc.

Pangalawa, mana rin ako sa nanay ko, hindi rin makatanggi sa pakiusap ng tao, lalo na ng pastor o ng isang leader.

Pangatlo, mana ang nanay ko sa akin.  Dahil preacher na rin siya katulad ko.

Ayon sa nanay ko, matapos siyang magsermon ay binati siya ng isang miyembro, "Sa inyo pala nagmana si Pastor Arnel ng pagsesermon."  Agad namang sagot ng nanay ko, "Hindi! Ako ang nagmana sa anak ko." 

Sayang!  I missed the opportunity to hear her.  But next time I will.

Linggo, Agosto 11, 2013

HER FAVORITE



Siyempre natuwa naman ang lolo niya sa message na ito.  Tahimik kasing bata itong si AJ.  Hindi ko alam na pinakikinggan niya pala ako.  Hahahahaha!

Siguro, iniisip niyo kung ano ang isinagot ko no?  Eto ang sagot ko thru FB:


  • Conversation started June 27, 2011
  • Wednesday
  • Arnel Dela Rosa Vasquez

    i think my strength as a speaker are:
    1. sincerity. i see to it that my message comes from my heart. 2. creativity. i try to present my message in a way different from the usual 3. audience focused. i try to acknowledge the needs of the audience and respect their time and effort to listen 4. practical. i make it appoint that people can relate to what I am saying. 5. factual. Since I am a preacher more than a speaker. I see to it that my message is biblically sound
  • Arnel Dela Rosa Vasquez

    my weaknesses as a speaker are:
    1. weak finish/conclusion. it is the part of my message that I care the least. 2. lack illustration 3. has the tendency to overly use myself as my illustration 4.
    hindi ko makumpleto ang weaknesses. Hahahaha! ikaw na bahalang magdagdag. Hindi ko pa kasi maisip sa ngayon. I hope maging maganda ang assignment mo.
  • Audrey Tadeo

    Hahaha onaman po. Ikaw speaker e :))) hahah cge po. Thank you po ulit Pastor!

SHORTS STORY

Saturday nang umaga, late na ako nagising.  May kailangan akong puntahang training.  Wala akong maisuot na pantalon.  Ano ang gagawin ko?  Hindi naman puwedeng hindi ako umattend.  I decided to go kahit walang maisuot na pantalon.  Puwede na siguro ito:



Add caption

Pagdating ko sa venue, nag-ipon pa sa labas  ang mga unang dumating.  Siyempre, habang ang ilang pastor ay nakabarong with matching cross necklace, ako naman ay parang bumibili lang ng suka sa tindahan.  Hahahahaha!  Sorry, hindi ko intensiyong mang-agaw ng eksena.  Sisihin natin ang aking lola na hindi nagpakita sa bahay para maglaba.

Nagtanong pa nga yung isa kung baha sa aking pinaggalingan.  Hahahahaha!

Habang naghihintay na magsimula ang training, yung mga higit na bata kaysa sa akin na mga pastor pero nakadamit ng matanda e nakakuwentuhan ko.  Random talks kumbaga.  In between the talks ay humihimig ako ng kantang "Separate Lives" ni Phil Collins.  Kaya halata ng katabi ko na mahilig talaga ako sa videoke.  Actually may hang-over pa ako ng pagvideoke nang Friday night.  Bitin kasi. Hahahaha!  Itinanong niya kung ano title ng kanta.  Sana raw makapag videoke rin siya.  Ang sabi ko naman surrounded ang venue namin ng mga videoke kaya hindi mahirap kung gugustuhin niya. Hahahaha!  Maya-maya binanggit niya ang kantang "Gentlemen" ng Korean na si Psy.  Alam ko raw ba?  Ang sabi ko sa kanya, "gusto mo sayawin ko pa."  And I almost danced it.   Hahahahaha!

Minsan nakakatuwa at nakakaawa ang kawalang kaalaman ng mga pastor sa nangyayari sa kanilang paligid.  Nakakaawa na yata na ang mga batang pastor ay hindi gaanong alam ang uso.  

Ewan ko kung bakit ang kulit ko that morning.  Dahil ba bitin ako sa videoke kagabi o dahil ang damit ko ang bitin?  Hahahahaha!

The training was supposed to start at 8 am pero dahil naghintayan pa, late na kaming nagsimula kaya nag-extend kami nang mahigit sa isang oras.  Panay tuloy ang tingin ko sa wall clock sa harapan at  himas sa aking legs.  Kailangang flawless ang legs kahit umiikli na ang pasensya ko.  Hahahahahaha!

Pero maya-maya hindi ko na talaga kinaya ang mga nagaganap, ok na nga sana ang napahabang lecture kaya lang ang masama, sa ibang dako na napunta ang usapan.

Kaya hindi ko na napigil ang sarili ko,  sinabi ko nang malakas sa speaker at sa kapwa ko dumalo, TAPUSIN NA NATIN  ANG TRAINING AT MAGLALABA PA AKO.  Hahahahahaha!