Martes, Enero 8, 2013
GOODBYE 2012!
Hindi ko hahayaang magpaalam ng tuluyan sa taong 2012 nang hindi ako nagpapasalamat dahil para sa akin, naging mabuting taon ito sa akin.
Sa aking pamilya, masasabi kong naging mabuti sa amin ang 2012. Unang buwan pa lang ng 2012 ay mabuti na sa aming pamilya dahil first time naming magbakasyon out of town via airplane. Yap, siyam kaming lumipad patungo sa Iloilo. Salamat na lang at may kaibigan akong taga Iloilo na nagwo-work sa Singapore ang nag-imbita sa amin na dumalo sa kanilang Dinagyang Festival. She assured us that she will take care of everything once we are in Iloilo. With that great amount of favor, we did our part in pulling our resources to produce for our airfare. Who would think that a big and humble family like could afford a trip that can be considered luxury to some? But again, that was God's favor.
Taong 2012 nang magsimula akong mag-blog. Di ba dapat lang pasalamatan ang taong ito kundi wala kayong mababasa na blog ko? Ito ang panahon na inangking kong muli ang paniniwala na kaya kong sumulat.
Taong 2012 nang sumulat ako ng Bible Study material for youth na Nationwide ang circulation. First time ito sa akin. I am glad that I did.
Summer naman nang makapunta ang aming pamilya sa Northern part ng Pilipinas. Bagama't hindi kami kumpleto at hindi naman ganoon ka-applauded ang mga experiences namin, just to have it the first time is a reason to thank God for.
Taong 2012 nang finally, makapunta na kami ng aking wife sa Puerto Galera. Bago magpasukan sa eskuwela, we spent an overnight to that famous beach. Nanatili pa ako ng ilang araw sa Mindoro at napunta pa sa tinatawag na "Tinaguan Falls" at "Little Boracay."
Latter part of this year ay na-organized na ang aking cellgroup tuwing Tuesday at 7 pm. I am happy for this group dahil as the cellgroup aims, we gradually develop deep friendship through the members of cellgroup. After four years appointed in this church, may matatawag na akong support group within the church. Usually kasi, kailangan ko pang pumunta sa mga kaibigan ko outside the church para lang makadama ako ng suporta o may makaintindi sa akin. The degree of openness is what holds the group.
Taong 2012 nang tanggapin ko ang hamon ng pagiging isang evangelist. I do not consider myself an evangelist. I am more comfortable being a teacher or a preacher. The thought of convincing a congregation to come in front after I preach and to accept the Lord Jesus Christ is daunting to me. Pero nang magpasya ang praise and worship team sa panggabi naming worship na gagawin naming Evangelistic Sunday and every last Sunday of the month, e sumunod ako sa hamon na maging evangelist ng gawaing iyon. And I am happy naman na sa tatlong buwan na nakaraan ay may mga tumatanggap naman kay Jesu-Cristo matapos kong mangaral.
At dahil nga tinanggap ko ang hamon ng pagiging evangelist, dumami na ang mga nagsisimba sa gabi ng Linggo. Yung dating 15 to 25 lang na tao ay umaabot na ngayon sa mahigit na 50 katao.
Taong 2012 nang maranasan kong mag-apply ng US Visa sa US Embassy. Bagama't ako ay na-denied, masaya pa rin ako sa aking bagong karanasan.
Taong 2012 nang maimbitahan uli akong magsalita sa isang non-Methodist Church sa Mandaluyong. Isang dating kaklase sa high school at ngayo'y bagong kaibigan ang nag-imbita sa akin na magsalita sa kanilang church.
Taong 2012 nang makapag-travel kami ng aking wife sa halos buong Negros Oriental at Negros Occidental. Dahil sa mga travel na ito ay tinataya ako bilag isang "jetsetter" na pastor. I really love to travel and I thank God that He grants my wishes.
Taong 2012 din ng first time akong makapunta sa Makati Shangrila at Diamond Hotel. Salamat na lang at may isang layperson na ibig na ibig na maka-experience ang mga pastor ng magagandang bagay. Hindi pa kasama diyan ang pagkaligaw ko sa Makati para lang mapuntahan ko ang Ayala Triangle. Hanggang ngayon probinsiyano pa rin ako lungsod na ito.
Taong 2012 din nang makadaupang palad ko ang aking mga long lost friends. At siyempre, taon din ito nang maraming mga na-gained na friends.
Taong 2012 nang maraming pagbabago sa mga pananaw ko sa buhay-buhay at sa buhay pananampalataya. Lumalalim ako na bumababaw at bumababaw na lumalalim.
Hindi ibig sabihin na walang kabiguan akong naranasan sa taong ito. Ang gusto ko lang bigyang diin ay hindi sapat ang malulungkot na pangyayari upang tabunan ang mga pagpapala ng Diyos sa akin sa taong ito.
Haaay! Kung puwede lang hindi magpaalam sa taong 2012. Pero ika nga ng kanta ni Barbra Striesand, "Some good things never last."
Goodbye 2012! Thank you very much
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento